Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog matapos ang pag uusap namin ni Andrea basta ang alam ko lang ay nagising ako sa pag ring ng cellphone ko. Dahil halos kagigising ko lang kaya nakapikit ang mga mata ko nang abutin ko ang cellphone ko sa may bedside table saka yun sinagot nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang caller ID. “Hello?”Bati ko sa kabilang linya at sa pamamaraan nang pagsasalita ko ay alam kong mahahalata agad nang kausap ko na bagong gising pa lang ako. [Hello Tracy. Si Arrah ‘to, pasensiya na kung nagising kita.] At dahil sa narinig ko kaya awtomatikong bumukas agad ang dalawang mata ko saka mabilis din akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. “Hindi okay lang,”sagot ko habang kinakamot ko pa ang mata ko. “Anong balita?”Dagdag na tanong ko rin agad sa kaniya.

