"Baka gusto mo akong i-tour sa hacienda niyo." Mula sa paghaplos kay Silver, napalingon si Adella. Natagpuan niyang nakatayo sa hindi kalayuan sa kanya si Apollo. "Ikaw pala Apollo," aniya na nag-iwas agad ng tingin. Hindi niya kayang labanan ang mga matiim nitong titig. Hinila siya bigla ni Apollo na ikinagulat niya. "Sumama ka sa akin," sabi nito habang nagpapatianod siya papunta sa kwadra ng mga kabayo. "Teka, saan na naman tayo pupunta?" nauutal niyang sabi. Pero hindi siya pinansin nito at binuksan ang pinto ng kwadra para ilabas ang brown na kabayo. Si Braco. "Sa lahat ng kabayo rito, kay Braco ako komportable." Hindi sumagot si Adella at pinagmamasdan lamang niya si Apollo habang inaayos ang kabayo. "Mabait si Braco, kumpara sa mga ibang kabayo rito," imporma naman niya sa l

