GLASE POINT OF VIEW “Mamayang gabi, magkita ulit tayo rito pagkatapos mo patulugin si Krizza. Dito na rin tayo matulog kung gusto mo,” ani ni Kellix. “Gusto kong matulog dito pero si Krizza. Baka magising siya at hanapin ang isa sa atin mamaya. Saka huwag muna natin sana sabihing may relasyon na tayong dalawa hanggat hindi pa tayo nag-uusap tungkol dito nang masinsinan,” tugon ko habang nakatanaw sa swimming pool. Nasa likuran ko siya at nakayakap sa akin. “Kung iyan ang nais mo, gagawin ko. Halika na, baka hinihintay na nila tayo,” saad niya na nagparamdam sa akin ng ginhawa. Maunawain talaga ang lalaking mahal ko. “Ako na ang pinakamaswerteng fan mo sa buong mundo!” wika ko sa kaniya at hinarap siya. “At ako rin ang pinakamaswerteng manunulat sa buong mundo dahil nagkaroon ako ng i

