CHAPTER 2

1241 Words
GLASE POINT OF VIEW March 02, 2004 at 1:30 AM. Narito ako sa bar sa bayan ng Delos Santos. Rinig na rinig ang maingay na musika. Amoy na amoy ang iba't ibang klase ng alak at sigarilyo. Makikita mong marami ang may ginagawang milagro sa gilid-gilid. Hindi na ito bago sa akin. Ilang beses na ito. Birthday na birthday ko, ganito na naman ang nangyayari. "Sir, ito ang babaeng sinasabi ko. Bagong-bago ito, may lahing banyaga at bata pa. Fresh pa 'to," nakangising sabi ni Aling Berding. "Hmm, maganda ang serbisyo niyo, Berding. Anong pangalan mo?" nakangising saad ng isang may katandaang lalaki. "Glase, sumagot ka kung ayaw mong malagot sa akin!" madiing bulong ni Aling Berding. "G-Glase," nauutal kong sabi. "Napakagandang pangalan naman. Sige, ito ang one hundred thousand Berding," nakangisi pa ring sabi nito at inabot ang perang nasa sobre. "Wow! Salamat Sir, enjoy!" tuwang-tuwang saad niya. "Ikaw, umayos ka! Sumunod ka sa gusto niya!" madiing bulong niya ulit bago ako iniwan sa lalaki. "Maupo ka, susundin mo lahat ng sinasabi ko. Malaki ang bayad ko kaya huwag mong sasayangin," seryosong sabi nito. Todo pigil ako na huwag tumulo ang luhang nagbabadya sa aking mata. Nanginginig ang tuhod ko na umupo sa tabi niya. Hinapit niya ako palapit sa kaniya at sinimulang halik-halikan ang leeg ko. "Hmm, preskong-presko nga. Bata pa pero mahubog ang katawan. Malaki ang harap at matangkad. Ang mga katulad mong babae ang gustong-gusto ko," nakakapangilabot niyang bulong. "Halikan mo ako," utos niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Gagawin mo ba o gusto mong saktan kita?" Natakot naman ako sa kaniya. "Halikan mo ako!" madiing utos niya at inupo ako paharap sa kaniya, sa mismong hita niya. Nanginginig ang buong katawan ko. Diring-diri ako sa sarili ko habang sinusunod ang gusto niya. Alam kong katawan ko lang ang habol niya. Matapos niya iyong gawin ay may mas malala pa siyang pinagawa sa akin bago ako iniwan. Doon na bumuhos ang luha kong kanina pa nagbabadya. Nakakahiya ang trabahong ito! Nakakadiri! Hindi ko masikmura pero wala akong magawa. "Job well done, Glase. Puwede ka na umuwi. Ito ang bayad, sampong libo," biglang sabi ni Aling Berding. Nariyan na pala siya. Nilagay niya sa kamay ko ang sampong libo at iniwan na ako. Mabilis akong nagpalit ng damit at nanginginig na lumabas. Naglakad lang ako pabalik sa bahay. Alas singko na ng madaling araw ako nakarating. Hinang-hina na ang katawan ko. Halos matumba na ako sa paglalakad. Sa tapat pa lang ng bahay, kitang-kita ko na si nanay na inip na inip. Inip na inip nang naghihintay sa akin. "Bilisan mo! Napakabagal mo naman! Akin na ang pera!" inis na inis nitong sabi. Ang agang pambungad. Hindi niya man lang naaalalang kaarawan ko ngayon. "Magkano ang pera? Ha? Akin na! Bilis!" nagmamadali nitong sabi. Inabot ko naman sa kaniya ang buong sampong libo. "Sampong libo lang? Napakaliit naman nito, Glase! Siguro hindi mo ginalingan ano?" iritang aniya. Nanahimik lang ako at hindi siya sinagot. "Bwesit naman oh! Mamaya galingan mo naman! Dapat maka-dalawangpong libo ka, o kaya naman tatlongpong libo! Ang aga-aga, umiinit ang ulo ko sa'yo. Makalabas na nga!" Binangga niya pa ako sa balikat nang dumaan siya. Malamang magsusugal na naman siya. Muling nagsilaglagan ang nagbabadya kong luha. Napailing-iling na lang ako. Ramdam kong hindi ako makahinga nang maayos. Kahit na ganoo'y nag-asikaso ako ng agahan. Tuyo at kanin na lang palagi ang pagkain. Pero ayos lang, basta't makakain lang ako. Pagkatapos niyon ay naghanda na ako papasok sa eskwelahan. Nang makarating ako sa silid-aralan ay nakatulala lang ako. Pilit na ngiti ang tinutugon ko sa kaklase kong binabati akong maligayang kaarawan. Simula nang mamatay si lola, hindi na naging maligaya ang aking