Ava "Oo, aaminin ko. Ayun nga ang ginawa ko. Pero nagawa ko lang 'yun dahil hindi kita makalimutan. Gusto kita makasama ulit. Hindi ka mawala sa isip ko. Tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata, ikaw ang aking nakikita." Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya. Talagang inamin na niya ang pangba-blackmail na ginawa niya sa'kin para maging secretary n'ya dahil sa gusto n'ya ko? Kinuha niya ang bouquet of red roses sa gilid ng mesa at inilagay sa kandungan ko para ba'ng pilit niyang pinapahawak sa akin. "Sinabi ko na sa'yo 'to pero uulitin ko ulit. We both know to ourselves that we like each other. I like you, you like me. Ano ba'ng malabo dun, It's simple. Kaya sa ayaw at gusto mo ay girlfriend na kita." Tumayo ako at halos pabalang ko'ng ibinalik sa kanya bouquet of roses at agad a

