Nagtatagis ang bagang ng binata habang nilalapag ang tulog at lasing na lasing na dalaga.
Sinabihan na niya itong wag iinom at wag maglalasing, pero inulit pa rin napaka tigas talaga ng ulo ng babaeng ito.
Naiinis man ay nagawa pang hubaran ng binata ang dalaga upang palitan ng damit pang tulog.
Kailangan niya pang bumalik upang ihatid si Lauren sa Hotel na tinutuluyan nito.
Kinuha niya sa bar ang lasing na dalaga at iniuwi sa Condo Unit nito.Pag dating sa ganitong bagay hindi niya pinagkakatiwala sa mga tauhan niya.
Kinumutan niya ang dalaga matapos itong palitan ng damit at muling pinatay ang ilaw.Inilock niya ang Condo Unit bago muling sumakay ng kaniyang kotse upang maihatid naman si Lauren.
Alam naman niyang safe ang Condominium at mahigpit ang security bukod sa kaniyang mga tauhan kaya naman walang pag alalang iniwan ang dalaga.
Masakit ang ulo ng magising kinabukasan si Kristine.Parang binibiyak ang ulo niya sa sakit na parami ang inom niya.Kumuha siya ng paracetamol upang maibsan ang pananakit ng ulo.
Tinungo niya ang kitchen na ininit ang pizza at nag timpla ng mainit na gatas upang mainitan ang kaniyang sikmura.Wala siyang kasambahay dahil umalis na siya ng Villa.
May two hours pa siya para mag ready last photoshoot na nila para sa isang tv commercial.
Umattend ng isang party si Kristine kasama ang mga kaibigan.
She's wearing a red sequin cocktail dress na litaw ang kaniyang cleavage, she's really comfortable with this dress, a half length of her thigh na humuhulma sa hubog ng kaniyang waistline patungo sa kaniyang makurbang balakang.
Her cocktail dress showing her creamy white legs.
"Hi!" masayang bati ni Jared kay Kristine ng lapitan ito.
Jared is her ex boyfriend mabait naman ito pero hindi niya lang talaga matutunang mahalin ang binata.They are still closed friend kahit hindi na sila.Mas mahalaga pa rin ang friendship nila ng binata.
"I thought you would not come." tukoy nito sa party.
"I change my mind, mabobored lang naman ako sa Condo ko." tugon niya.
"Here, you want to drink this?kinuhaan na kita." alok nito sa wine na dala para sa dalaga.
"Sure!thanks." Marahang ininom ang alak sa wine glass habang ginagala ang paningin sa bulwagan.Parang biglang huminto ang inog ng mundo niya ng makita ang dalawang pareha na sweet na nag uusap.
Nakaabresiete pa ang nito braso sa braso ng binata.
Kung sexy na siya sa suot niya mas lamang na lamang ang babaeng tinatangi nito.
She's wearing a daring cocktail dress na nagpapakita ng makinis nitong likod hanggang waistline.Plugging ang neckline sa harapan ng dibdib at may mahabang slit na nagpapakita ng makinis nitong legs kada lalakad ito.
Parang tinutusok ng karayom ang puso niya sa sweetness ng mga ito.Nakita niya pang may ibinulong si Lauren na nag pangiti sa binata.
Nang makita niyang lilingon sa pwesto niya ang binata at bumaling siya kay Jared at binulungan ito.
"Samahan mo 'ko sa kotse may sasabihin ako sa iyo." ani Kristine sa binata na inilapit ang mukha dito.
"Hey, what is that?Mukhang kinakabahan ako sa sasabihin mo." natatawang biro ni Jared.
Hinatak na ito ni Kristine palabas ng bulwagan.Inubos niya muna ang laman ng wine glass at inilapag sa isang mesa na nadaanan.
Nagsalubong ang mga paningin nila ng binata.Salubong ang mga kilay nito sa pagkakatingin sa kamay niyang nakahawak kay Jared.
Taas noong naglakad ang dalaga nilampasan niya lang ang mga ito na para bang hindi niya ito kilala.
Nagtagis ang bagang ng binata na sinundan ng tingin ang papalayong dalaga at ng kasama nito.
Tinungo nila ang kaniyang sasakyan na naka park sa parking lot ng event na iyon.
"So?what now?" basag ni Jared sa pananahimik ng dalaga.
Napabuntunghininga ang dalaga, pinaglalaruan ang mga daliri na nasa kandungan.
Nakikita ng binata na may problema ang dalaga.
"Hey Kristine, tell me what is it?.....C'mon speak up."
"Jared I will ask you a favor,please can you help me?"
"Sure as long as kaya kong ibigay ha."
Pinaliwanag niyang mabuti dito ang favor na hinihingi niya sa binata.
Una pa lang ay tumanggi na ang binata sa gusto niya.
Pero makulit si Kristine hindi niya ito tinantanan upang pumayag ang binata sa nais niya.
"Alright you win!Pumapayag na ako dyan sa kalukuhan mo, kung hindi lang kita kaibigan nungca'ng pumayag ako sa kabaliwan mo." ani Jared.
"Thank you talaga Jared tatanawin kong utang na loob iyon sa iyo." ani Kristine.
Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya pa ang binata.
Mariing katok sa kotse ang nag patigil sa pag uusap nilang dalawa.
Ibinaba niya ang salamin ng kotse at napaingos ng makita kung sino ang herodes na istorbo sa kanilang pag uusap.
Hindi kumibo ang dalaga na umiwas ng tingin dito.
"Can I talk to you?Alone!" Madilim ang mukha nito.
Nakakaintindi namang binuksan ni Jared ang pintuan ng kotse upang lumabas na.
"I call you later!" Pahabol ng dalaga kay Jared na nginitian ang dalaga bago nito muling isinara ang pinto.
Hindi naman umaalis sa tabi ng bintana ang binata.
"Sabihin mo na kung anong sasabihin mo nang makaalis ka na."malamig na turan niya dito.
Binuksan naman ni Giuseppe ang pinto ng kotse sa driver seat.
"Move your ass!" Utos nito na walang kibong sinunod na lang ng dalaga ng matapos na ito.
Minaniobra naman ng binata ang kotse nito paalis sa pagkaka park.
"Hey where you taking me?
You said mag uusap lang tayo?" Walang tugon mula rito na mabilis pinatakbo ang kaniyang sasakyan.
Napa simangot siya ng iparada nito ang sasakyan sa parking lot ng Condo niya.
Nainis lang na bumaba na si Kristine, hindi na hinintay na pag buksan nito ng pinto.
Nauna na siyang pumasok sa elevator inalis siya nito sa party na iyon, para ano iiwas kay Jared o iiwas sa kanilang dalawa?
"To hell I care!Magsama kayong dalawa!" iritang pinindot niya pasara ang elevator ng maagap namang napigilan ni Giuseppe.
Masamang tingin ang pinukol nito sa dalaga.
Nandun siya sa party upang eenjoy ang sarili pero anong ginawa nito talagang iniuwi pa siya nito.Ito lang ba ang may karapatan na mag enjoy?
Napasinghap pa siya dahil may sariling key card sa condo unit niya ang binata kaya naman pala nakakalabas pasok ito sa unit niya.
Napipika na si Giuseppe sa inaasal sa kaniya ng dalaga.Lalong uminit ang ulo niya ng makitang lumabas ang mga ito at nag sosolo sa loob ng sasakyan.
Hindi sa nag iisip siya ng kung ano pero hindi niya hahayaang makapag isa ang mga ito sa loob ng sasakyan.
Sinasagad talaga nito ang pasensiya niya na lalo na ng hayaan nito ang lalaking kasayaw na hawakan ang kaniyang katawan kung hindi pa siya dumating ay mahahalikan na siya ng hudas na iyon.
Tapos ngayon ang ex boyfriend naman nito ang kasama nito.Hindi siya papayag na mag kabalikan ang mga ito.