Mula nang pangyayaring 'yon, hindi na sila nag-iiwasan ni Aldrine. Lagi pa itong nakabantay sa kanya. Sobrang pinagkakatiwalaan na ito ng mga magulang nya, at ng mga kapatid nya. Isinugal kasi nito ang buhay nito para sa kanya.
Halos dalawang linggo din ito na nananatili sa hospital. Hindi na lumaki ang balita sa muntikan ng paggahasa ng isang sa mga prinsessa ng mga Del Fuengo. Ginamitan kasi ito ng kapangyarihan ng daddy nya para hindi na kumalat ang balita.
Nasa isang rehabilitation center narin si Landon, at nangako ang daddy nito na hindi na nito iuuwi ang anak sa San Bartolome.
Unti- unti narin syang naka- move on mula sa nangyari sa kanya.
“Gusto mong matuto?” tanong sa kanya ni Aldrine. Ang tinutukoy nito ay kung gusto nyang matutong magbisekleta.
“Oo naman. Bakit tuturuan mo ako?” nakangiting tanong nya dito. Kasalukuyang kasi itong nagbibisekleta, at inggit na inggit sya dito. Gusto din kasi nyang matuto nung.
Hindi kasi sya natuto sa bagay na ito kasi masyadong protective ang daddy nya sa kanya. Mula nang nadisgrasya sya sa bike noong bata pa sya, pinagbawalan na sya ng daddy nya na sumakay ng bike.
“Oo. Pero sa isang kondisyon.” Nakangiting sabi nito. This past days, napansin nya na hindi naman pala ito kasing suplado ng kuya Zac nya, palangiti naman ito paminsan- minsan.
“Anong kondisyon?” kunot-noo sya. Hindi naman sya takot sa kung anong hihingin nito.
“Turuan mo akong mangabayo.” ani nito na ikinangiti nya.
“Yan lang ba?” tumango ito. “Sure.”
At sa paglipas pa na mga araw, nagtutulungan na sila nito para matutunan ng bawat isa ang gustong matutunan. Lagi din silang magkasama nito sa hacienda, habang tumutulong sa mga gawain doon. Kaya mas lalo tuloy naging close sila sa isa’t- isa.
----
“Wow, ang guapo mo pala.” Bulalas ni Clouie, nang tuluyan ng naputol ang mahabang buhok ni Aldrine, neat look na ito. At inahit narin ang mumunting balbas nito. Kasalukuyan sila na nasa isang barber shop, kailangan na kasi nitong maging neat look, isang linggo nalang, magsisimula na ang pasukan. At bawal sa school nila ang may mahabang buhok na lalaki.
Totoo naman ang sinabi nya. Ang guapo pala talaga nito ngayon at maayos na ang hitsura nito.
“Talaga?” nakangiti na paniniguro nito. “Sinabi mo lang yata 'yan, para hindi ako masyadong masaktan kasi nawala na ang pinakamamahal kong buhok.”
Napatawa sya.
“Aldrine—guapo ka nga! Kung wala lang akong crush, baka nagka- crush na ako sayo.”
“May crush ka?” he teased. “Bakit hindi ko yata nakilala.”
“You will meet him soon.” Nakangiting sabi nya dito.
Plano nya itong pilitin na pumasok sa club na sinalihan nya, para magkaroon ito ng social life. Mukha kasing napaka- introvert nito.
----
“Aldrine, ikaw na ang gumamit ng kotseng ito.” ani ng daddy nya kay Aldrine. Napag-alaman kasi ng daddy nya na marunong pala itong magmaneho at may student license na ito. Kasalukuyan silang nagku- kwentuhan nito sa garden set na nasa bakuran bahagi ng Villa, nang nakita nila na sumenyas ang daddy nya, pinalalapit sila nito.
“Nakakahiya po tito—'yong motorcycle ko nalang po ang gagamitin ko.” tila nahihiya talaga na sabi nito.
“Wag ka ng mahiya, Aldrine—plano ko kasi na ipasama sayo si Clouie, papunta sa school at sa pag-uwi dito sa bahay.” Nakangiting sabi ng daddy nya, napatingin sya dito, ganun din si Aldrine, tila nagtatanong sila pareho sa ama. “Pwede mong tawagin personal bodyguard, o kahit anong gusto mong itawag, basta sama- samahan mo lang ang anak ko kahit saan sya magpunta.” Mahabang paliwanag ng daddy nya.
