CHAPTER 47 “V, malapit ka na matapos?” Sinilip niya ito sa kwarto habang nagsasarado siya ng mga butones ng kanyang polo. Nakita niya itong nakaupo sa kama, nakayuko at nagsasapatos. Tumingala ito at tiningnan siya. “Heto na. Patapos na.” “Pakipatay na lang ‘yung mga ilaw at electric fan.” “Opo.” Habang hinihintay na matapos si Vicky, humarap muna siya sa salamin sa loob ng banyo at inayos uli ang buhok na kanina pa niya nalagyan ng hair wax. “Nasaan ‘yung pusa mo? Ngayon ko lang napansin na wala siya rito.” Bukas naman ang pintuan ng banyo kaya napatingin siya kay Vicky nang magsalita ito. “Na kay Le—,” muntik na naman siyang madulas rito. “Nasa vet,” sabi niya kahit na ang totoo’y nasa katapat na unit lang ito at kasama si Leon. “Vet? Bakit? May sakit?” tanong nito sa kanya ha

