PP 10

1287 Words
Ang lapad ng ngiti ni Aaron sa dalawang mangliligaw ni Nicolle. Buti nalang 7 boquet of flowers ang dala nya. Hindi kasi nya alam kung ano ang paboritong bulaklak ni Nicolle, kaya umabot sa pito ang na-order nya. Kay Alexa pa sya humihingi ng suggestion sa mga oorderin nya. Ang magandang buntis nyang hipag, ang dami naman na pinangalanan. Inilapag nya lahat ng dalang bulaklak sa sofa, kaya hindi na nakaupo ang dalawang manliligaw ni Nicolle. “Manliligaw karin ba ni Nicolle pare? Ngayon kalang namin nakita, ha?” ani ng isa. Halatang meron nang irritasyong sa mukha ng dalawang lalaki. Planong talaga ng mga ito na agawin si Nicolle mula sa kanya. Hindi naman kaguapuhan ang mga ito. Hindi naman bagay ang hitsura ng mga ito sa kagandahan ni Nicolle. Wala talagang ibang lalaki ang nababagay kay Nicolle kundi ang kanyang napakaguapong sarili lamang. “Mukha ba akong manliligaw kay Nicolle?” balik tanong nya dito. “Kung hindi ka manliligaw kay Nicolle. Ano ka sa kanya?” ani naman ng isa. “Fiancee nya ako. May angal!” Diretsong pagkakasabi nya sa mga ito. Sinadya nya ito at wala syang planong bawiin. “Fiancee ka nya?"sabay pa na bulaslas ng dalawa. Imbes na sagutin ang mga ito. Paalas kwatro syang naupo sa sofa. Kinakausap nya si Mikmik. Medyo weird ito na katulong nila ni Nicolle. Inilapag nito ang dalang snack nito sa mesa. “Mikmik, sabihin mo nga sa sweetheart ko na male-late na kami sa meeting namin with our wedding planner. Wag na syang masyadong magpaganda dahil maganda na sya sa paningin ko.” cool na pagkakasabi nya. Napangiti sya ng lihim ng napaismid ang dalawang manliligaw ni Nicolle. --------- “Maam, tatlo na po ang naghihintay sayo sa ibaba.” Ani ni Mikmik sa kanya ng napagbuksan nya ito ng pinto ng kwarto nya. “At sabi po ng isa, malelate na kayo sa pagpapaganda ninyo.” Napanganga sya sa sinabi nito. Medyo weirdo pa naman ito. “Ha? Anong pagpapaganda?” “Ewan ko pero yon po ang sabi ng guapo- guapong lalaki. Yon na ang pinakaguapo sa lahat na naging manliligaw nyo.” Guapong manliligaw? Nandito ba si Marlon? “OK.” may halong pagsuko ang kanyang boses. Mas mabuti na siguro, bababa nalang sya sa sala, kaysa mabaliw pa sya sa kaweirduhan ni Mikmik. Ayaw nyang masira ang magandang mood nya ngayon. Maganda talaga ang mood nya kasi sabado ngayon at wala syang trabaho. Ibig sabihin, hindi nya makikita si Aaron ngayon. Sanay na sya na maligawan. Kaya tulad ng lagi nyang ginagawa, tinamisan nya agad ang ngiti nya pero napalis din agad yon nang hindi naman manliligaw ang sumalubong sa paningin nya kundi asungot sa buhay nya. “What are you doing here? Nasira na naman ang maganda nyang mood. Umagang- umaga pa nga, sinisira na nito ang araw nya. “Good morning sweetheart!” nakangiting bati nito sa kanya. Tumayo pa ito at humakbang palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya na humalik ito sa pisngi nya. Shit! Nanghina yata ang tuhod nya sa pagdantay ng mainit na labi nito sa pisngi nya. Lihim nyang kinalma ang papawalang isip. Hindi sya dapat magpaluko sa manlulukong lalaki na nasa harapan nya. Kinaswal nya ang mukha na napatingin dito. “Mikmik, akala ko ba tatlong manliligaw ang naghihintay sa akin.” Ani nya kay Mikmik na nasa likuran nya. “Oo nga Maam, kanina tatlo, ngayon isa nalang. Inaaway kasi nya.” ani nito na itinuro pa si Aaron. “Ano ang ginawa mo kina Rocco at Raven?” Pangalan ito ng dalawa nyang manliligaw na magkapatid. Hinaluan nya ng inis ang boses. “Wala naman sweetheart. Hindi ko na kasalanan kung na-iinsecure sila sa kaguapuhan ko. Hindi ko pa nga naipagmalaki sa kanila na mayaman din