"O ang bilis naman natapos?"Nagtatakang sabi ng kaibigan ni Amora ng tawagan niya ito tungkol sa repair ng kanyang bahay.
"Di pa nga tapos,kasi'y kinapos ako ng budget."
Sagot ni Amora sa kaibigan.
"O ang akala ko ba'y???"
"Anu bang malay ko na bulok narin pala ang
kisame,pabagsak narin pala eh."
"Nakuuuu yan na nga ba sinasabi ko.Nanganak na
ang gastos."
"Bakit ba hindi ko naisip.Kapag nabulok ang yero'y
bulok din siyempre ang kisame at mga trases.
Nawalan ng lakas na sabi ni Amora sa sarili.
"M-May alam kabang ibang raket?"
Tanong niya bigla sa kaibigan.
"Nako!Ako pang inasahan mo diyan?E alam mo
namang mahiyain ako.Sa iyo nga lang ako umaasa!"Sabi naman nito.
"Ano bayan!"
"E alam mo naman."
"Ganitong kailangang kailangan ko talaga kahit iyon ay
papasukin ko na."
"Oh?Kahit iyong ano?!"
"Anong iyon?"Takang tanong niya sa kaibigan.
"Yung alam mo na!Ano bayan!Mamatay nalang tayong dalawa na tatanga tanga.Ano di pa rin magets?"
"Iyonnnn???Grabe hindi ko naman kaya iyon."Nang masakyan niya ang sinasabi nito.
"Sabi ko nga!E kasi'y ang sabi mo kahit ano eh."
"Hindi nakatulong.Nakasimangot na sabi niya.
Wala na sa linya ang kaibigan ngunit tuliro parin si
Amora.
"Ano ang mabuti niyang gawin?"
Ang kanyang paglilimi-limi'y naantala ng pagtunog
ng kanyang cellphone.Sinagot niya ang tawag.
"Hi."
Napakunot siya sa may ari ng boses.Pamilyar.Dati na
niya narinig.
"Sino po ito?"
"Graham.Who else.Hindi mo paba naisave ang
number ko?"
"Bakit ho?"
Hindi niya sinagot ang tanong nito.
"Gusto sana kitang anyayahang lumabas."
Napasimangot si Amora sa narinig.
"Pagkakakitaan po ba iyan?"Kahit alam niyang pang-
sopla ang kanyang sinabi rito upang maramdaman ni-to na walaaaaa siyang kainte-interes sa anumang pag aanyaya nito kung hindi rin lang pagkakakitaan. Mata-pat at deretso niyang sabi sa lalaki.
"Exactly! Kaya nga kita inaaya.Baka ako ang sagot sa
problema mo"
Medyo napahiya man sa maling akala niya si Amora'y wala naman siyang balak na mapahiya.
"S-Sige p0.Saan po tayo magkikita at anong oras?"
"No.Susunduin nalang kita sa inyo para wala kang
hassle,tutal ako naman ang may kailangan."
Kanina pa niya naibaba ang tawag ngunit nag iisip
parin siya. Ito na ba ang sagot sa kanyang problema?Mabuti nalang at hindi niya nasungitan ang lalaki kani
na.Siya kasi!Hindi kaya napasobra naman ang kumpi-
yansa niya sa sarili?Feeling niya yata'y lahat ng lalakiy maaring magkagusto sa kanya?! Maige sana kung ma-
yaman man lang siya?Wakatoots naman siya!Bawa-san nga ang sobrang kumpiyansa sa sarili,hindi niya iyon ikakayamaan.Ilang minuto lang ay may nagbusi-na na sa labas at tapat ng kanyang bahay.Nagmama-dali si yang lumabas ng hindi naman nakakahiya sa lalaki . Upang sa paglabas niya'y madismaya dahil sa nakita.Malaki at itim na itim na motor ang nasa harapan ni Amora ngayon.Bagaman alam niyang mahal ang mo-tor na tulad ng hitsura noon ay mukha naman itong nakakatakot sakyan gaya ng lalaking nakasakay rito. Parang color coordinated itim ay itim din ang jagger na suot nito at itim din ang sapatos. Nagbaba ito ng tingin at ang suot naman niya ang tini-ngnan nito. Kasabay ng pag-alis ng sunglass nitong itim.
"Hindi ko yata nasabi sayong jet ang dala ko."
Kahit hindi niya gusto ang paghagod ng tingin nito sa
kanya ay napatingin din siya sa paldang suot.Mukha
talagang mahihirapan siya dahil sa napasulyap siya
sa makitid at maliit na upuan nito sa hulihan.Gustuhin man niyang tumagilid ay mahihirapan siya dahil sa haba ng makitid niyang palda.
"H-Hindi bale.Maari ka ng mauna at ako
nama'y magpapalit ng damit."Sabi niyang alanganin sa lalaki.
"No hindi na.Narito na ako'y iiwan paba kita? Pwede
mo naman akong patuluyin hindi ba?"
Gaya ng mga sagot kanina ni Amora rito'y alanganing tango naman ang ginamit niya rito.
Nakita niyang bumaba agad ang lalaki.Dali dali
naman niyang binuksan ang maliit na gate ng may
pagmamadali.Sa pagbukas naman ng main door ay kandarapa siya.Ewan ba niya at bakit ilang na ilang siya sa lalaki.Isip niya'y baka hawakan siya nito at iyon
ang ayaw na ayaw niyang muling mangyari.
"Ooppps careful"
Sabi nito ng matapilok siya.Para namang tangang lumayo siya agad dito.Ewan lang kung napansin nito ang ikinilos niya.
"Maupo ka muna."Pag aalok ni Amora.
Sa pag lubay niya ng tingin sa lalaki'y nakita pa niyang
lumibot agad ang mga mata nito sa buong bahay.
"Can't you offer me anything? A coffee perhaps?"
Iyon ang nagpahinto sa tangka niyang paghakbang at
tumango lang siya sa sinabi nito.
Ayaw sana niya dahil kape iyon!Mainam sana kung
softdrinks o juice nalang ang hiningi nito.Bakit?
Dahil matagal bago maubos ang kapeng mainit kaysa sa malamig na softdrinks o juice.
Pagkatapos niyang ilapag ang kape sa harap nito'y...
"Ikaw lang dito?"
Nakakunot ito habang gumagala at tila naghahanap
ang mga mata nito.
"H-Hindi,umalis lang sandali ang kaibigan
ko.Dalawa kami rito."
Napakunot noo naman ito sa sinabi niya at tumango
narin.
"Sige maiwan muna kita." Sabi ni Amora rito.
Habang iiling iling ay hinubad niya ang paldang suot
at pinalitan iyon ng nakitang leggings.Na agad niyang hinubad dahil kitang kita ang hugis ng katawan niya roon.Ayaw niyang magbigay ng motibo.Baka pagka-
malan pa siya nito at iyon ang isa ring ayaw niyang mangyari.Sa halip ay pinalitan niya iyon ng square pants.Iniwan niya narin ang sandals sa kanyang paa at hindi na pinalitan.Mas mukhang walang effort mas maganda. Hindi rin siya nagtagal sa pagpapalit at nag-
mamadali na siyang bumaba.
Upang mailang lalo dahil sinalubong siya ng tingin
nito at ng makitang balak pa nitong ubusin ang kape
ay napilitan siyang umupo nalang kung saan malayo
rito.
"Alam mo bang ang ilap ilap mo?"
Bigla napatuwid ng upo si Amora ng sabihin iyon sa
kanya ng lalaki.
"P-Pasensiya napo kayo,ganito lang talaga ako.I-Isa
pa ho'y hindi ko pa kayo ganoon kakilala,sana po'y
maintindihan ninyo."Pagpapaliwanag ni Amora.Naki-
ta naman ni Amorang tatango tango lang ang lalaki sa
sinabi niya.
"Tara na?!"
Pagkatapos na inilapag ng lalaki ang pinagkapehan
sa lamesa ay sinabi nito.Siya naman ang tumango.
Nang nasa harapan na sila ng motor nito ay nauna na
itong umupo at tinapik naman nito ang likurang upu-an na tila sadya yatang pang isahan lang.Para tuloy siyang tangang nag akyat panaog ngunit hindi maka-panhik-panhik dahil nakayupyop siya sa motor nito sa pwetan.Nagmukha lang tuloy siyang tuko.
"Tsk!tsk!tsk!"
Narinig ni Amorang palatak ng lalaki dahil kanina pa
pala siya pinanunuod nito sa pinag gagagawa niya.
Hinila nito ang kanyang braso at hinawakan siya sa
kanyang pigi na ikinatili niya.
"Ouch!"Narinig niyang mahinang nasabi ng lalaki.
"Sorry binigla mo kasi ako eh!"Mataray na sagot paumanhin ni Amora sa hindi niya sinadyang pagpisil sa dibdib nito na kaagad naman niyang binitawan na parang pasong-paso.Mabuti nalang talaga at walang mga tao sa labas ng mga sandaling iyon.Pulang pula si Amora lalo na ng malamang nakasubsob siya sa likod ng lalaki.Paano niya ngayon ilalayo ang kanyang dib-dib ngayon dito e paturok ang upuan ng lalaki na halos pahiga na yata masyado?Para siyang nakayakap nga-
yon sa lalaki.Ang isa pang ginawa nito na hindi niya nagustuhanay ang iniyakap din nito ang kanyang mga kamay sa baywang nito.
"Hold on tight!Lilipad na tayo."
Iyon ang narinig niyang sinabi ng lalaki bago nito
paharurutin ang maingay at malaking motor.
Ramdam na ramdam ni Amora ang pagtawa nito dahil sa pag alog alog ng katawan nitong nakadikit sa kanya.
Lalong nainis ang dalaga.