HINDI ko alam kung bakit agad na nahagip ng headline ng balita ang mga mata ko. Dumaan lang naman ako sa harapan ng tv na nasa wall malapit sa reception ng hotel namin. Masisiyahan sana ako kung magandang balita ang nababasa ko ngayon sa headline tulad na lang na may naimbento ng gamot laban sa leukemia, may isa na naman leukemia na naging cancer free na o kung ano pa pero kasi hindi ko yata na gustuhan na mas pipiliin ko na lang na magpanggap na hindi ako marunong magbasa at wala akong nababasang headline ngayon. “Breaking News: Marquez Empire nasalisihan ng isang magnanakaw at nakatangay ng higit kumulang na 500 million pesos!? Diyos ko maryosep! Anong klasi? Paano naman nangyari ‘yan? Sa tagal ba naman nila sa industriya ngayon pa sila nasasalihan ng gan’yan kalaking halaga?!” bulala

