"Addie, ipinapaabot ni Mr. Williams." Napatingin si Adella sa iniaabot ni Kimmy na isang bungkos ng bulaklak at kung anu-ano pa. Katatapos lamang ng turn niya kaya kasalukuyan siyang nagpapahinga. "Pakibalik sa kanya ang mga 'yan, Kims. Ayokong tangapin, baka kung ano ang isipin, " aniya kay bakla. Napanguso ito. Ganun rin sina Marj na may panghihinayang sa mukha. "Seryoso ka ba, Adella? Tinatangihan mo siya?" Paniniguradong tanong ni Marj sa kanya. Seryoso siyang tumango at ibinaling na sa inaayos na gamit niya. "Ayokong tumangap ng kahit ano sa kahit sino." Napatango tango ang mga ito. Kahit galing siya sa hirap, hindi siya basta nasisilaw ng mga mamahaling gamit lalo na ng pera. "Oh siya, labas muna ako at ng maisoli ko 'to kay Fafa, I mean, Mr. Williams." Pagkasabi nun ay umalis

