Third Person's Point of View
“SAYOD ko, ‘nak. Sige eon, magdahan ka sing biyahe. Balik eang iya maskin anong oras mo gusto. Suwerte ang gumankon ag may gapalangga kana nga kaparehas mo (Translation: Alam ko. ‘nak. Sige na, mag-ingat ka sa magiging biyahe mo. Bumalik ka rito kahit na ano mang oras mo gusto. Suwerte ang pamangkin ko at may nagmamahal sa kan’yang katulad mo),” ani ng ale na siya namang tinugunan ng malumbay na ngiti ng binata.
“Saeamat, ante. Paki kamusta lang ako kay Angkol Ben, uwa ko abi imaw nakita (Translation: Salamat, tita. Paki kamusta na lang ako kay Tito Ben, hindi ko kasi siya nakita),” anito.
“Uwat problema, Austin, ikaw pa! Ay! Igto sa kusina may ginaubra (Translation: Walang problema, Austin, ikaw pa! Ay! Nandoon sa kusina may ginagawa),” aniya ng aleng nakangiti na.
“Ah, sige, ante, mapanaw eon ako (Translation: Ah, sige, tita, aalis na ako),” pagpapaalam na ng binata bago sila kapuwa nagngitian ng ale n’ong nag-umpisa na itong maglakad paalis.
Naglakad ang ale upang isara na ang kanilang pintuan n’ong muli siyang nilingon ng binata kaya agad n’ya itong kinawayan.
“Kasueobo ro natabo kanda, ano? (Translation: Nakalulungkot ang nangyari sa kanila, ano?)” ani ng isang bagong dating na malaking mama na mula sa kanilang kusina habang sinisipat ang likuran ng bisitang kakaalis lamang.
“Gani. Malisod gid-a matuod magpalangga it taeo nga may ikasarang sa kabuhi, abong bawal (Trans: Kaya nga. Mahirap talagang magmahal ng taong may kaya sa buhay, maraming bawal),” aniya ng ale.
Austin continues walking while both hands are in his pocket. He is passing thru the mini - road surrounded by vines. He bows his head to enter the Hotel in front of his Auntie Badette's bamboo house.
When Austin reaches the receptionist, the two girls in there greet and smile gracefully at him.
"Hi, sirrrrr!" she chuckles, but he remains poker-faced and nods.
"Ay! Snobber gid-a si sir ngara (Translation: Ay! Snobber talaga itong si sir)," ani ng receptionist ng hotel habang sinusuklay-suklay pa ng pasimple ang kan’yang buhok gamit ang kan’yang mga daliri.
"Truths! Guwapo pa man kunta! Suwerte asawa na, jackpot! (Trans: Truths! Guwapo pa naman sana! Suwerte mapapangasawa n’ya, jackpot!)" pahabol pa ng isang receptionist.
Austin maintains his serious-faced even his hears different comments from the girls his passing thru. He motioned his fingers when he saw his bodyguards are scattered guarding the place. Immediately, a black Montero parked in front of him. He looks around the area before opening the car's door and hopping in.
"Did you lose that f*****g, Premo? He doesn't know to mind his own business," Austin said with gritted teeth while massaging his forehead.
"Yes. Young Master, currently his on the other street," A masculine voice replied, sitting in front of the car.
"Good then. Drive fast. We should be arriving first than that bastard, Premo. I'll punch his f*****g face in front of my cousins. They should know who's who," Austin said with a tightened jaw.
"They should stand and observe their lives than giving my life such attention. I don't hella need their pity," Again, he uttered while brushing his fingers into his lips.
He lit a stick of Treasurer Cigarette using his Gold Dupont Ligne 2 Champagne worth 79,000 US dollars.
"Sir, Davis called, and Chairman Marquez safely arrived at Godofredo P. Ramos Airport," the guy reported.
"Good, Bench, makes it fast," Austin commanded while puffing his cigarette off the air.
Bless' Point of View
2 years ago...
"Acute Myeloid Leukemia (AML) is a type of blood cancer. It starts in your bone marrow, the soft inner parts of bones. AML usually begins in cells that turn into white blood cells, but it can also begin in other blood-forming cells. People with acute types of leukemia, such as AML, bone marrow cells don't grow the way they're supposed to. These immature cells, called blasts, build up in your body," saad ng doctor sa aming tatlo. Hindi nakaimik si mama at papa, pero, iba ang hindi umimik sa hindi nakaimik. Pareho na silang nasa kalagitnaan ng pagpipigil ng iyak dahil sa narinig.
Sino man abi ro indi ma-speechless ‘di ba? (Translation: Sino naman kasi ang hindi magiging speechless ‘di ba?)
