GLASE’ POINT OF VIEW Nakaapak pa lang ang paa ko sa lupa ng probinsyang Delos Santos, grabe na ang kabog ng dibdib ko. Halo-halong emosyon na naman ang muling lumukob sa akin. Sumakay ako sa tricycle at sinabi kung saan ako bababa. Habang nakasakay ay hindi nawawala sa aking isipan ang mga alaala ko sa Maharlika. Napatigil lamang ako nang makitang ginigiba na ang bar na pinagtatrabahuhan ko noon. Literal na nanlaki ang mga mata ko at lalong kumabog ang puso habang nagtataka. “Manong? Pwede po magtanong?” malakas kong tanong para marinig niya. “Sige ineng, bakit?” tugon nito. “B-Bakit po ginigiba ang bar na ‘yon?” tanong ko ulit. “Ah, aalisin na iyan dahil may iba na rin nagmamay-ari ng lupa. Saka ang bar na iyan ay maraming naungkit diyan na illegal na gawain. Tulad ng pagbebenta ng m

