FMY 20

1386 Words
"Adrian, please stay with me!” humahagulhol na sabi nya sa nanghihina na si Adrian. Unconscious na ito. Nakahiga ito sa isang hospital bed. “Pangako ko sayo, paninindigan na kita, ipaglalaban na kita. Wag mo lang akong iwan.” “Maam—kailangan nyo pong umalis.” Ani ng isang nurse. “Kami na ang bahala sa kanya.” Kahit ayaw nyang iwan si Adrian, pero kailangan nya muna itong iwanan. Tulong luha sya habang tuluyan nyang ipinaubaya si Adrian sa mga doctor. ---------- ---------- “Pwede ba ipaliwanag mo ito, Alexa.” Sabi agad sa kanya ng mommy Alissa nya, kasama nito ang mommy ni Adrian. Kasunod ng mga ito ang mga asawa ng mga ito. Nakaupo sya sa waiting area ng hospital. Tumabi ang mga ito sa pagkakaupo nya. Pinagitnaan sya ng mga ito. “Mom, tita—si Adrian..” humahagulhol sya sa pag-iyak. “—kasalanan ko ‘to. Kung sana, hindi ko nalang sya binabalewala. Sana pinanindigan ko nalang sya..” naitakip nya ang dalawang palad sa mukha at walang tigil ang paghagulhol nya. “Ano bang ibig mong sabihin, Alexa?” tanong yon ng daddy Kyle nya. Naupo ito at ang daddy ni Adrian sa harapan bahagi. Binalikwas nya ang mga kamay mula sa mukha. Saka sya humarap sa mga ito. Ikinuwento nya sa mga ito ang lahat ng tungkol sa kanila ni Adrian. Ang relasyong nila noon at kung paano nya ito binabalewala at hindi pinandigan. Hanggang sa bumalik ito at nagawang kidnapin sya. Ang pagdadala nito sa kanya sa Isla, at ang pagpilit nito na magpapakasal sila na tinanggihan nya. Kahit mahal na mahal nya ang binata. Dahil alam nyang mali, pinsan na nya ito. Hanggang sa pagtakas nya kung saan nadisgrasya si Adrian. Nakagat ito ng malaking ahas dahil sa pagliligtas nito sa kanya. Napahagulhol ang mama ni Adrian sa narinig. Niyakap ito ng asawa nito. Pinakakalma ito. Hindi halos makapaniwala na titig ang pinakawalan ni Alissa sa kanya. “Bakit nyo ito inilihim ni Adrian sa amin Alexa? Kung sana sinabi nyo nalang, hindi sana umabot sa ganito.” Tila may pagdaramdam ang boses ng daddy Kyle nya. Hindi nya mapatanto kung galit ang mga magulang, isa lang ang sigurado sya, nagtampo ang mga ito. Sunod- sunod parin ang pagtulo ng mga luha nya. Naramdaman nya ang paghagod ng mommy nya sa likod nya. “Sana, sinabi mo nalang sa amin ito Alexa.” Lumanghap ng hangin ang mommy nya. “Pero, may kasalanan din naman kami ng daddy mo. Kung hindi ka sana namin pinaniwala sa isang kasinunggalingan. Hindi sana kayo nagdusa ni Adrian ngayon.” Nagtatanong ang mga mata nya. Pati na ang mga magulang ni Adrian, nagtatanong din ang mga mata nito. Napatulo ang luha ng mommy nya. Mukhang nahihirapan itong sabihin sa kanya ang ibig ipakahulugan nito. “Hindi ka namin legal na ampon, Alexa. We love you at pangarap namin na maging anak ka.” Napamulagat sya. Palipat- lipat ang tingin nya sa kanyang mga inakalang mga magulang. “May dahilan kaya hindi ka namin tuluyan naampon.” Ani naman ng mommy nya. Samu’t saring emosyon ang naramdaman nya dahil sa narinig. “A-Ano hong dahilan?” hindi nya napigilan magtanong. “Ako ang dahilan—“ Sabay silang napalingon sa nagsasalita. Sumalubong sa paningin nila si Lola Milagros nya. Humakbang ito palapit sa kanila at naupo din ito sa harapan bahagi nya. “Lola, ano po------“ Nakatanga sya dito. “Hindi tuluyang nakaperma ang antie at tito mo sa adoption paper dahil nawalan na sila ng buhay.” Lumanghap ito ng hangin. “Kaya, ako ang nagiging guardian mo dahil ako na nalang ang natitirang biological kamag-anak mo. Nakikiusap ako kina Alissa at Kyle na wag kang tuluyan ampunin, sa isang kadahilanan na hindi ko nasabi sa kanila. Pero, sinabi ko sa kanila na pwede naman nilang palabasin na legal ka na nga nilang anak. Ginawa nila yon dahil gusto nilang mapasaya ka. Wag mo silang sisisihin, dahil ako ang may kasalanan.” Huminto muna ito sa pagku-kwento at napabugtong- hininga sandali. “Ginawa ko yon dahil gusto kong magiging masaya ka balang araw, katulad sa