kaarawan. Kahit na walang pakialam sa akin si nanay, si lola naman ay laging nariyan. Ang kaso, namatay na siya sa edad kong walang taong gulang. Simula nang mamatay si lola, impyerno na ang naging buhay ko. "Hoy! Birthday na birthday mo para kang pinagsakluban ng langit at lupa," agad na sabi ni Bella. "Ito pala ang lahat ng collection ko ng pocketbook. Lahat ay mula sa panulat ni MonteKM. Kaya naman, ngumiti ka na? Please?" Napangiti naman ako dahil doon. "Ayan! Ngumingiti na siya! Smile ka lang para mas lalo kang maganda!" masiglang sabi ni Bella. "Salamat talaga Bella. Kahit kailan hindi kita naituring na kaibigan. Pero, palagi mo akong napapangiti sa tuwing malungkot ako. Salamat talaga," nakangiti kong tugon. "Ano ka ba? Tama na ang dramang iyan. Basahin mo lahat 'yan para gumaan pakiramdam ko. Saka, sulat ka lang ulit kung may gusto kang sabihin pero hindi mo magawa. Hindi ba hilig mo iyon?" Mas napangiti pa ako ngayon. Kakaiba rin talaga si Bella. Lumipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang aming klase. Pilit na pinipigilan ko ang antok. Hindi man lang ako nakapagpahinga. Nilibre lang din ako ni Bella ng pagkain nang sunapit ang breaktime. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na ulit ang klase hanggang sa matapos. Ramdam na ramdam ko na kung gaano ako kapagod. Bumibigat na ang talukap ng aking mata. Nakatagong maiigi sa bag ko ang mga pocketbooks. Ayokong makita ito ni nanay. Umuwi ulit kami ni Bella nang sabay. Lumipas pa ang ilang araw at walang nagbago. Sa tuwing gabi hanggang madaling araw ay nasa bar ako. Ang pera namang sasahurin ko ay kukunin lahat ni nanay at magsusugal. Minsan nga ay tinatago ko na ang limang libong piso para sa akin dahil kailangan ko rin. March 08, 2004 ay pinasa na namin ang English poem. Patapos na rin ang buwan ng Marso nang mag-periodical exam kami. Abril naman nang mag-recognition. Kagaya lang ng inaasahan ko, wala si nanay at nasa sugalan. Mag-isa lang akong umakyat sa stage at nakasukbit sa akin ang first honor medal. Kahit gaano pa karami ang medal ko, wala lang iyon kay nanay. April 30, 2004 ay tuluyan nang pumunta sa Maharlika sila Bella. Sa mga nagdaang araw sa tuwing mag-isa ako sa bahay, nagbabasa lang ako. Madalas naman ay nagsusulat ng mga kuwentong hango sa aking karanasan. Hindi ko maitatangging naiinggit ako kay Bella. Siya kasi ay mayroong magulang na responsable. Sana ako rin mayroon n'on. Kaso wala talaga. Si nanay ay puro sugal, pag-inom ng alak at pagsisigarilyo ang inaatupag. Parang nakadepende na roon ang buhay niya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganoon. Buwan na ng Mayo at mag-isa akong bumili ng gamit ko. Gamit para sa pag-aaral. Grade 10 na ako ngayon. Sumapit din ang buwan ng Hunyo na nagsimula na ang pasukan. Walang pagbabagong nangyari sa buhay ko hanggang sa magtatapos na ako ng pag-aaral. Aakyat ako sa stage nang mag-isa. Inggit na inggit ako sa karamihan dahil kasama nila ang mahal nila sa buhay. Akong tinaguriang valedictorian ay wala man lang sumama. Si nanay, walang pakialam kahit nalaman niyang valedictorian ako. Hindi siya katulad ng ibang nanay na ipagmamalaki ka talaga dahil doon. "Glase Castro Dajac!" tanging narinig ko ay pagtawag nila sa pangalan ko. Nagpalakpakan naman ang lahat. Sinabitan ako ng medal at mayroong diploma. Dimploma na senyas na nakapagtapos na ako sa high school. Hindi ko napigilang umiyak sa speech. Mag-isa ulit akong umuwi at dinatnan si nanay sa bahay na lasing. Lasing na naman at katulad noon, kalat-kalat ang bote ng alak. May suka sa sahig at natapong alak. Itinago ko sa ilalim ng kama ang nakamit ko sa pagtatapos at nagbihis muna. Pagkatapos katulad noo'y nagligpit sa sala. Makakapag-aral pa kaya ako ng kolehiyo? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD