Alkina Lumabas na kami sa kwarto. Walang diligang nangyari dahil pagkatapos ng pag uusap namin ay nag aya na siyang maligo. Hindi nadin ako umangal. Mamayang hapon na ang uwi namin kaya kailangan naming e enjoy ang oras ngayon dahil hindi ko alam kung kailan ulit kami makakapunta dito. Excited narin akong pumasok bukas dahil pwede na kaming umuwi araw araw. Tama kayo kaya ng nabasa. Pwede na kaming maglabas masok sa campus ng isang buwan. Kaya malakas ang loob ni Eya na yayain ako dahil pwede siyang makatakas oras na siya ay maagrabyado. "Drake pakitawag si Kylah! Bilisan mo ah! Wgna kayong maglandian pa. Ikaw muna ang bahala kay Alladra!" anas ko. Hinarap ko si Cameron. "Hindi ako maliligo!" inunahan kuna siya. "Kaya nga tayo nandito dahil maliligo tayo, tapos ayaw mong maligo!"

