LTB 7

1686 Words
"You are so beautiful, Aaliyah!” buong paghanga na sambit ni Elijah nang tuluyan na syang nakalapit sa mesa, kung saan ito naghihintay sa kanya. Tumayo ito, saka sya ipinaghila ng upuan. Nang nakaupo na sya ay bumalik din ito sa pagkakaupo nito. “Salamat!” nakangiting sabi nya dito. “Ikaw din, ang guapo mo ngayon. I mean sa lahat pala ng pagkakataon.” Ngumiti lang ito. Saka may nakita ito. “May kasama ka pala?” tanong nito sa kanya na nakatingin ito sa likuran nya. Lumingon sya. “Hi!” ani ng kuya Aaron nya. Nakaupo ito sa isang upuan sa pinakamalapit na mesa sa mesa nila ni Elijah. “Kuya?” hindi nya makapaniwalang sambit. “Ano ang ginagawa mo dito?” “Kumusta pare Elijah—“imbes sagutin sya nito si Elijah ang pinuna nito. “Ok lang naman sayo kung babantayan ko ang kapatid ko, menor de edad pa kasi yan. Ok lang naman sayo diba?” “No problem.” Parang pilit na ngumiti si Elijah. Inis nyang binawi ang paningin mula sa kapatid. Lagot ito sa kanya mamaya.Talagang sinusundan sya nito. “Pasensya kana sa kuya ko. Over protected kasi sya sa akin. Mas mahigpit nga sa akin ang kuya Adrian ko. Buti nalang, wala sya ngayon.” Mahina lang ang boses nya. Nahihiya sya dito dahil may chaperone sya. “Ok lang. Siguro ganyan talaga ang mga kuya.” Ani nito. Lumapit na sa kanila ang waiter at kinuha ang order nila. “Yon kuya Adrian mo, saan na sya ngayon?” tanong nito sa kanya. Baka naman kilala din nito ang kuya Adrian nya. Hindi malayong mangyari yon. “Madalas syang nasa Manila, miminsan na sya umuwi dito sa San Bartolome.” Sagot nya. “Kilala mo rin ang kuya Adrian ko?” Hindi nya na napigilan ang mapatanong. “Kung alam mo lang kung gaano ko sya kakilala.” Bahaw itong ngumiti. Napakunot- noo sya. “Kaibigan mo rin ba sya? Tulad ng kuya Aaron ko?” “Oo. Mas close nga kaming dalawa. Pareho kami mahilig sa larong tago- taguan at habul- habulan.” Hindi nya alam kung nagpapatawa ba ito, napakaseryoso kasi ng mukha nito. Pero, agad din sya napatawa ng mahina itong napatawa kalaunan. Lumapit sa kanila ang isang waiter na nagdadala na ng mga inorder nila. At tahimik lang silang kumakain nito. Pareho silang madalas ang pagsulyap sa isa’t- isa at ang tamis ng ngitian nila. Mukhang nailang ito, kasi nakabantay sa bawat galaw nila ang kuya Aaron nya. “Aaliyah—“napansin nya ang paglanghap ng hangin nito, pasimpleng palapit ang kamay nito sa kamay nya na nasa ibabaw ng mesa. Pero bago mahawakan nito ang kamay nya, tumikhim ng napakalakas ang kuya Aaron nya, kaya mabilis na binawi nito ang kamay. “May sasabihin ka?” “Gusto ko lang sabihin na ang bait ng kuya Aaron mo. Pag may kapatid din akong babae, I will do the same way as he do." tila pabalang ang boses nito. “Mabuti naman.” Ani ng kuya Aaron nya. Mukhang narinig nito ang sinabi ni Elijah, malakas naman ang boses nito. “Alam mo, mahirap magtiwala sa panahon na ‘to, lalo na sa kaawa---kaibigan.” Nilingon na naman nya ang kuya nya. “Kuya? “ ipinapakita nya sa mga titig nya sa kapatid na wag itong mangistorbo sa kanila ni Elijah. Makahulugan syang nginitian ng kapatid. Saka nya ibinaling