Alkina Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Kylah. Para ipaalam na pupunta kami ngayon sa Aritiza. Alam kung hindi pa ito tulog. Ilang ring lang ay sinagot na niya iyon. "Hello! Napatawag ka? Miss muna ako noh?" pagbibiro niya. "Ulol! Tulog na ba si Alladra?" tanong ko. Pinahinaan ko ang aircon dahil nilalamig ako. Suot ko ang tshirts at short ni Cameron. Nagmukha tuloy akong matanda sa suot ko. "Hating gabi na, malamang tulog na! mindset ba mindset! Oh bakit napatawag ka?" "Tara sa Tiza!" pag aya ko. "Pupunta naman talaga ako don kahit na hindi mo ako yayain! Tsaka bakit nag aaya ka? Nakataas kana naman ba? O ano papasundo kaba?" sunod sunod niyang tanong. "Papunta na nga ako! Hintayin mo nalang ako diyan! Bye!" saad ko at pinatay na ang tawag. "Pwede kita palitan kun