Sino ba naman ang magulang na gugustuhing magkasakit ang anak nila, hindi lang bastang sakit dahil pambihirang sakit ng tao. Halos lahat pa ay nauuwi sa kamatayan.
"Do-c, sigurado ka ba? Sigurado ka bang may sakit ang anak namin? Hindi! Hindi! Tignan mo siya! Tueoka imaw! (Translation: Tignan mo siya!) Ang lusog n’ya, doc! Okay naman siya, eh! Ngayon sabihin mo! Sabihin mo sa kin, doc! Sabihin mong nagkakamali ka lang! Sabihin mo po!” hiyaw ng nanay kong umalingawngaw sa buong kuwarto. Nagawa n’ya pa ring makapagsalita sa kabila ng kan’yang pagluha.
Hindi. Hindi ko kayang makitang umiiyak ang nanay ko. I just can’t. Imbes na mas lalong panghinaan ng loob at sumabay pa sa pag-iyak ni mama ay inilihis ko na lang ang aking paningin sa ibang direksiyon. Mas minabuti kong ipikit ang aking mga mata at nag-umpisang magtawag ng iba’t ibang pangalan ng mga Santo at Santa. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa naririnig ko ngayon.
"Madame, these results are from the series of tests we've done to Miss Winona, Madame, we're very sorry, but your daughter is sick," napakasakit na paulit-ulit iyong marinig mula sa doctor na sumuri sa akin.
Jesus!
Hindi ito puwedeng mangyari! Hindi sa kin! Hindi kahit na kanino! Hindi ito puwedeng mangyari sa kin! Hindi!
"Doc, pasensiya na po kayo sa asawa ko tulad ko ay nabigla kami sa binalita mo. Pero ano bang pwede nating gawin? I mean, gawin n’yo po ang lahat ng makakaya ninyo. Handa po kaming magbayad kahit na magkano. Just–just save our daughter. She's our precious daughter," pagtatanong naman ni papa na halos pumikit na sa pagpipigil na umiyak na rin. Alam kong nasasaktan sila ngayon, lubos.
"She's special, Doc. Mahalang-mahalaga sa min ang anak namin," dugtong ni mama habang inaalalayan na ito ni papa.
What happened to me? What damn thing happened to me!
Aeaom ko simpleng lipong malang to, aeom ko! (Translation: Akala ko simpleng pagkahilo lang ’yon! Akala ko!)
(Flashback)
Naglalakad ako kasama ng aking mga kaibigan habang hawak-hawak ang aking bag sa kanan at halos yakapin naman ang mga libro ko sa kaliwa. After ng punong-puno na schedule na halos tanghalian na lang ang libre namin ay naglalakad na kami ngayon pauwi. Kasama ko ang dalawa kong loyalist na friends since kindergarten, gasawaan eon gani kami it among mga itsura (Translation: nagkakasawaan na nga kami ng mga mukha) meet my friends/sisters! Evelyn Steeleman, Eves for short, and Monalisa Grey, Mona is her nickname.
"Arghh! I'm so so stressed!" daing ni Mona.
Siya si Mona, isa sa mga kaibigan ko, chill na chill na tao. Siya ‘yong tipong enjoy lang ng enjoy. Kasi nga raw, she believes that she should enjoy life to the fullest!
"Sa tingin nila mababasa ko ‘tong lahat? Napakarami kaya nito! Paano ko ‘to lahat ipapasok sa kukuti ko sa isang gabi lang? Gosh!" daing din naman ng napaka-sosyal kong kaibigan na si Evelyn.
Siya naman ‘yong tipo ng tao na lahat dapat elegante, lahat dapat maganda. ‘Yong tipong naka-concious lagi sa mukha n’ya na talagang oras-oras bitbit ang salamin at minuto-minutong tinitignan kung maayos pa ba ang kilay n’ya o kung ano man.
Pinag-uusapan kasi namin ang paparating na quarter examination bukas ng klase. Halos ni hindi na nga kami maayos na makatulog ng walong oras na-straight para lanag matapos lahat ng performance tasks, patong-patong na assignments, essays, brochures, reaction papers, at kung ano-ano pa. Parang feeling ko nga kahit ilang beses kong i-sacrifice ‘yong isa hanggang dalawang oras ng tulog ko para hindi pa rin siya natatapos. Paano ba naman kasi kapag matapos ko ‘yong iba tapos may susunod na naman.
g**g r**e? g**g r**e? Sabay-sabay? Sabay-sabay?