ako. Tahimik lang ako dito, hindi lang ako nagsasalita. Pero, parang sadyang nakaka-insecure ang taglay kong kaguapuhan. Kaya umalis ang mga close to pangit na manliligaw mo." Pgmamayabang na sambit nito. Tama naman ito sa sinabi nito. Kaya lang, hate na hate nya parin ito. Alam nyang may plano itong masama sa kanya. Siguro plano nito na paibigin sya muli tapos dudurugin na naman ang kanyang puso. Inirapan nya ito. Saka na sya nagpasiuna na humakbang papunta sa sofa. Napansin nya ang pagsunod nito sa kanya. Saka lang nya napansin ang 7 boquet of flowers. Gumaan yata ang pakiramdam nya. Favorite pa naman nya ito lahat. Siguro, galing ito kina Rocco at Raven. “Do you like it?” tila bulong lang na tanong ni Aaron sa kanya. Inilapit nito ang bibig sa tainga nya. Kinilabutan sya sa ginawa nito. Tumatayo ang mga balahibo nya. “Pwede ba wag ka ngang------“ ani nya sabay lingon dito. Natigil sya bigla sa ibang sasabihin nang paglingon nya, muntikan nang nalapat ang labi nya sa labi nito. Inilapit naman kasi nito masyado ang mukha sa tainga nya. “Sweetheart, masyado mo naman yatang nagustuhan ang mg dala kong bulaklak. At balak mo akong halikan agad.” mamilyong napangiti pa ito. Ngayon, buhay na buhay na naman ang inis nya dito. Milo syang napatingin sa mga bulaklak, ang pangit na ng mga ito sa kanyang paningin. “Mikmik—“tawag nya sa weird nilang katulong. Agad naman pumanhik ang katulong. “Yes Maam!” agad na sabi nito. “Magpatulong ka kay Gador, kunin mo itong bulaklak na ‘to sa paningin ko. Ilagay mo ito sa flower vase natin na may nakasulat na biodegradable, non- biodegradable at recycle.” Makahulugang na utos nya dito. Saka napatingin sya uli kay Aaron at mas lalo syang nainis. Pangiti- ngiti lang kasi ito. Pumanhik naman si Mikmik. ------ “Ano bang kailangan mo ha?!” Agad na tanong nya kay Aaron. Magkaharap silang naupo nito sa isang steel chair na malapit lang sa swimming pool nila. “Binibisita ka. Ayaw ko kasi na mamiss mo ako.” mamilyo itong napangiti. Sobrang pagtaas ng kilay nya. “Pwede ba Aaron, hindi ako nakikipaglaro sayo. What do you want from me? “Ok. I’m going to invite you on a date. Grab mo na ang chance." “Thanks. But no thanks.” Diretsong pagkakasabi nya. “I am busy today.” Saka sya tumayo. Ayaw na nya itong makausap na matagal. “Where are you going?” maang na tanong nito. “Obvious ba?Aalis na.” padabog nya itong tinalikuran. Ngunit sumunod na naman ito sa kanya. “Pwede ba Aaron, wag mo ngang sirain ang araw ko ngayon.” Ani nya dito na hindi man lamang sumulyap dito. “I'm not ruining your day. Kaya nga ako nandito para pagandahin ang araw mo ngayon.” Mas lalo syang nainis. Hindi ba nahalata nito na ito ang sumisira ng araw nya. “Whatever!” binilisan nya ang paghakbang para matakasan nya ito. Ngunit natigil din sya sa paghakbang ng nakapasok na sya sa loob ng sala. Nainis yata sya sa nakita. Napatawa si Aaron sa nakita. “Mikmik!” tawag nya sa pangalan ng katulong. “Yes Maam!” agad naman itong lumapit sa kanya. “What is that?” Sabay turo pa nya sa sumalubong sa paningin nya. Ang mga bulaklak kasi na dala ni Aaron ay inilagay nga nito sa flower vase, tapos sinulatan pa ng biodegradable, non- biodegrable at recycle ang mga flower vase. At wrong spelling pa ang lahat. Hindi talaga nakuha nito na ang basurahan ang tinutukoy nya. “Sinunud ko po ang iniutos ninyo maam. Sabi nyo, yan ang gagawin ko.” Tila inosente ng pagkakasabi nito. “Ayos ka Mikmik.” Nakatawang sabi ni Aaron. Palipat- palipat ang kanyang tingin kina Mikmik at Aaron. Ang weird talaga ng mga kaharap nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD