KASALUKUYAN lang na nandito ako ngayon sa loob ng kotse ko sa harapan ng bahay na tinext sa akin ni Allen. Hindi pa ako makalabas dahil kinukwestiyon ko pa ang sarili ko kung ano ang ginagawa ko dito. The house is big, its two-storey house with a yard and a pool. Nakikita ko na ang dami pang mga lalaki at babae ang pumapasok doon sa bahay na halos kasing edad ko. Wala akong makilala sa kanila kahit isa, kung meron man ay baka nakalimutan ko na ang pangalan. Rinig na rinig ko rin ang lakas ng tugtog mula sa loob nu'ng bahay at ang mga tawanan ng ibang mga tao. 'You are really stupid Tracy!' na sambit ko na lang sa sarili ko dahil hindi ko talaga alam kung bakit ako pumayag na pumunta dito dahil lang nalaman ko na nandito si Arrow. Well, hindi para mag papansin kundi para humingi sa kan

