Shaira's POV
Buong araw lang akong nag-kulong sa kwarto, wala rin naman kasi kaming pasok ngayon hanggang next week kaya matutulog nalang ako. Nakakatamad rin naman kasing lumabas at baka mapagalitan pa ako ni daddy kapag nalaman niyang umalis na naman ako ng bahay ng hindi nagpa-paalam.
Ako nga pala si SHAIRA JOY PEREZ, 18 years old, fourth year college, nag-iisang anak ng isang sikat na businessman na si Luis perez at sikat na artista na si Sheila perez, sabi nila ma-suwerte raw ako dahil biniyayaan ako ng isang buo at perpektong pamilya. Kung alam lang nila ang totoo.
Ngumingiti na lamang ako sa tuwing sinasabi nila sa’kin yo’n pero deep inside pinagdarasal ko rin na sana totoo na lang ang mga sinasabi nila. Sana nga totoong masaya kami at nagmamahalan.
Gusto ko rin sanang sabihin sa kanila na "Oo! maganda, sexy, matalino, siguro nga nasa akin na ang lahat pati na rin ang buo ang pamilya, hindi naman ako mahal ng daddy ko…" Gusto ko sanang ipaalam sa lahat ang totoo kaya lang ayokong magalit lalo sa akin si daddy.
Sa mata kasi ng lahat perpekto ang aming pamilya dahil ‘yon ang pinapakita ni Daddy sa mga tao. ‘yon ang gusto niyang paniwalaan nila, kaya hindi nila alam na araw araw akong nanlilimos ng atensyon at pagmamahal mula sarili kong ama.
Minsan parati ko ngang naiisip na kung anak nya ba talaga ako? at kung mahal niya ba talaga kami ng mommy ko?
Kasi kung mahal niya kami, bakit niya kami sinasaktan physically and emotionally?
*PAK*
Nagulat ako ng may palad na namang dumapo sa pisngi ko. Kahit nasanay na ako sa p*******t niya, bakit nararamdaman ko pa rin ang sakit? Bakit mahapdi pa rin?
Dahan dahan akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa kama. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya sa kwarto ko.
"D-Dad…" Nginitian ko siya at binalewala ang sakit ng biglang pag-sampal niya sa’kin.
*PAK*
Isang sampal ulit. Mas masakit.
"ANO ITONG NABALITAAN KO NA MUNTIK NG MATANGGAL ANG LATIN HONORS MO?HUH?!" see? konting problema lang pinapalaki na niya na-sampal pa ako ng dalawang beses.
"Nakabawi naman po ako, dad. Ako pa rin naman po ang nangunguna sa klase…" pagpapaliwanag ko.
"KAHIT NA! SA SUSUNOD NA MANGYAYARI ULIT ITO? ITATAKWIL NA KITA!" sigaw niya sa pagmumukha ko.
"I'm sorry po, dad." Nakayukong sabi ko. "Ginagawa ko naman po lahat ng makakaya ko para hindi kayo ma-disappoint sa’kin…" naiiyak na sabi ko.
"Huwag mo ‘kong dramahan ng ganyan at tandaan mo dinadala mo ang apelyido ko, kaya ‘wag na ‘wag kang gagawa ng ikasisira ng reputasyon ko!" galit na galit na sigaw niya.
"Luis? Ano na naman bang ginagawa mo kay shaira?" Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino ang nag-salita mula sa pinto dahil alam ko naman kung sino yo’n.
"Shai? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa’kin nang lapitan niya ‘ko.
"Mom…" Mahinang sambit ko.
"Kawawa naman ang baby ko…" naiiyak na sabi niya habang hinahaplos ang magkabilang pisngi ko na siguradong namumula dahil sa sampal ni Daddy.
Hinarap niya naman si daddy. "Luis, please tigilan mo na si shaira! Maawa ka naman sa kanya, parati mo nalang siyang sinasaktan!" Sigaw ni mommy kay daddy. Hinawakan ko naman siya sa braso para pigilan dahil natatakot ako na baka saktan na naman siya Daddy.
"WALA AKONG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN NINYO! PARE-PAREHO LANG KAYONG MAG-INA! MGA WALANG KWENTA!" sigaw niya sa’min bago lumabas ng kwarto ko.
Pagkalabas ni Daddy, nanghihina akong umupo ulit sa kama ko habang tumutulo ang mga luha ko.
Bakit gano’n siya?
Anak naman niya ako pero, bakit gano’n niya ako tratuhin?
Bakit balewala lang sa kanya ang lahat ng ginagawa ko para mahalin niya?
Bakit hindi niya pa rin ako magawang mahalin?
"Mom, bakit gano’n siya?" Mahina tanong ko pero tama lang para marinig niya.
Niyakap lang ako ni mommy habang tuloy tuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.
"Magiging maayos din ang lahat, baby."sabi sa ‘kin ni mommy habang yakap yakap niya pa rin ako at pinapatahan sa pag-iyak.
Sa mga ganitong sitwasyon, at sa tuwing umiiyak ako o kaya’y nagagalit si daddy sa ‘kin, yakap lang ni mommy ang kailangan ko. Siya lang ang nakakapagpatahan sa ‘kin sa tuwing umiiyak ako. Siya lang naman kasi ang kakampi ko.
