Alkina "Alkina!" pag tawag niya. Hindi ko siya pinansin. Tinabig ko yong kamay niya ng tangkain niyang hawakan ako. "Ito na nga oh aalis na ako kaya wag ka ng makulit! wag kang mag alala wala na akong ibang pupunthana uuwi na ako sa dorm ko! Hindi na ako manlalaki!" madiing anang ko at inirapan siya atsaka nag lakad palabas. Padabog ko pang isinara ang pintuan ng kwarto niya at hindi kuna isinara pa ang pintuan ng dorm niya. Tumakbo nadin ako para hindi na niya ako maabutan pa. Nakakainis siya. Akala niya siguro hindi ko napapansin na ayaw niya akong nandon sa kwarto niya. Baka nga napilitan lang siyang papasukin ako doon dahil girlfriend niya ako. Putcha! Talagang magaling mang inis ang lalaking iyon. Nambibitin pa nga iinisin pa ako. Ah basta bahala siya sa buhay niya bukas hi

