CHAPTER 5

1337 Words
"Kasalanan mo kung bakit nawala si Hector!" Isa na namang sampal ang natangap ni Adella kay Alin Cedez. Isang lingo na ang nakakalipas at ganun lagi ang eksena sa pagitan nila ng pamilya ni Kuya Hector. At walang araw sa lingong iyon na hindi niya hiniling na sana ay panaginip lamang ang lahat at biglang dadating ang Kuya niya para ipagtanggol siya. "Hala sige pumasok ka roon at magligpit!" Muli ay tungayaw ng babae. Sinunod na lamang niya ito, pinipigilan niya ang umiyak kahit pa na tila namamanhid ang mukha niya dahil sa sakit ng sampal na natangap mula kay Aling Cedez. Naglinis siya ng bahay. Naroon sina Yna at Grace na masama rin ang tingin sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga 'to. Sobrang nangungulila siya kay Hector, namimiss niya ang presensya nito at mga ngiti. Ngayon talagang pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya. Walang kaibigan, walang kakampi, walang nagmamahal at walang karamay. Wala sa loob na nahawakan niya ang kwintas na suot niya. Naalala niya ang mga huling salitang sinabi ni Hector. Baka dahil sa kwintas na 'to, mahanap niya ang tunay na pamilya.  Maggagabi na ng matapos siya sa paglilinis. Siya na ang gumagamit ng silid ng Kuya Hector, ayaw ng mga kapatid nito dahil natatakot sa sariling kapatid na namayapa. Pero siya? Walang maramdamang takot. Mas gusto nga niyang makita ito, para muling mayakap. Napabuntonghininga ang dalaga at umupo sa gilid ng kama. Sa totoo lang sawa na siya sa pamamahay na 'to, tinitiis lang naman niya ang lahat dahil sa Kuya niya eh, pero ngayong wala na ito may dahilan pa ba siya para manatili? Biglang may ideyang pumasok sa isip niya. Bakit kaya hindi na lang siya lumuwas pa manila? Ang pagkakaalam niya noon tiga manila ang pamilya ni Aling Cedez. Kaya nga siya nakita doon. Paano kaya kung bumalik na lamang siya sa manila? Bahala na kung saan at ano ang haharapin niya doon. Dahil sa naisip, madali niyang kinalkal ang wallet.  May 600 pa siya, mula sa naiipon niyang bigay ng kanyang Kuya noon. Napapikit siya nang mariin at nagdesisyon ng mabilisan. Wala siyang mararating kung mananatili siya sa poder nina Aling Cedez. Kaya pupunta siya ng manila. Tatlo o hangang apat na oras lamang ang byahe mula tarlac.  Dali dali siyang nag-empake. Bahala na kung ano ang naghihintay sa kanya sa manila. Basta gusto lang niyang makalayo. Kinuha rin niya ang litrato ng Kuya Hector niya at lahat ng gamit niya. Bale dalawang bag lamang iyon. Nang maramdamang tahimik na ang kabahayan, binuksan niya muna ang pinto at sumilip sa sala. Wala na nga, baka pumasok na ang mga ito sa kwarto at tulog na. Alas dies naman na ng gabi. Marahan siyang lumabas at naglakad palabas ng bahay. Iningatang hindi makagawa ng anumang ingay. Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas ng maliit na tahanang iyon. Tahanang naging kanlungan niya sa mahabang panahon. Napabuntonghininga pa siya at pinagmasdan ang bahay. Somehow, nalulungkot siya. Marami silang ala ala ng Kuya Hector niya dito. Pero babaunin na lamang niya iyon sa kanyang pag-alis. Nakarating siya sa bayan, kaso hindi niya nahabol ang huling byahe ng bus. Mamayang 12am naman daw ang muling byahe, kaya kailangan niyang maghintay. Kahit antok na antok siya ay pinipigilan niya, sa bus na lang siya matutulog. Kinuha niya ang cellphone at nag f*******: na lamang, muling in-stalk si Apollo Williams. Ang surfer na gustong gusto niya. Napapangiti pa siya habang pinagmamasdan ang mukha nito. May kung anong kaba at saya siyang nararamdaman, normal lamang magkagusto sa mga taong may hitsura hindi ba? Nakita rin niya na ang yaman yaman ng lalaki. Na-follow niya rin ito sa accounts nito. Pero tila hindi mahilig ang lalaki na mag-update sa social media account nito. Muli siyang napangiti nang makita ang nakangiti nitong larawan. Naku, nagpapantasya na ata siya sa surfer na ito. Mabilis na siyang nag log out at matyagang naghintay sa susunod na byahe pa-manila. _____________________________________________ ____________________ May kung anong kabang nadama si Adella nang makasakay na sa bus. Pero huli na para umatras pa siya, anumang mangyari kailangan niyang panindigan ang desisyong gagawin niya. Bahala na kung ano ang magiging buhay niya sa manila, wala siyang kakilala roon. Importante ngayon sa kanya makalayo kina Aling Cedez, magiging masaya ang mga ito na wala na siya sa wakas sa pamamahay na iyon. Dahil mahaba haba pa naman ang byahe, iidlip na muna siya. Kailangan niyang mag-ipon ng lakas para sa panibagong mundong haharapin niya. "Avenida! avenida!" Iyon ang gumising sa himbing niyang pag-idlip. Sinasabi ng konduktor kung nasaan na sila. Hinawi niya ang bintana at sumilip sa labas, madilim dilim pa. Tinignan niya ang wrist watch. Mag aalas-kwatro pa lamang ng umaga. Masyado bang mabilis ang byahe nila? Tumigil ang bus sa mismong stop nito, bumaba na siya. 300 na lang at iilang barya ang nasa wallet niya. Lumingon lingon siya sa paligid, madami dami na ang mga tao. Sabagay ano pa ba ang aasahan niya sa manila hindi ba?  Luminga linga siya sa paligid habang naglalakad lakad. Naglalakad siya na hindi alam kung saan tutungo.  "Nasaan na ba ako?" Kinakabahan niyang tanong sa sarili. Nakarating siya sa isang lugar na dikit dikit ang mga bahay pero hindi naman tila eskwater talaga. Tila mga bahay na pinapaupa lamang. "Diyos ko, kayo na po ang bahala sa akin dito," patuloy niyang kausap sa sarili. Niyakap niya ang bag na kung saan ay naroon ang cellphone at ang natitirang pera. Patuloy siya sa pagmamasid sa paligid, ganito pala ang takot ng isang taong hindi alam saan pupunta. Para siyang naliligaw na pusa. "Miss!" Napalingon siya sa lalaking nakaupo sa may tricycle sa gilid ng daan. Walang gaanong tao sa napuntahan niya, baka tulog pa ang mga ito. Kinabahan siya nang lapitan siya ng lalaking nakakatakot ang way ng pagtitig nito sa kanya. Bahagya pa itong nakangisi. "Mukhang malayo ang pinangalingan mo ah. Bagong salta ka ba dito?" Tanong nito nang makalapit. Nakagat niya ang pang ibabang labi.  "Wala ka bang matutuluyan? Nawawala ka ba?" Hindi siya sumagot. Pinipigilan ang panginginig ng kamay dahil sa takot. Hindi siya mapanghusgang tao talaga, pero sa tingin niya pa lamang sa tao mukhang hindi gagawa ng mabuti.  "Huwag kang matakot. Halika, sumama ka sa akin!" Naalarma siya nang hawakan nito ang braso niya at tila hinihila siya. Pumalag siya. "May hinihintay po ako," pagsisinungaling niya. "Sino naman? Niloloko mo ata ako eh." Muli siya nitong hinawakan sa braso. Sa pagkakataong iyon ay mahigpit na. Kaya binalot na siyang sobrang takot. Paano kung gawan siya nito ng masama? Walang makakakita sa kanila. "Ayoko po, Kuya!" Pagpipiglas niya pero hindi makawala sa mala bakal na kamay ng lalaki. Maya maya pa may tumigil na Taxi sa tabi nila. Nasa tabing daan kasi sila. Bumaba doon ang tatlong tao. Dalawang babae at isang bakla. "Hoy! Ano na naman iyan, Roland?" Sita ng bakla sa lalaki na agad siyang binitawan. "Wala. Nagmamagandang loob lang naman eh," sagot ng lalaki na bahagyang lumayo sa kanya. "Nagmamagandang loob? Kailan ka pa nagkaroon ng ganoon? Lumayas ka nga dito! Tatawag kami ng pulis, sige ka!" Sabi ng bakla. Tila naalarma ang lalaki at lumayo sa kanila.  Binalingan siya ng tatlo. Ang se-sesy ng mga ito sa suot, tila galing sa gimikan. Naka-make up din ang mga ito at may mga hitsura. "Oy, Inday. Bagong luwas ka ba rito?" Usisa ng bakla. Napatango siya. "Buti dumating kami. Kung hindi almusal ka ni Roland," muli ay sabi nito. "Salamat po." "Umuwi ka na, saan ka ba papunta? Kamag anak mo?" Hindi siya sumagot. "Hala bakla! Wala siyang kamag-anak dito," anang isang babae na may kulay ang buhok. "Tologo ba?" Tumango siya  "Masama iyan. Ang ganda ganda mo tapos lalakad lakad ka sa kalye." "Wala akong pamilya dito. Makikipagsaparan lang ako," aniya sa tatlo. Nagkatinginan ang mga ito, pagkaraan ay minasdan siya. "Tulungan kaya natin? Tignan mo oh maganda. Baka pwede natin i-recommend kay Madam? Sakto di ba nag-resign si Mara?" Sabi naman ng isang babae na itim ang buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD