ARROW’s POV Gusto ko nang matawa sa pinapakitang reaksyon ni Tracy kay Dessa kanina pa. Actually, kahapon pa talaga nung nasa mall kami nang biglang tawagin ni Dessa ang pangalan ko pero mas malala nga lang ngayon dahil parang isinisigaw ng ekspresyon niya at ng isip niya na naiinis siya at ayaw niya kay Dessa. Halatang-halata ko yun at dahil doon kaya hindi ko maiwasan na ma-cutan sa kaniya. She’s freaking cute and funny at the same time. Ang sinisigaw naman ng utak ko kapag ganon siya kumilos ay ‘I want more of that’, gustong-gusto ko na ganon siya dahil ayoko namang maging asuuming pero nararamdaman kong parang nag seselos siya kahit ang totoo ay mukhang malabo naman yun, kasi bakit naman siya magseselos di ba? Nabigla ako at naramdaman ko talaga yung lamig nung juice na biglang bumu

