“No s*x* for two weeks.” “Okay, okay mali yung spelling ng guarantee sa documents walang letter u.” Ang agad agad na sagot ni Ben sa’kin. Sagot talaga agad ah. Napailing-iling na lang ako. Nang dahil lang dun, napakababaw lang naman pala, misspelled of word lang naman pala ang problem eh pwedeng pwede naman sabihin ng maayos para ma-korek hindi yung mambubulyaw. Agad ko naman chineck sa papel na hawak ko at agad hinanap ang salitang guarantee para ma-check kung na-korek na ba ni Jake. Ibinigay ko sa kanya ang papel. “Ayan na corrected na, pwede ba please sa susunod sabihin mo ng maayos madali lang naman mag-correct ng spelling at magre-print eh.” At tumalikod na ako pero as usual napakabilis na naman niya at pinigilan ako at niyakap ako mula sa aking likuran. Naramdaman ko pa ang