ang paningin kay Elijah. “Pasensya kana sa kuya ko.” Nahihiyang sabi nya kay Elijah. “Playboy kasi yan kaya wala din tiwala sa mga lalaki.”hinaluan nya ng tawa ng boses. “Galit nga naman sa kapwa playboy ang mga playboy din.” Mahinang napatawa din ito. “So, you mean to say, playboy karin?” mahina lang ang boses nya. Baka marinig pa sya ng kuya nya. “Maybe.” Ngumiti ito ng napakatamis- tamis. “Pero, lahat ng playboy kaya yatang patinuin sa ganda mo Aaliyah.” Napayuko sya. Tinignan nya kung nasa tiles na ang puso nya. Para kasing lumundag ito. Sa tingin nya namumula ang pisngi nya ngayon. “You’re blushing?!” nakangiting tanong nito. “May nasabi ba ako? “Ano—“ hindi na naman tama ang pagtibok ng puso nya. “Can I go to the restroom?” Tanong nya. Kailangan nyang kumalma muna. “Sure.” -------- “Ang sabi ko unting- unti mong layuan ang kapatid ko, bakit mo sya edinidate ngayon?” Sabi na nga ba nya, lalapitan sya agad ni Aaron para kontrontahin. “Hindi ko sinabi sayo na gagawin ko ang sinabi mo. Hindi mo ako utusan Zalmeda.” “Nakikipagbiruan kaba sa akin Ferrer? At anong balak mong gawin kay Aaliyah? Balak mo ba syang gantihan dahil sa pagkakakulong mo?” Hindi na maitago ang galit sa boses nito. “Wala akong planong masama kay Aaliyah.” Binuo nya ang boses. “Alam mong hindi kayo pwedeng mas mapalapit pa Ferrer. Oras na malaman ito ni Adrian, sigurado ako na ilalayo nya sayo ang kapatid namin. At masasaktan lang si Aaliyah dahil mukhang pinaibig- ibig mo sya.” Galit na pagkakasabi nito. May kabuuhan din ang boses nito. “Kung sana, ginawa mo yon sinabi ko sayo sa simula palang, baka nakalimutan ka na ngayon ng kapatid ko.” May pagkaalala din naman sa kanya. Kasalanan ba nya kung hindi nya kayang iwasan si Aaliyah? Gusto nya itong makita lagi at makasama lagi. Kung pwede lang, iniuwi na nya ito sa pad nya at gawin sa kanya habang buhay. Pero, pinigilan nya ang sarili na maging mapusok kay Aaliyah. Hindi ito katulad ng ibang mga babae na dumaan sa buhay nya. Mahalaga ito sa kanya. “Hindi kita masisisi Zalmeda, hindi ka naman marunong magkagusto sa isang babae. Mas tumitibok kasi ang puson mo kaysa puso mo. Gusto ko lang mapasaya si Aaliyah.” “Mapasaya?” hinaluan nito ng tawa ang boses. “Aaliyah has everything, believe me Ferrer, she’s happy even without you.” “You will never understand, Zalmeda.” Sarkastik na pagkakasabi nya dito. “Have you ever meet someone na gustong mong pasiyahin?” Napatigil ito. Saka napabugtong- hininga. “Ferrer, alam mo bang halos isumpa na ni Aaliyah ang dahilan kaya nakalatay si Adrian noon dahil sa bugbog. Ayaw kong masaktan sya pag malaman nyang ikaw ang dahilan nung.” “Wag mong ibuntong sa akin lahat ng kasalanan Zalmeda. Alam mong muntikan narin akong namatay nung. At dahil sa impluwensya ng pamilya nyo, kaya ako lang ang nakulong sa aming dalawa. Napaka- unfair naman nung, diba?!” Alam nyang pareho na silang galit sa isa’t- isa. Ano man sandali, baka pareho na silang hindi makapagpigil nito at sila na naman ang magsuntukan nito. Bumungtong- hininga sya. Kailangan nyang kalmahin ang sarili. Kasama