Syrel's POV Nang makalabas kami ng hospital, naghanap ako ng hotel na pwede naming tirhan pansamantala habang binabawi ko ang tatay niya sa kabit nito. Habang nagliligpit ako ng mga damit namin sa loob ng kabinet, bigla akong niyakap ni Sylix ng mahigpit. "Don’t worry, mom. Sylix won't leave you. I'm staying with you forever. God knows how much I love you." Hinaplos ko ang kaniyang makinis na mukha. "Hindi naman ata pwede iyan, anak," kumunot ang noo nito. "Why?" "Dahil hindi naman habang buhay matatali ka kay mommy kasi darating din ang araw na makakahanap ka ng babaeng mamahalin mo." "But mommy, I don't want to leave you. I'm staying with you forever," giit niya pa sa akin. Ang cute talaga ng anak ko. "Ikaw lang naman ang babaeng mahal ko, mom, at wala ng iba pa. You're the only w

