Malapit nang matapos ang dalawang linggo, ngunit wala parin syang naisip na lalaki na pwede nyang bayaran para makipagsabwatan sa kanya. Wala naman syang pakialam kung magbabayad sya, ang importante sa kanya ay magawa nya ang challenge. Ayaw pa naman nyang isipin ng mga kaibigan nya na talunan sya. Marami naman syang mga guapong manliligaw, pero ayaw nya sa mga ito, dahil baka mag-assume pa ang mga ito. Ang gusto nya ay yon safe sya at malayo syang magkagusto. Tulad nalang ng isang lalaki na inis na inis sya. Teka lang, may isang lalaki nga pala syang kinaiinisan. At aaminin nya, guapong- guapo din ang lalaking ito. Bakit hindi nya naisip ang lalaking yon. Mula sa pinagtataguan nya, hinihintay nya na ang umalis ang kuya Brat nya, para makausap nya na masinsinan si Nathan. Kainis, buka