“Dad---“ gusto nyang magreklamo, hindi sa ayaw nyang kasa- kasama si Aldrine, nag-eenjoy nga sya kung kasama ito, pero baka makadistorbo sya dito. May sarili din kasi itong buhay.
“My princess, wag ka nang magreklamo kung ayaw mong ikukuha kita ng totoong bodyguard.” May halong pananakot ng daddy nya.
Nagsusumamo na titig ang iniukol nya kay Aldrine. Ngumiti ito.
“Ok po tito. Hindi ko po pababayaan si Clouie.”
“Good.” Ani ng daddy nya. “Now, my princess, mamili ka. Si Aldrine o isang tunay na bodyguard.
Napahawak sya sa bisig ni Aldrine. Mukhang nabigla pa ito sa ginawa nya.
“Aldrine, will be better.”
Napailing na napangiti ang daddy nya.
-----
-----
“Wala akong maalala sa mommy ko pero sabi ng daddy ko, mahal na mahal daw ako ng mommy ko.” panimula ni Aldrine sa pagku-kwento, nag-usisa kasi sya tungkol sa buhay nito.
Hindi naman nya inaasahan na pagbibigyan sya nito at magku-kwento ito sa buhay nito. a
Nasa dalampasigan silang dalawa, nakaupo sa hood ng kotse, habang nakaharap sa tubig dagat. Tini- test drive kasi nila ang kotse na bigay ng daddy nya dito. “I never been a good son, puro sakit lang sa ulo ang ibinigay ko kay papa. Kaya nung nawala sya, ipinangako ko sa sarili ko magbabago na ako.Kaya laking pasalamat ko sa daddy mo, dahil binigyan nya ako ng pagkakataon na magbago.” Lumanghap ito ng hangin, saka lumungkot ang mukha.
“Kung nasaan man ang daddy mo ngayon—I know masaya sya na makita kang nagbabago.” Pagpapalakas ng loob nya dito. Hindi ito nagsasalita, nakatingin lang ito sa kawalan.
“Clouie—gustuhin mo pa kaya akong makasama ‘pag malaman mo ang mga bagay na pinagagawa ko noon?” Sabi nito na hindi nakatingin sa kanya.
Napatitig sya dito. Napansin nya ang pagbugtong-hininga nito.
“Alam mo ba nung 15 years old ako, nakulong ako ng 6 months sa isang disciplinary house, kaya medyo delay ako ng isang taon sa pag-aaral.” Simula nito.
“Bakit anong nagawa mo?”
“Muntikan na akong nakapatay.” Diretsong sabi nito.
Napaawang sandali ang labi nya na nakatingin dito. Hindi naman sya natakot sa sinabi nito.
“Masyado kasi akong obsess sa isang babae noon, pero ayaw na ayaw ng parents nya sa akin. Kahit pareho pa kaming bata, napagpasyahan namin na magtanan. Kaya lumayo nga kami pareho, pero nahuli kami ng parents nya. Inilayo nila sa akin si Dianne, dinala nila ito sa ibang bansa. Dahil sa kalungkutan, naglasing ako ng sobra sa isang bar, nawala ako sa tamang pag-iisip,hindi ko lang namalayan na nakasaksak na pala ako.” napatingin ito sa kanya. Hindi sya makapaniwala sa narinig. Saka binawi nito ang paningin sa kanya, at ibinalik iyon sa kawalan. “Masyado akong na-attach kay Dianne, 'yong klasi kasi ng atensyon na kailangan ko, sa kanya ko lang nakita. Kaya nung nawala sya, nalugmok ako sa kalungkutan, halos gabi- gabi akong naglalasing, sinubukan kong gumamit ng druga, buti nalang kahit papaano, may katinuan pa ang isip ko.” lumanghap itong hangin. “Ngayon Clouie, gusto mo pa ba akong kasama?”
Kaysa sumagot sa tanong nito. Pabigla syang yumakap dito. Kahit ano at sino pa ito, mamahalin parin nya ito bilang kaibigan at gusto parin nyang kasama ito.
Para itong nanigas sa ginawa nyang pagyakap dito.
"Gusto parin kitang makasama, Aldrine. Mahal na mahal parin kita bilang kaibigan." Naluluhang sabi nya.
Yumakap din ito sa kanya kalaunan.
Masarap palang makulong sa bisig ni Aldrine, para bang safe na safe sya sa mga bisig nito, at walang pwedeng manakit sa kanya.