"Fyi! Hagardo Versoza na ako! Pagod na pagod na ako, mga mami! Ikaw, Winona, anong say mo d’yan? Kanina ka pa tahimik ha!” reklamo na naman ni Evelyn. Sasagot na sana ako ng bigla namang bumulalas si Evelyn.
“Alam n'yo! I have a bright idea! What if i-reklamo natin sila? O ‘di naman kaya hindi tayong lahat pumasok bukas? Sabihin na nating parang revenge natin against them? Girl, hindi ko na ‘to kaya! Sobra-sobra na talaga! Sinisira na nilang lahat ang beauty ko! Paano na lang ang beauty rest ko ‘di ba? What do you think, girls?” dugtong ni Evelyn sabay tingin sa aming dalawa ni Mona na nakasunod sa kan’ya.
"Brilliant idea, girl! I'm in! G ako d’yan!" sagot naman ni Mona na mas lalong nagpatingkad sa ngiti ni Evelyn. Revenge ha? As if naman na matatakot sa min ang administration, kami pa tatakutin n’on eh!
"Ikr!” Ito talagang si Evelyn kahit kailan fan na fan ng mga kung ano-anong shortcuts. Minsan nga hindi ko na naiintindihan ang mga pinagsasabi n’ya, tamang oo na lang para tumahimik na.
“Pfft! Guys? Kalma! Alagaan n’yo puso n’yo! At sa tingin n’yo naman mapipigilan natin sila? In the end of the day, mas papahirapan lang nila tayo kasi alam nilang kaya natin silang suwayin. Isipin n’yo na lang, paano kapag hindi nga kayong dalawa pumasok bukas? Malalaman ng director, ng vice principal, tapos ano? Tatanungin kayo bakit kayo absent. Sige nga, anong isasagot niyo? May sakit kayo? Saan kayo hahagilap ng medical certificate aber? Isip-isip din pag may time,” aniya ko.
"Geez! Irl, may point ka naman. May tama ka d’yan, girl!" sagot ni Eves habang hinihipan-hipan pa ang kuko n’yang naka-manicure kaya napakibit balikat na lang ako.
"Hasyt! Whatever! Bahala na nga! Goodbye, girls. Una na ako, nandito na sundo ko!" pagpapaalam ni Mona. Humalik muna siya sa pisngi naming dalawa ni Eves bago kumaripas ng takbo sa pumaradong puting kotse sa may gate. Hatid sundo ‘yan kasi anak ng politiko, alam mo naman. Security purposes.
"Ingat ka! / See yah!" sabay naming pahabol ni Eves.
"Oww! Gtg na rin ako, Bless my ever beautiful friend!" sunod na paalam naman ni Eves. Nakarating na kasi kami sa parking lot ng school at kita n’ya na ang sarili n’yang kotseng naka-cuztomize pa, Hello Kitty lahat.
"Sige! Bye! Ingat ka rin sa biyahe mo pauwi!" nakangiti kong paalam sa kan’ya. Nilingon pa ako nito at kinawayan bago tuluyang sumakay sa kotse n’yang dala.
"Yes! Ttyl!” huling hirit n’ya.
Tahimik akong nagpatuloy sa paglalakad palabas ng school premises. Hindi na ako mag-aabala pang sumakay sa pampasaherong tricycle, sayang pa ang anim na pesong pamasahe. Isa pa ay malapit lang naman ang hotel namin dito sa school. Nakatipid pa ako, nakapag-exercise pa ako! Saan ka pa ‘di ba?
"Aww," bulong ko ng bigla kong maramdaman ang pagkirot ng aking ulo.
Hindi ako agad na nakapuwesto ng maayos n’ong lalong sumakit ang ulo ko. Diyos ko po! Napasandal ako sa bulletin board malapit sa kinakatayuan ko ng nag-umpisang nanlamig ang buo kong katawan at pakiramdam ko ay may malakas na hangin ang tumama sa katawan ko na siyang nagpawala sa kontrol ko sa buo kong katawan. Sinusubukan ko sana talagang maka-upo sa blenchers ng maramdaman kong hindi ko na kaya, bumaliktad ang sikmura ko, namanhid ang buo kong katawan hanggang sa mawalan na lang ako ng malay.
(End of Flashback)
Napabalik ako sa ulirat ko nang nagtanong ulit si papa sa doctor na kausap namin. Habang binabalikan ko ang nangyari sa kin kanina bago itong lahat, akala ko talaga kulang lang ako sa tulog, akala ko pagod lang ang katawan ko.
Akala ko lang pala.
“Anong gagawin natin, doc? ‘Yong mga gamot po, ‘yong gamutan? Paano? Paano po natin maliligtas ang anak ko?” sunod-sunod na ani ng papa ko.
