Katherine's POV:
"Alexandria, Can I talk you just one second." Tawag pa sa akin ng Isang lalake.
"Ah Good morning! Kyle" kilig pang sabi ni Sam habang nagpapalitan pa siya ng tinging sa aming dalawa at ganun din si Liz.
Tss'
"Ahh-- eh Kyle.. Walang Alexandria dito, Si Katherine to" turo niya pa sa akin at tinaasan ko ng kilay si Kyle.
O_o
Bat' nandito to?
"Ah ganun ba.. Uhn-- Nevermind." pang iling pang sabi niya at tsaka pumasok na ng cafeteria.
"Una na kayo may kukuhain lang ako." Pagdadahilan ko pa at tsaka tuluyang umalis at nagpatakbo patungo sa malapit na cr.
Kahit anong gawin ko bakit ganito nalang parati ang nararamdaman ko?
Naguguluhan ako..
Elizabeth's POV:
"Una na kayo may kukuhain lang ako." Ani ni Kath at tsaka walang lingunang umalis.
Magdadahilan na nga lang obvious pa.
"Okay lang ba siya?"alalang sambit pa ni Sam habang tinatanaw namin siya palayo.
"Hayaan na muna siya... Tara! gutom na ko!" Himas himas ko pang reklamo at tsaka nagpaunang pumasok sa loob.
"Oi! Intayin mo ko" mahinang tawag pa niya sa akin.
pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang usual na itsura at bango ng cafeteria.
Grrl* Grrl*
Pagpasok ko ng cafeteria ay deretso kong tinahak ang kahaba habang linya.
"Hindi ba sya yon" tanong pa ng katabi ng lalaki sa harap ko. Naguusap silang dawala.
"Ewan ko nga eh.. pero may feeling ako na si Alexandria ngang talaga siya." sagot pa nito sa kanya.
Eto ba ang ex niya? Ano nga ba ulet ang pangalan niya? Rily? --Tyle? --Ay Ewan.
Itong ex niya ay masasabi mong may mukha talaga. Siya yung tipo ng laki na pinagtitilian at pinagkakandarapaan ng mga babae.
Si 'Ex' ay maputi at walang bahid ng pimples at black heads sa mukha. kapansin pansin din ang kanyang banat na katawan sa hapit niyang uniporme.
Hay! Bat' ang unfair ng mundo?
Maganda naman ako. Maputi at straight ang buhok. Katamtaman naman ako sa katawan at may korte pa.
Pero bat' parang ang tagal ng 'the one' ko?
Ilang saglit lang din ay naabot namin ni Sam ang dulo ng pila at nakapagaorder na din.
Pinareserba ko nadin si Kath ng pagkain at mimiya miya pa ay dumating na ang aming inorder.
Kinuha ko na ang aking pagkain at ang food pending card ni Kath at naghanap ng table malapit sa labasan ng cafeteria.
"Woi! --Asan yung akin?" pasulpot na tanong niya pa.
Muntakin na ang pagkain ko ah'
"Aba! Kuhain mo na yung sayo.. eto oh." Kunot noong sabi ko pa at tsaka inabot sa kaniya ang food pending card. "Nandodoon na ata' iyon" nakangusong turo ko pa.
Kinuha niya na ang card at tsaka nagmadaling umalis.
Isang saglit lang din ay dumating na siya kasabay ng pinareserba kong order para sa kanya.
Nagkwentuhan pa muna kami at tsaka nagtungo na sa aming klase.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Lunch break!
Eto talaga ang hinihintay ko ang lunch break.
( ꈍᴗꈍ)
"Dalian niyo!" excited ko pang sabi habang pumapalakpak pa sa kanila.
"Mauna ka na kaya!" Inis na sigaw niya pa sa akin.
Bad mood naman neto..
"Sam tayo na nga!" Baling ko pa sa kaniya na siya namang animong nagpipigil ng tawa.
"Ano bang nakakatawa?" taas kilay ko pang sabi sa kanya.
"--Ah wala hahah.. Tara!" Pigil na tawa pa niyang sabi.
Nababaliw na ba sya?
Sabay kami ni Sam bumaba ng building na hindi kasama si Kath.
Katherine's POV:
Haist! Saan na ba kasi iyon?
Kanina pa ako dito kakahanap sa 'pad' ko. Kanina pang sumasakit ang puson ko.
"Umm.. meron ba kayong pad?" tanong ko sa kaklase ko.
"Ah Eh meron.. Eto oh" abot niya sa akin ng pad kaya nagpasalamat pa muna ako tsaka nagtungo na sa banyo.
. . .
Paglabas ko ng cr ay naglakad lakad pa muna ako sa tapat ng field. Maraming naglalaro ng soccer at meron ding cheerdance na nagprapractice sa gilid.
