CHAPTER 44

2503 Words

CHAPTER 44 “Package po for Sir Leon Villarta,” sabi ng courier na may dalang package na mukhang kahon ang laman. “Okay lang ba kung ako na lang ang magre-receive?” tanong niya. “Okay lang po. Pasulat na lang po ‘yung pangalan ‘tsaka papirma.” May inabot itong papel at ballpen sa kanya. Nang matapos niyang gawin ang mga pinagawa nito, ibinigay na nito ang package sa kanya. “Ano kayang laman nito?” sabi niya sa sarili habang tinitingnan ang hawak na package. Inalog-alog pa niya ito pero wala naman siyang narinig na tunog mula sa loob. Hindi niya tuloy mahulaan kung ano’ng laman nito. “Wala naman siyang sinabi na may ine-expect siyang package.” Napalingon siya nang bumukas ang pinto sa banyo. Katatapos lang maligo ni Leon. “What’s that?” tanong nito sa kanya nang mapatingin sa hawak niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD