CHAPTER 27 Dahil kanina pa kami nasa byahe ni David, at ngayon ay nakasakay na ako kay Immanuel- ay naging mas madali na ang pag-uwi ko. He stopped the car, hindi ko halos maisip na nakaapak ako rito sa aming probinsya. "Salamat sa paghatid, Immanuel. Uhm gusto mong tumuloy?" tanong ko sa kaniya, bitbit ko ngayon ang ibang gamit ko habang siya ay kukunin daw sa likod ng kotse ang maleta at malaking bag ko. "Uhm, maybe if your parents want-" Hindi ko na siya pinatapos. Nakita ko kasi si Mama na nasa pintuan, nagwawalis. Hindi naman niya ako nakita kaya itinakbo ko ang maliit naming gate patungo sa pinto ng aming bahay. "Mama!" I saw how she jumped in shock after hearing my voice. Napahawak ito sa kaniyang dibdib, ngunit bumalatay naman ang kaniyang ngiti nang makita kung sino ang tum

