Syrel's POV Nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas ang aking anak. “Love, kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-alalang tanong sa akin ni Ninong K. Ang daming pasa sa mukha niya. Naawa ako sa kalagayan niya. Mas lalo ko siyang minahal sa ipinakita niyang respeto sa aking mga magulang na kahit binugbog siya ni Tatay, hindi siya nanlaban. “Masakit pa rin ang katawan mo, Love?” tanong ko habang hinahaplos ang mga sugat niya. “Okay lang ako, Love. Mas importante na ligtas kayo ni baby,” sagot niya. Kahit hirap na hirap siya, pilit pa rin niyang ipinakita ang katatagan para sa amin. “Sorry sa nagawa ni Tatay sa'yo. Di niya matanggap ang nangyari sa ating dalawa. Sana patawarin mo siya, love,” hingi ko ng tawad sa kanya sa pangbubugbog ni Tatay. “Kasalanan ko rin naman kung bakit nabugbog ako