"Matulog ka na muna, baby ko." bulong nya sakin. Tumango ako.
Nakaramdam naman agad ako ng antok dahil na rin siguro sa pagod at kaka-iyak.
"Everything will be alright…" ’yan ang mga huling salitang narinig ko sa kaniya bago ako tuluyang maka-tulog.
Sheila's POV
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan at nahihirapan ang anak ko sa puder ng kinikilala niyang ama.
Nandito pa rin ako sa kwarto ng pinakamamahal kong prinsesa at pinagmamasdan siyang natutulog ng payapa sa kama niya.
Naka-tulog na rin siguro siya sa sobrang pagod kaka-iyak. Kung may magagawa lang sana ako para mailayo siya sa impyernong bahay na ‘to, matagal ko na sanang ginawa yo’n, kaso wala eh, wala ng ibang paraan.
"Sana maranasan mong maging malaya at malayo sa bahay na ‘to." sabi ko habang hinahaplos ko ang buhok nya.
Tuwing natutulog siya, hindi mo aakalain na malungkot siyang bata. Napaka-peaceful niya kasi matulog at napakaamo pa ng mukha niya.
Bilib ako sa anak ko dahil lumaki siyang matapang at mabuting tao dahil kaya niyang itago lahat ng lungkot niya sa pamamagitan lang pag-ngiti.
"Patawarin mo ako, Shaira. Kung naging malakas lang sana ako noon siguro masaya ka ngayon, sana masaya tayo ngayon." kung ‘di lang sana ako sumuko at ipinaglaban ko pa sana ang kaligayahan ko sa mga magulang ko, siguro masaya ang buhay namin ngayon.
"Darating ang araw magiging masaya ka rin, pina-pangako ko sa’yo ‘yan." Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto niya.
Pagkalabas ko ay kaagad naman akong dumiretso sa kwarto namin ni Luis.
Naabutan ko siyang may kausap sa telepono, hindi niya pa ako napapansin dahil nakatalikod siya sakin at busy pa sa kung sino mang kausap niya.
"Sure, Mr. Alcantara sabihin ninyo lang ako kung kailan kayo makikipagkita. Darating kami kasama ang anak ko, pangako po ‘yan. Bye." nakaramdam ako ng inis nang maintindihan kong may kinalaman na naman kay shaira ang kung ano mang plano niya.
"Ano na naman ang pinaplano mo kay shaira?" nanggagalaiti na ako sa galit sa kanya. Buong buhay ni shaira ay nan-lilimos siya ng pagmamahal at aruga ng isang ama, na hindi binigay ni luis sa kaniya.
"Wala kang pakialam!" Sigaw niya sa akin.
"May pakialam ako! Anak ko ang pinaguusapan rito luis kaya malaki ang karapatan ko!" Hindi ko na rin napigilang sumigaw.
"Bumabagsak na ang company natin at kailangan ko ng tulong mula kay Mr. Alcantara. Ang pamilya niya ang nangunguna sa pinaka-mayaman at pinaka-makapangyarihan sa buong mundo kaya malaki ang maitutulong niya sa negosyo ko, pero bago niya ako tulungan kailangan munang ipakasal ang anak mo sa anak niya, kaya nakipagkasundo na ako sa kaniya. Ikakasal ‘yang anak mo sa anak niya! At nang magkaroon naman ng pakinabang sa ‘kin ang batang ‘yon!" walang emosyon niyang sabi.
"Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong ibenta si shaira sa ibang tao for the sake of your own company!" galit na galit na sabi ko sa kaniya.
"Walanghiya kang hayop ka! Wala kang kwenta at walang puso! Napaka-Demonyo mo! GO TO HELL!" Sagad sa buto na ang galit ko sa kaniya, wala siyang kwentang tao. Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya at nagbabakasakaling makonsensiya siya kahit papano.
*PAK*
Napahiga ako sa kama dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa ‘kin.
"Oo demonyo ako! at kaya kong gawin lahat maranasan ninyo lang ang impyerno sa puder ko!" sabi niya na may ngiting demonyo sa mga labi.
"Parang awa mo na, Luis. Huwag mong gawin ‘to kay shaira. Kulang pa ba ‘yong mga paghihirap niya sa puder mo?" lahat ginawa na ng anak ko para mahalin siya ni Luis pero ‘di pa rin siya magawang mahalin nito.
Lumapit siya sa ‘kin ‘tsaka hinawakan ng mariin ang buhok ko. Napasigaw ako sa sobrang sakit.
"Wala akong pakialam kung nahihirapan na siya. Kung ayaw mong MAS pahirapan ko pa siya, susunod ka sa lahat ng gusto ko. Maliwanag?!" Sabi niya bago niya binitiwan ang buhok ko. Tinapunan niya muna ako ng masamang tingin bago siya lumabas ng kuwarto.
Nanlumo ako. Wala na naman akong magagawa para ipagtanggol ang anak ko. Hanggang ngayon wala pa akong lakas para itakas siya dito.
Sana mabait ang magiging asawa niya at sana matulungan niya si shaira na umalis sa impyernong buhay na ‘to.
Kahit si shaira lang ang makalayo rito. Kahit hindi na ako, basta magiging masaya ang anak ko. Wala na akong pakialam sa mangyayari sa’kin.