Ang paghuhusga agad sa isang tao ay walang maidulot na mabuti. Pwede tayong magbigay ng ating opinyon tungkol sa isang tao, pero wag magmalabis at humantong sa puntong hinuhusgahan na agad ito. Kung may hindi pagkakaunawaan, mas maganda parin ang matinong usapan.
Nakangiti si Yvanna habang pinagmamasdan ang masayang pakikipaglaro nina Alissa at Kyle sa kambal na lalaki nila ni Kiefer.
Mula ng isinilang nya ang mga ito, 6 months na ang nakakalipas, halos araw- araw nasa bahay nila ng kanyang asawa ang mga parents-in- law nya.
“They are really fond of Dimn and Dean.” Ani ng kanyang asawa.
Hindi nya napansin ang paglapit nito sa kinatatayuan nya. Umakbay ito sa kanya.
“Yah!” nakangiting sabi nya.
Iniharap sya ng asawa.
“At dahil may bantay ngayon ang babies natin. Baka gusto mo rin na bantayan ako.” may pang-aakit ang boses nito.
“Talagang wala kang kasawa- sawa.” Itinago nya ang excitement.
“Kahit kailan—hindi ko pagsasawaan ang ganda ng aking asawa.”
Napangiti sya.
Saka nila siniil ng halik ang isa’t- isa. Hihilain na sana sya ng asawa papunta sa kwarto nila nang may tumikhim.
Sabay silang napalingon sa kung saan galing iyon. At sumalubong sa kanilang paningin ang nakangiting si Alexa.
“Gusto nyong kumain muna ng cake bago nyo gawin ang plano ninyo?” Nakatawang sabi ni Alexa. Sabay pakita nito ng bagong bake nito na cake
Nagkatinginan sila ni Kiefer. Saka sila napatawa. Masarap magbake si Alexa at hindi nila ito tatanggihan.
She knew that she didn’t only found a wonderful husband, she has found a wonderful family also.
Mabuti nalang mayabang at makulit si Kiefer. Ito nga ang dahilan kaya nainlove sya dito. At mabuti nalang mahal na mahal din sya nito, kahit pa sa paglipas ng maraming taon.
Si Kiefer Del Fuengo talaga ang nakatadhana para sa kanya. Ang sarap naman sa pakiramdam na asawa na nya ito.
Love is the most beautiful thing to have, hardest thing to earn and most painful thing to lose.
Buti nalang binigyan sila ni Kiefer ng pangalawang pagkakataon ng panginoon. At hindi nila sasayangin iyon.
------The End------
From: Del Fuengo Clan, 3rd generation series 5 titled "Way through your heart".
Thank you readers.
Pabebe ang mga characters sa susunod na story. Bahala kayo kung babasahin nyo. Story of Zac and Loraine.