"There's no way to prevent AML, but you/we can lower your daughter's risk if she undergoes remission induction therapy or chemotherapy," seryosong ani ng doctor, nag-aalagan pa sana siyang sabihin ang mga katagang iyon ngunit kailangan. Kailangan din naming malaman ang totoo.
There's no way to prevent AML. There's no way to prevent AML. There's no way to prevent AML. Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga sinabi ng doctor.
"Walang lunas, doc? Anong ibig mong sabihin?” asik ng aking ama.
"Mister Cayabyab, until now, there is no such thing as a cure for Acute Myeloid Leukemia, we can lessen, but we cannot stop it," mahinang sagot sa min ng doctor.
Umaasa ako na kahit katiting makita kong nagbibiro lang siya. Umaasa akong prank lang ‘tong lahat nila Tita Annie, na hindi ‘to lahat totoo. Pero mas nabagabag ako dahil wala akong nakikita kahit kunting pagbibiro o kahit na ano mang camera sa paligid.
Lord, tulungan mo po ako.
"Bless...” banggit ni mama sa pagitan ng paghikbi n’ya.
"We can put this fight in this way, someone who is fighting with AML is just like fixing the wheel of our cars if your wheels are not in good condition or flat, the only thing we can do is to supply air continuously until we can reach to any vulcanizing shop, but in your daughter's condition we can never find a vulcanizing shop because there is nothing we can do to fix nor stop AML, the only thing we can do is to continuously provide air to your daughter's wheel which is packed RBC," pagpapaliwanag ng doctor.
“Doc, usually mga ilang taon ang inaabot ng mga paseyenteng may ganitong sakit? May nakaka-survive po ‘di ba?” tanong ko. Pero habang bibanggit ko ang mga salitang iyon ay hindi ako makatingin sa kanila, nanatili akong nakatingala sa puting kisame ng hospital room na kinararatayan ko ngayon.
Eaom ko simple nga pagkalipong malang ‘to, eaom ko malang gali. (Translation: Akala ko simple lang ang pagkahilo ko na ‘yon, akala ko lang pala.)
"Maximum of 1 year to 5 years depending on your immune system," napakuyom ako ng aking kanang kamao at awtomatikong napapikit ng mga mata para mapigilan lang ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.
Jesus! Lord, no way! I can't! I - I have a lot of dreams! Lord, no way!
"Pero sa sitwasyon ko, doc? Hanggang kailan ko kakayanin ‘tong labanan? Hanggang kailan ako pwedeng mabuhay?" matapang kong tanong ulit. Ano pa ro pueos it paghipos kong parehas malang gihapon do matabo (Translation: Ano pa ba ang magagawa ng pagtahimik ko kung pareho lang naman, mangyayari pa rin).
"You are now at Stage 4, the worst among the worst. I can't tell the exact sustainability of your body maybe, one month? One year? Maybe, three years? Or tomorrow. We should expect for the worst," seryoso n’yang naging tugon. Hindi ko na mapigilang hindi ipalabas ang paghihimutok ko. Hindi ako makapaniwala! Hindi ‘to totoo!
Hindi!
“HINDI! HINDI TOTOO ‘YAN, DOC! NAGBIBIRO KA LANG ‘DI BA? SABIHIN MO NA NAGBIBIRO KA LANG, DOC! HUWAG MO NA KAMING LOKOHIN! MAMA! PAPA! NANINIWALA BA KAYO SA IMPOSTOR NA ‘YAN?! HINDI ‘YAN DOCTOR! PRANK LANG ‘TO! PRANK LANG! HUWAG NA PO KAYONG TUMAYO LANG D’YAN! UMALIS NA PO TAYO RITO, MAGHANAP PO TAYO NG MAS MATINONG DOCTOR! ‘YONG MAS MAKAKAPAGKATIWALAAN! ‘YONG MAS MAGALING! AYOS LANG AKO, MA! PA! AYOS. LANG. AKO!” paghuhumirintado ko. Kahit masakit ay pinipilit ko talagang tanggalin ang suwerong nakakabit sa kamay ko. Sa sobra kong pagpilit na matanggal ‘yon ay hindi nagtagal na umagos ang dugo sa kama ko.
Natulala ako ng makita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa kamay ko. Hanggang sa pumasok na ang isang nurse at agad na tinungo ang kinaroroonan ko. May itinurok siya sa balikat ko hanggang ang sumunod na nangyari ay nakaramdam na ako ng antok.
“Ayos lang ako.”
Lord, bakit po ako?