At doon ko nakita ang kanyang mga kabarkada.
Bat' nanandito ang mga to?..
Isa-isa ko silang pinagmasdan pero hindi ko siya makita.
Naasan na kaya ang kumag na yon'..
"Are you looking for me?" Isang pamilyar na boses. Ang boses na namiss ko.
"Huh?" Kinalma ko ang sarili ko at tsaka ko humarap siya.
"--Me? Did you miss me?" Nakangisi pang sabi niya.
Tch'...
"Bakit naman kita mamismiss.. Eh, hindi naman kita kilala, Sino ka ba ha?" Maang maangan ko pang tanong sa kaniya at tsaka bahagyang nawala ang kanyang ngisi na napalitan ng simangot.
"Alexandria naman---"
"Wag mo nga akong tawagin niyan! at tsaka sino ba yan?" pigil na inis ko pang sabi sa kaniya.
Ayokong marinig yang' pangalan ko sa bibig mo..
"Pangalan mo yun diba?"
"Hindi ko alam na tatay pala kita para mapanglanan mo ko ng basta basta?" Taas kilay ko pang sabi at tsaka akmang aalis ako ng hawakan niya ang braso ko. "Ano ba!?"
"Alexandria naman oh.. Let me explain?"
"Ano bang iexplain-explain pang sinasabi mo!? At tsaka bitawan mo nga ako!" Seryosong sigaw ko pa at tsaka niya ako dahan dahang binitawan.
"Please naman oh.." pagpapakaawa niya pa ngunit na bahagya pa akong na hindi ko na siya pinakinggan pa at tsaka walang lingunang umalis sa harap niya.
~Flashback~
Knock* Knock*
"Alexandria Hija? Buksan mo naman tong' pinto... Sigh* Iiwanan ko na muna tong' pagkain sa labas ng pinto.. kumain ka ah, hija?" Rinig kong sabi pa ni manang.
Wala akong gana'
Ilang araw din ang lumipas na ganito akong nakahiga sa kama na nakatulala lang sa kawalan.
. . .
Blag! Blag!
"Alexandria Montenegro!! Buksan mo 'tong pintong to!! Now!!" Nagising na lang ako sa malalakas na katok ng pinto.
"Isa!! Dalawa!! Tatlo!! Alexandria Montenegro." Maawtoridad pang sabi niya at tsaka biglang bumukas ang pinto.
Blag!
"Alex! Why are doing this to yourself!? Look at you!? You look so pale and thin!? Ano bang nagyare at bakit ka nagkakaganyan?" Sigaw niya pa sa akin habang ako naman ay nakahiga at walang lakas para makapag salita. "I got a call from your teacher.. You haven't attending classes and worse your professors dropped you!?"
"Leave me alone!" paos na sabi ko pa habang wala sa sariling nakatingin parin sa bintana at pinagmamasdan ang ulan sa labas.
"Excuse me!? ---You know what?! You'd like it or not you will be leaving the Philippines and will stay to your grandparents until na magtino ka na!" Maawtoridad na sigaw pa sa akin at tsaka niya padabog na sinira ang pinto.
. . .
~End of flashback~
Wala sa sariling tinungo ko ang cafeteria kung saan natanaw ko sina Liz at Sam na nakaupo doon sa dulo. Kita ko pa silang nagtatawanan at tsaka ko pasalampak na umupo dito. Kitang kita pa silang nagulat nung pagkaupo ko.
"Anong nagyare sayo!?" Alalang tanong pa sa akin nina Sam at Liz. Pero hindi ko sila pinansin pa at tsaka nalang nagpaunang tumulo ang aking luha sa gilid ng aking pisngi.
"Oi! Anong nagyare?" Seryosong tanong pa sa akin at bahagya kong iginilid ang ulo ka sa balikit ni Liz.
'Bat ganto nalang ang apekto mo sa kin'..
Hindi ko na namalayang ang pag akap nila sa akin.. napakagaan sa pakiramdam! Sobra!
Kinalma ko pa ang aking sarili at tsaka bahagyang napangiti sa kanila.
"Ayos ka lang ba?" nagaalalang ani ni Sam at siya namang binatukan siya ni Liz.
"Malamang hinde.. Oi! Kahit ano pa yan nandidito lang kami ha?" Pasiring tugon ni Liz at tsaka bumaling sakin ng ngite.
Mimiya lang din ay natapos na silang kumain at tsaka bumalik na din kami sa aming klase.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
"What is the branch of science that mainly deals with Plants?" seryosong tanong pa sa amin ng prof namin. Nagtaas ako ng kamay.
"Katherine?" Tawag pa sakin at tsaka ako dahan dahang tumayo.
"Botany is a branch of biology that mainly deals with Plants structure, properties and biochemical process." Kaswal na sagot ko at tsaka sila nagpalakpakan.