kasiyahan meron si Alissa. Ayaw kong maging kumplikado para sayo ang lahat pagdating ng araw.” “Ano pong ibig yong sabihin? Mataman itong nakatingin sa kanya. Mataman din na naghihintay ang lahat sa kung ano ang susunod na sasabihin nito. “Kahit lagi kayong nagbangayan ni Adrian, pero pansin na pansin ko ang kakaibang titigan nyong dalawa. Ang titig mo kay Adrian ay parang katulad ni Alissa noon, kung paano nya titigan si Kyle. Tapos si Aldrine naman ang naalala ko kay Adrian, ang titig nya kasi ay katulad ng pagtitig ni Aldrine kay Clouie noon. Bago nyo pa inamin na gusto ninyo ang isa’t- isa, nahahalata ko na sa kilos at tinginan ninyo.” Huminto na naman ito, hindi nito napigilan ang pagtulo ng mumunting luha. “Alam ko ang lahat ng tungkol sa nangyari noon. Lihim akong naging saksi kung gaano kayo kasaya, at kung paano kayo nasaktan.” “Pagkatapos ng rebelasyon nina Alissa at Kyle sa debut mo, isang araw kinausap ko si Adrian, inamin ko sa kanya ang lahat. Sinabi ko sa kanya na hindi ka legal na ampon. Sobrang saya nya sa narinig. Pero hiniling ko sa kanya na layuan ka muna, bata kapa at ayaw kong mapasubo ka. Sabay pangako sa kanya, na babantayan kita at magiging kayo din pagsapit ng takdang panahon.” Napanganga sya sa sinabi nito. Alam ni Adrian na hindi sila legal na magpinsan. Pero, bakit hindi ito inamin ng binata sa kanya. “Hindi nawala ang komunikasyon naming dalawa. Lahat ng ginagawa mo, nangyayari sayo ay regular kong ibinabalita sa kanya. Hindi talaga galing sa akin ang mga mamahalin birthday gifts, galing talaga sa kanya. At ang mga bulaklak na natatanggap mo galing sa akin, sa kanya talaga galing. At kaya madalas kitang kinukunan ng larawan sa halos lahat ng ginagawa mo, dahil yon ay request nya sa akin.” Napanganga sya. Minahal sya ni Adrian mula sa malayo sa loob ng anim na taon. Ginawa parin nito ang lahat para sa kanya. Kailanman, hindi sya kinalimutan nito o subukan kalimutan. Lumanghap na naman ito ng hangin. Hindi din halos makapagsalita ang mga kasama nila. “Nung tinanggap mo ang kasal na inaalok ni Kevin, sakto naman at tapos na sya sa isang kurso nya. Kaya pinauuwi ko na sya agad. Saka kami nagplano kung paano magiging kayo sa bandang huli. Alam ko naman na mahal mo parin sya kaya nakipagtulungan ako sa kanya. Kaya hindi nya nasabi ang totoo, yon ay dahil sa kagustuhan ko parin.” “Alam kong matagal mo nang pangarap na maging tunay na anak nina Kyle at Alissa, natatakot ako na baka masaktan ka ng sobra pag malaman mong hindi mo pala sila legal na mga magulang. Sinabi ko kay Adrian, na dapat mapaibig ka nya ng husto muna, naibaling ng tuluyan ang sarili mo sa pagmamahalan nyong dalawa. Bago namin sabay na aminin sayo ang buong katotohanan.” Tuluyang na itong umiyak. “Alam kong napakaunfair ng ginawa ko. Kaya kong meron man may kasalanan dito, ay ako yon. Gumawa ako ng plano, hindi ko naman alam na ito pala ang mangyayari. Kyle and Alissa, sana mapatawad nyo ako. Gusto ko lang maging masaya si Alexa, sya nalang ang natitirang alaala ko mula kay Savannah. Aldrine and Clouie, handa ako sa galit nyo pero gusto ko lang ang pag-intindi. At saka, apo Alexa, I’m sorry sa nagawa ko sayo. Hindi natupad ang pangarap mo na maging legal na bahagi ng pamilya ni Alissa. Naglilihim ako sayo. Ginawa ko lang ‘to dahil gusto kong magiging masaya ka habang buhay at alam kong si Adrian ang makapagbibigay nung.” Humahagulhol ito sa pag-iyak. Hindi nya alam kung ano ang maramdaman sa sunod- sunod na rebelasyon na nalalaman nya mula dito. Isa lang ang alam nya ngayon, kailangan nya si Adrian sa buhay nya. Kailangan nitong lumaban at magpakatatag para sa kanya. -------- “Be with me, Adrian. Don’t leave me. I will be waiting for you. I love you.” Bulong nya sa tainga ni Adrian, bago ito tuluyang ipinasok sa isang kwarto. Kahit natutulog parin ito pero alam nyang naririnig sya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD