Alkina Pag pasok palang namin sa cafeteria, nasa amin na agad ang kanilang atensyon. Hindi na ako nagulat sa sari saring reaksyon nila ng makita kaming magkasama at magkahawak pa ng kamay. "What is the meaning of this? Bakit magka holding hands pa kayo?" galit na tanong ni Eya ng makalapit ito sa amin. Subrang talim ng tingin niya sa akin. Mukhang hindi talaga maganda ang ugali ng babaeng ito. Kahit maraming tao ay hindi niya mapigilan ang ugali niyang demunyo. Alam kung iniisip nila na may namamagitan na nga sa aming dalawa ni Supremo at natutuwa nga ako sa mga reaksyon nila. Mukhang magiging masaya na ang mangyayari sa mga susunod pang mga oras. Sa dami ng babaeng nag kakagusto kay Supremo ganun din kadami ang babaeng makakalaban ko, mas gusto ko ng maraming thrill para hindi b

