Dahil halos dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng lumipat sya sa kanyang condo unit, kaya napagpasyahan nya sa araw na ‘to na umuwi muna sa bahay nila.
Nakasuot lang sya ng two-piece. Kaaahon lang nya mula sa pool. Hindi na sya nag-abalang magsuot ng roba. Wala naman maglakas loob na busuhan sya.
Kasalukuyan syang sumisipsip sa orange juice na kanina pa nakahanda sa mesa na nandun.
---------
“Good morning Mikmik!” masayang bati ni Aaron sa katulong nina Nicolle.
Kasalukuyan itong nagtetext. Mukhang may textmate ito.
“Anong kailangan yon sir Aaron.” Nakangiti ito sa kanya.
“Binibisita ko lang ang asawa ko. Nandiyan ba sya?”
“Wala po kayong asawa dito, sir Aaron!”
Saka ibinalik nito uli ang sarili sa pagtetext. Oo nga pala. Masyado pala itong literal kung makapagbigay ng meaning sa mga sinasabi ng tao.
“I mean yon sweetheart ko.”
“Ah, ganun ba?” tumingin ito sa kanya saka napaisip. “Nasa swimming pool yata si maam Nicolle.”
“Nasa swimming pool?” nagliwanag ang mga mata nya. “A-Anong ginagawa nya sa swimming pool?”
“Natutulog po.” Matipid na sagot nito.
“Natutulog? Bakit doon sya natutulog?” kunot- noo na tanong nya.
Napatawa ito.
“Si Sir Aaron talaga! Ang hina pumik-up. Hindi nagets ang joke ko.” tawa- tawang sabi nito.
Napanganga sya. Nagbibiro ito? Mukhang naman hindi. Pwede naman talagang matulog sa swimming pool. Pwede naman mahiga sa loungers habang natutulog.
“Naliligo po talaga si Maam habang nakapanty at naka- bra lang.”ani nito na nagpalaki ng mga mata nya.
Nakapanty at nakabra lang? Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa nyang paghakbang patungo sa swimming pool.
Mula sa kalayuan, nakita nga nya ang naka- two piece na si Nicolle. Pero, hindi na nya masyadong naaninag ang kaseksihan nito dahil nahuli na sya. Isinuot na kasi nito ang roba nito. Kainis, hindi nya tuloy masyadong nakita ang naka- two piece lang na si Nicolle.
Masyado pa naman syang patay na patay dito. Ilang araw na nga syang walang tulog dahil sa halikan nila sa condo unit nito. And he will do everything para muling nahalikan ang dalaga.
--------
“What are you doing here, again?” inis na inis na tanong nya kay Aaron nang nakangiti itong lumapit sa kanya.
Kainis, nandito na naman ito uli. Buti nalang, naisuot na nya ang roba nya. Bastos pa naman ito!
“Binibisita ka.” Ani nito.
Nakaupo sya. Bahagyang itong tumunghay sa kanya nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya.
Napalunok sya ng inilapit nito ang mukha sa mukha nya, na akmang hahalikan sya nito sa labi.
Pero, bago pa magawa nito ang masamang balak nito sa kanya. Napadukwang sya.
“Anong plano mong gawin?” inis na tanong nya dito. “Are you going to kiss me?”
“Yes.”
Inis na inis sya kaya bahagya nya itong naitulak. Napaupo ito sa lounger na nasa harapan ng kinauupuan nya.
“Don’t you dare kissing me!” galit na bulyaw nya dito.
Inayos nito ang pagkakaupo nito.
“Tell me sweetheart, what does it takes para mahalikan mo ako uli---I mean para mahalikan kita uli. What I mean para magkahalikan tayo uli?” ngumisi ito.
Kumukulo na naman ang dugo nya.
“Pag nababaliw na ako.” padabog nyang sagot dito. Saka sya tumayo.
Lalayasan na nya ito. Hanggang dito sa bahay nila, sinusundan sya nito. Pero, ang kapal talaga ng mukha nito na at nakasunod parin ito sa kanya.
“Nicolle sweetheart, gawin mo na kasi akong boyfriend mo. Alam mo ba naging impotent na ako mula ng pinagnanasaan na kita. Sayo lang talaga nawawala ang pagiging impotent ko."
Inis syang napalingon dito. Muntik na tuloy syang nabangga sa malapad na dibdib nito. Maagap naman nahawakan nito ang magkabilang braso nya.
Nanlilisik ang kanyang mga mata nang napaangat sya ng mukha dito. Napakatangkad naman kasi nito kaya nakayuko ito sa kanya. Nagkatama ang paningin nilang dalawa.
“Don’t touch me!” galit na bulyaw nya dito, sabay tampal nya sa kamay nito na nakahawak sa magkabilang braso nya.
Buti nalang, binitawan din sya nito agad.
“Bastos ka talaga, Aaron! At talagang ako pa ang sinisisi mo kung bakit naging impotent ka. Siguro dahil nagsasawa na yang alaga mo sa dami ng babaeng tinikman yan. Kaya hindi na yan tumatayo.” Sunod- sunod na pagkakasabi nya dito.
“Yon na nga sweetheart, ikaw lang ang nagpapatayo nito.”
Dagdag na naman nito sa kabastusan nito.
Nangangalaiti sya. Talagang literal na inaamin nito na gusto lang nitong maka- score sa kanya.
“Naniniwala ako sa forever, Aaron. Ayaw ko sa panandalian pag-ibig.” Saka nya ito muling tinalikuran.
Mas mabuti nang magtago sa loob ng kwarto, kaysa mas lalo syang mainis sa Aaron na ‘to.
Bakit ba hindi nya naisip noon na napakabastos nito? Hindi sana tuluyan nawasak ang kanyang puso dahil dito.
“But, I can give that to you.” Giit na naman nito na mas lalong ikinakulo ng dugo nya.
Napalingon na naman sya dito.
“Paano ako maniwala sayo, Aaron. Kung mas nauna pang tumitibok yang puson mo kaysa puso mo.”
Saka na naman nya ito tinalikuran at mabilis ang pagpanhik nya sa kwarto nya.
------
Nasundan nalang ng tingin ni Aaron si Nicolle. Bakit ba naman kasi, iba’t- iba ang lumabas sa labi nya? Mas lalo tuloy itong nagalit sa kanya. Napakibit- balikat sya. Ano ba talaga ang kailangan nyang gawin para mapasakanya si Nicolle?
--------
Kasalukuyan syang nasa isang mall ng San Rosario, may binibili lang sya na isang libro sa bookstore na nandito.
Kapapasok lang nya sa isang coffe shop na nandun nang napako ang paningin nya sa isang lalaki na kakaorder lang din.
“Marlon, long time, no see.” Ani nya sa binata. Hindi na kasi ito bumibisita sa kanya. Mukhang tumigil na ito sa panliligaw sa kanya. “How are you?” nakangiting tanong nya dito.
“Mabuti naman.” Matipid na sagot nito. “Ikaw, kumusta na kayo ng boyfriend mo?
“Boyfriend ko?” napakunot- noo sya. “Sinong boyfriend ko?”
“Yon boss mo.”
Si Aaron ba ang tinutukoy nito?
“Sinong nagsabi sayo na boyfriend ko yon?”
“Sya mismo. Sabi nya sa akin na boyfriend mo raw sya.”
Nagngitngit ang kalooban nya sa narinig. Kaya pala, biglang- bigla nalang nag-alisan ang mga manliligaw nya dahil pakana pala lahat ng Aaron na yon. Talagang ginagalit sya nito.