nilang dalawa ngayon si Aaliyah. “Hindi ito ang tamang lugar para magpatayan din tayo Ferrer. Pasalamat ka, hindi kasing init ang dugo ko sa kakambal ko.” Parang sinubukan nito ang maging mahinahon. “ Ito na ang huli, iwasan mo na ang kapatid ko.” May kabuuhan ang boses nito. Hindi sya makasagot sa sinabi nito. Hindi din naman nya alam kung ano ang tama. Gustong nyang mapasaya si Aaliyah, at alam nyang masaya ito pag kasama sya. Ayaw din nya itong masaktan, pero baka tama ito, mas lalo lang masaktan si Aaliyah pag malaman nito na muntikan na silang namatay ng kuya Adrian nito dahil sa isa’t- isa. At aaminin nya, hanggang ngayon, galit na galit parin sya sa kuya Adrian nito at plano parin nya itong gantihan. Alam nyang tatlong taon na ang nakakalipas mula nang nangyaring yon pero hindi parin naghilom ang galit nya sa mga Zalmeda lalo na kay Adrian Zalmeda. Isinumpa nga nya ang buong angkan nito. Pero, nakilala nya si Aaliyah at iba ito sa lahat. At hindi nya magawang magalit dito o masaktan kahit dulo ng daliri nito. Pero, ano nga ba ang dapat nyang gawin? Naguguluhan sya. Gulong- gulo. “Kuya, bakit nandyan ka sa mesa namin ni Elijah?” sabay silang napatingin ni Aaron kay Aaliyah. ------- Kunot- noo syang nakatingin sa kapatid nya at kay Elijah. Mukhang may masinsinan pinag-uusapan ang mga ito. “Ah!—“ ngumiti ang kuya Aaron nya. “—pinag-uusapan namin ni Elijah ang ilan sa mga nakakatuwang pangyayari noon. Alam mo na magkaibigan, kaya paminsan- minsan, hindi mapigilan ang magkakwentuhan.” Saka ito bumaling sa nakangiti rin si Elijah. “Paano Bro Elijah, yon napag-usapan natin.” “Pag-iisipan ko Bro Aaron.” Ani ni Elijah. Mukha ngang close na close ang mga ito. Nagtawanan pa ang mga ito na parang baliw. Well, ganito sila magtawanan ni Zabrina, lalo pa’t kung sila lang ang nagkaintindihan. Ganyan naman ang tunay na magkaibigan. ------- “Mukhang close kayo ni Elijah kuya, parang gusto ko na tuloy sabihin kay Kuya Adrian ang tungkol sa amin ni Elijah. If I know, mas close sila, pareho silang maluko eh!” Hindi nya napigilan bulaslas. Sa bandang huli, napagpasyahan nya na sumama nalang sa pag-uwi sa kuya nya. Ihahatid sana sya ni Elijah kasi dala naman nito ang kotse nito. Pero, hindi pumayag ang kuya nya. At dahil nga magkaibigan ang mga ito, kaya agad din nagkaintindihan. “Wag!” ani nito, sabay inihinto nito ang kotse. “Wag mong sabihin kay Adrian.” May pagkabahala sa boses nito. “At bakit?” napakunot- noo sya. “Dahil-----“ parang nag-isip pa ito nang pwedeng maging rason. “Dahil?” ulit nya sa sinabi nito. “Dahil kailangan munang mapatunayan ni Elijah ang sarili sa akin. Alam mo na, close din kami, at alam kong medyo playboy sya. At dahil mas close sila ni Adrian, kaya mas lalong magdadalawang isip yon na paniwalaan si Elijah. Baka mabugbog pa ni Adrian ang mokong na yon.” Nakatingin ito sa kanya habang nasa steering wheel ang mga kamay nito. Well, may punto nga naman ito. Masyado pa naman estrikto ang kuya Adrian nya. “Ganun? Ok.” Napangiti sya. Pinatakbo na nito uli ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD