Chapter 52 AL'S POV Kasabay ng pagkagulat ay ang taimtim na hiling na sana 'wag kaming makilala ng anak ko. Subalit gano'n nga talaga siguro. Kahit anong pilit na itago ang isang lihim, dadating at dadating ang panahong matutuklasan niya ito. Kahit nagdadalawang-isip, dumalo pa rin ako sa annual party ng organisasyon. Ngayon lang ako dadalo dahil alam kong wala sa okasyong ito ang dati kong kaibigan na si Javier. Hindi rin ako nag-aalalang dadating ang panganay niyang anak dahil ayon sa impormasyong nakalap ko, hindi ito mahilig sa mga party na gaya nito. Subalit nagkamali ako dahil nasa bungad pa lang kami ng venue natanaw ko na nakaupo ito sa unahang bahagi malapit sa stage. At ang mas nakakagulat isinama pa niya ang anak ko. Matapos makipagbatian sa mga kapwa namin bisita umupo kam

