Maaga akong nagising ng mga badang alas-sais yun at pag mulat pa lang ng mga mata ko ay napangiti na ako. Ayokong i-welcome ang bad vibes ngayong araw dahil gusto ko na puro positive aura lang ang kukunin ko. Mamaya ay aalis na kami papuntang Tagaytay kaya naman kailanagn ko nang mag handa. Hinanda ko na ang susuotin ko na simpleng jogging pants, crop top na damit na papatungan ko na lang ng blazer mamaya. Hindi ko kasi sure kung ano ba ang weather mamaya sa Tagaytay kaya mas maganda na yung handa ako di ba? Naligo lang ako nang mabilis at saka nilugay ko na lang ang buhok ko. Sinuot ko na ang white na rubber shoes ko saka ang mga hinanda kong damit and ta dah! Tapos na ako! Mas malaki rin ang dala ko ngayon na shoulder bag kaysa sa kahapon dahil dinala ko ang tripod selfie stick ko saka