Mimiya Miya lang din at natapos na ang science namin. PE naman namin!
"Good morning class!" Maligayang bati ng P.E instructor namin at tsaka binati din namin siya.
Pinababa kami ng teacher namin dahil tatakbo daw kami sa field.
Tsk'.. ayaw kong tumakbo.
Field.
Nagstretching pa muna kami bago sila naghanda magtatakbo.
"Pano nayan? Diba Kath ayaw mong tumakbo? Hmm.. Sige diyan kalang at sasabihin ko kay sir." Hindi na ako tumutol pa kasi ayaw ko din naman tumakbo.
Kita ko pa silang nag usap na napasulyap pa sakin na animong nag aalala.
"Oh bakit Montenegro?"
"A-Ahh sir.. Kasi madali ho kasi akong H-hinihingal.." sabi ko sa kanya habang napakamot pa ng ulo ko.
"Siya sige.. diyan ka na muna ah"
"A-Ahh sige ho.." sabi ko at mimiya miya lang din ay nagsila na silang magsi-takbo.
Nandito ako sa maliit na bench sa ilalim ng shade ng puno. Dito ko tinanaw ang aking mga kaklaseng magsi-takbo.
Yung iba sa aking kaklase na mukha ng tangang nagsisiunahan pa.
Mga Isip bata..
"Bat' nandiyan ka?" Tanong pa ng pamilyar na boses.
Hula ko si Kyle na naman to'..
Bahagya ko pang sinilip kung sino nga ito at hindi ako nagkami sa pakiramdam ko at siya nga.
"As usual.." malamig na sabi ko at tsaka muling binaling ko ang mga mata ko sa mga kaklase ko.
"Kahit kailan ganyan ka parin.." sabi niya ngunit hindi ko na siya sinagot pa.
"Oo, kaya nga iniwanan mo 'eh" malamig na pambabara ko at hindi siya nakasagot.
Nakatuon parin ang tingin ko sa mga kaklase ko.. pero ramdam na ramdam ko parin ang tingin niya sa akin.
Hindi siya malayo pero hindi din malapit ang pagitan naming dalawa. Meron kasing nakaharang na fence na mataas sa pagitan ng field.
Ilang minuto din ay sinilip ko kung nandodoon pa siya pero sa pagkadismaya ko ay wala na siya roon.
Kahit kailan 'Kath' abnoy ka paren'..
Binaling ko muli ang aking tingin sa mga kaklase kong na agtatakbuhan..
Isang Ora's pa ang nakalipas ay natapos na ang aming PE. Nagpalit na din kami ng suot na damit na uniform at tsaka pumasok ng classroom.
"Woi! Nakita ko kayo ni Kyle.. Pipormahan ka ba niya?" Nakangisi pang sabi ni Sam at tsaka ko siya pinandilitan ng mata.
"Asa siya!" Sabi ko at tsaka ko pinagkruss ang aking mga kamay.
"Ang pogi pogi niya Kath.. Sinasayang mo" nakangiwi pang sambit niya.
"Edi sayo na.." sarkatisko ko pang usal.
"Eh.. Kath naman--"
"Oi! Ang iingay niyo." Mahinang sigaw naman ni Liz sa aming dalawa.
Di na kami nagkwentuhan pa nang dumating ang last teacher namin.
Discuss.
Uwian na!
Kasabay kaming umuwi na nauna pa si Sam sa amin.
Patungo sa aming bahay ay bigla na lang huminto.
"Dito!! Eto!! Dito tayo Kath!" Nakangiting sabi niya sa akin at tsaka niya pinakita sa akin ang Isang coffee shop.
"Diyan!? May naghahanap ba diyan na mga working student?"
"Siyemre, magtatanong pa at tsaka malapit lang naman sa bahay natin to' noh!" Taas-kilay na sigaw niya.
"Sige.." tipid kong sagot at tsaka bigla nalang nagring ang cellphone ko.
~Eun 은~
Where are you!? Why did you miss your flight on purpose? We're worried.. Alexandria please answer..
5:37 pm
Tsk'...
"Baket?" takang tanong niya sa akin.
"A-Ahh K-Kuya ko, hinahanap na daw ako.." kaswal na sambit ko at tsaka ko sinilid ang aking cellphone sa bulsa.
"Hala 'pano na yan? nasabi mo na ba sa kanila?.. nakakatakot pa naman si tita.."
"Hindi pa.. Tara!" nakangisi kong saad at tsaka nagpaunang nagbisikleta.
"Woi!!" Tawag pa niya sa akin Pero hindi ko na siya marinig sa layo namin sa isa't isa.
Ilang saglit lang din ay unti unting nawala ang ngisi at napalitan ito ng Kaba.
•End of Chapter 3•