CHAPTER 73 Magkasabay silang naglalakad ni Leon. Maliit lang ang distansya sa pagitan nila at kulang na lang ay magtama na ang kanilang mga balikat. Patingin-tingin siya kay Leon habang nagkwekwento ito tungkol sa mga karanasan sa mga unang araw nito sa school at sa Manila. Salitan ang tingin siya sa mga mata at labi ni Leon. Matirik pa ang araw na bahagyang nakakasilaw kaya naniningkit ang mga mata nito. Dahil rin sa malakas na hangin ay gumagalaw ang malambot nitong buhok na gustong-gusto niyang pinapadaanan ng kanyang mga daliri sa tuwing nakahiga ito sa kandugan niya kapag magkasama silang dalawa sa kwarto. Mahina lang ang alon ng dagat na sa tuwing humahampas ito sa dalampasigan ay ramdam niyang umaagos sa kanilang mga paa ang maligamgam na tubig. Sa hindi kalayuan, nakita niya ang

