Nabalot ng katahimikan ang isang kwarto kung saan naroon ngayon si Adella. Tila nasa isang library sila ng mansiong iyon, doon siya isinama ng matandang La Gresa. Ang kilala niya lamang na naroon ay sina David, Rigel at ang tinawag na Leon. Pero bukod doon ay hindi na niya kilala ang mga ibang mukha na ngayon ay mataman na nakamasid sa kanya. Hindi siya mapakali at sobrang kabado siya, kung ano pa ang mga susunod na mangyayari. Tila siya nabablanko sa mga nagaganap nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Bakit pakiramdam niya ay sa isang iglap ay magbabago ang buhay niya. "Hintayin natin sina Ernan at Lucila. Sila na lamang ang hinihintay natin," pagkaraan ay basag ng matanda sa katahimikan. Tsaka siya nito masuyong tinignan. "Nakakatiyak ako na ikaw nga si Cassandr

