Kabanata 5

1213 Words
Third Person POV "Marry me." Parang isang gong ang kumalabog sa tenga ni Luna. Nanigas siya sa kinatatayuan at pilit na inuunawa kung tama ba ang dinig niya o sinapian lang ng hangin si Damon Villaruel. "Are you nuts?" halos pasigaw na gulat niya habang hawak ang dibdib. Walang kagatol-gatol ang lalaki. Nakatayo pa rin ito sa harap ng floor-to-ceiling window. Walang emosyon ang mukha at walang bahid ng biro. Parang ang linyang binitiwan niya ay kasing ordinaryo lang ng "Let's schedule a meeting." "I mean, s-sorry..." ani Luna, tila ba'y natakot sa tinging ipinupukol nito sa kanya. "Seryoso ka ba talaga?" Tahimik na tumalikod si Damon at naglakad papunta sa mesa nito. Sa bawat hakbang, ramdam ni Luna ang bigat ng tensyon. Umupo ito at itinukod ang siko sa mesa. "You think I'm joking knowing there's a scandal circulating about you and me?" malamig niyang tanong, bawat salita ay parang kutsilyong humihiwa ng realidad. "Wait-so ito na 'yon?" ani Luna, nakangusong napapadyak pa habang napapaikot sa pwesto. "Ito ang magiging escape plan natin? Hell no! Ayoko magpakasal, ano!" Damon leaned back, laced his fingers. "This isn't just about you anymore, Miss Ferrer." "Alam ko 'yon," sagot niya. Pawisan na ngayon ang palad kahit malamig naman ang aircon. "Hindi ba pwedeng mag-jowa muna bago—" "You think that's enough to clean the mess?" seryosong balik ni Damon, walang tinig ng pasensya. "Your career is on the line. You have endorsement contracts. Films. And me? Villaruel Medical Group is at stake. Investors are calling and our PR team is bleeding. You think your fifty pesos tip can cover that?" Nanlaki ang mga matang napatingin si Luna sa kanya. Bigla niya tuloy naalala ang ginawa nitong pag-iwan sa singkwenta pesos. "Excuse me?" Damon didn't flinch. "Yes. That fifty pesos. After your brilliant one-night stand exit." Biglang nag-init ang mukha ni Luna, tila ba'y nahihiya sa nangyari. "That’s the only money that I had during that time," pabulong nitong sagot. "It doesn't matter now." Tumayo si Damon saka humalukipkip. "What matters is how we fix this." Napanganga si Luna. "So... kasal talaga?" "For one month. That's all we need," Damon said. "A clean, controlled story and a redemption arc. You get your image back and I protect Villaruel Medical Group. That's it," 'As if naman na ang daling gawin yun, ano' gustuhin man niyang magreklamo pero nilamon na siya sa kahihiyan ngayon. --- BINALOT NG HAMOG ang pagsalubong ng umaga sa Tagaytay. at yung view—parang postcard sa sobrang ganda at aliwalas. Pero sa loob ng resthouse, hindi gano’n ka-chill ang mood ni Luna Ferrer. Buong gabi, halos nonstop ang pag-vibrate ng phone niya. Alam na din naman niya ang sadya ng mga taong tumatawag sa kanya kaya hindi niya ito sinasagot. Nang lumabas siya kagabi para puntahan si Damon, pinaligiran kaagad ang building ng unit niya pagkauwi, kaya no choice siya kundi ang magstay muna dito sa resthouse na pagmamay-ari ng manager niyang si Cheska sa Tagaytay. Naka-oversized hoodie lang siya, tapos nakabun ang buhok. Hawak hawak ang kape habang naka-upo sa couch at tulala. Muli na naman niyang naalala ang pag-uusap nila kagabi ni Damon. Tama lang ba talaga na ganun nila sosulusyunan ang problema? Nasa kalagitnaan siya ng pagiging lutang, nang bigla siyang makarinig ng busina ng isang sasakyan mula sa labas. Wala sa sariling tumayo siya at tinignan kung sino ito. Isang matte black SUV ang huminto sa tapat ng tinutuluyan niya. Bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang pamilyar na lalaki—matangkad, maayos manamit, at mukhang hindi marunong ngumiti. Damon Villaruel. Napataas ang kilay ni Luna, pero hawak pa rin ang mug. “Uy, wow. Anong milagro ‘to? Hindi ko ini-expect na ikaw ang magdadala ng almusal today.” Hindi pinansin ni Damon ang pagbibiro niya. "I'm here to fetch you," "I have my car—" “I told you, we need to make this believable.” “Believable talaga? As in sinundo mo ako dito? Overachiever ka, ha. Gusto mo buhatin mo na rin ako tapos picturan tayo habang hinahalikan mo ‘ko sa noo?” Nag-usap na din sila kagabi na kailangan nilang magpanggap sa harap ng publiko. Tiningnan lang siya ni Damon na parang nag-iisip kung worth it pa bang kausapin siya. “Get in the car, Miss Ferrer," Tinaas niya ang dalawang kamay. “Okay, okay. Chill lang. Sasakay na, pero sana man lang next time tumawag o di kaya'y magtext ka. Naka-caffeine overload ako dito sa Tagaytay, tapos bigla kang may cameo. Di ako emotionally prepared!” “Miss Ferrer.” simpleng pagtawag lang nito sa pangalan niya, pero sapat na ang mala-authoridad nitong boses para sumunod dito. Tinungga niya muna ang natitirang kape bago sumunod kay Damon sa sasakyan. Hindi pa man siya nakakabihis ng maayos, pero hinayaan na lang niya. Besides, hindi naman niya kailangang magpaganda sa harap ng lalaking 'to. “By the way,” nagsalita si Damon nang hindi man lang tumitingin sa kanya. Abala kasi ito sa pagtitipa sa telepono. “the press conference is at two and we’ll arrive in Manila by noon. May PR team na magde-brief sa’tin.” “You have thirty minutes to learn our narrative. Yung timeline, milestones, at kung anong pwede mong sabihin.” “Wait, may script?” "You're good at that, so it will be easy for you," Nagsimulang paandarin ni Damon ang sasakyan at hindi na din naman nagsalita pa si Luna. Napagpasyahan nilang magpa-prescon ngayon para matigil na ang kung ano mang-spekulasyon kumakalat online. Mas mabuti na ding agapan ito kaagad bago pa tuluyang lumala at malugmok silang dalawa. "E, ikaw?" Out of nowhere, bigla siyang nagsalita. Isang ngisi ang gumuhit sa labi niya na para bang may naiisip siyang kalokohan. "Why not totohanin na lang natin para hindi ka na mahirapan? No script, no acting, edi less hassle, diba?" Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para sabihin ito kay Damon. May takot pa din naman siya, pero since may kasunduan nga sila, kailangan niyang makipag-close sa kanya, para hindi siya makaramdam ng awkwardness kapag magkalapit sila. Tahimik pa din si Damon. Marahan itong umiling saka tinimbangan ang ngisi ni Luna. “You’re not my type,” sabay tingin sa kanya, kalmado lang. “So that will never happen.” Napakurap si Luna. “Excuse me?” napataas ang kilay nito. “Sa ganda kong ‘to? Halos lahat yata ay nagkakandarapa sakin," pagmamayabang niya. “Kapaaaaal mo.” “I was just being honest,” sagot ni Damon habang titig pa din sa daan na nagmamaneho. “Tch,” ulit ni Luna, pero halata sa kanya ang asar. Hindi na lang siya sumagot at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Joke lang naman sana yung sa kanya, pero grabe naman maging honest ang isang 'to. Nakakasakit. At sa gitna ng katahimikan sa loob ng kotse, biglang nagsalita si Damon. “You may not be my type, Miss Ferrer…” malamig pa rin ang tono nito pero may halong panunuyo. “…but you rocked my world the other night and it's kinda hard to forget.” Parang isang baldeng malamig na tubig ang bumuhos kay Luna at sa sobrang kahihiyan, itinakip niya ang suot nitong hood sa kanyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD