"Mommy?" Mula sa pagbabasa ng libro, tumingin si Adella sa anak niya na katabi niya sa kama. Ang buong akala niya ay tulog na ito, bukas ng hapon pa sila makakabalik ng manila. "Why baby? akala ko tulog ka na," nakangiti niyang sabi sa anak. Ngumuso ito. "Mommy, can I ask you something?" Inilapit niya ang sarili sa anak at tumango. "Sure. What is it?" "Is there a chance na mabuo tayo nina Daddy Apollo?" inosenteng tanong ni Atlas. Natigilan si Adella. Unang beses na nagtanong ng ganito ang anak at hindi siya handa. Hindi siya agad sumagot, paano ba niya sasabihin sa anak na wala na? Dahil ikakasal na siya kay David. "Don't get me wrong, Mmy. I love Daddy David, I really do. He's our knight in shining armor, right? You told me that. But." Lumungkot ang mukha ng bata at ang tinig

