Ava Napasubsob tuloy ang mukha sa kung ano’ng matigas. Pag-angat ko ng tingin ay fuckkk! Nasubsob lang naman ako sa matigas na dibdib ni Jayson. Shít! Rumaragasa ang kaba sa dibdib ko. Bakit nandito siya? Ang sabi ni Farah nung nakaraan ay hindi naman daw naka-add ang name nito dun sa GC. “Dahan-dahan,” ang sabi sa akin ni Jayson. “Hello Jayson, nabuhay ka, akala namin namatay ka na eh!” Napalingon naman ako sa sinabi ni mahaderang Farah. “Wow parang nangangamoy comeback ah, wag na kayo humarang diyan sa daan pumasok na tayo, doon tayo naka-reserve sa Presidential Room.” Ang wika naman ni Nadia na tila mo eh boss at kami ang kanyang mga empleyado kung maka-utos. Sumunod naman kami kay Nadia, pagkapasok na pagkapasok namin ay nandoon na agad ang iba pa naming klasmeyt at may nag

