TPLY 21

1478 Words
To move on. This is what she want. Kyle told her that he loved her eversince. Pero, bakit nasaktan sya sa confession nito? Bakit sa tingin nya nagtaksil ito sa kanya? Mahal daw sya noon pa, pero nakipaghalikan ito kay Savanah, at wala pa ito sa kanyang tabi nung kailangan nya ito. "May problema ba?" tanong sa kanya ng kasama nya ngayon na si Jack. Naging magkaibigan sila nito mula nung nagkakilala sila sa Pearl Island. He is inviting her for a lunch and she accepted it. Hindi nga lang nya lubos akalain na sa mismong restaurant ni Kyle sila kakain nito. Ayaw naman nyang yayain ang lalaki na lumipat sa ibang restaurant. Wala naman itong kaalam- alam tungkol sa kanila ni Kyle. "Wala." sinabayan nya ng iling. Napatitig ito sa kanya. "Meron kang dinaramdam, but, I know wala naman akong karapatan na magtanong sayo dahil hindi paman natin lubusan kilala ang isa't- isa. At ilang linggo palang tayong magkaibigan. But I hope this will enlightened you. 'CRY. FORGIVE. LEARN. MOVE ON. LET THE TEARS WATER THE SEEDS OF YOUR FUTURE HAPPINESS.' Matipid syang napangiti sa sinabi ng kanyang bagong kaibigan. "Pero minsan, mahirap talaga ang mag- move on lalo na pag kailangan mong mag- move on mula sa taong naging mahalaga sayo." naisambit ko. Ngumiti ito. "Ang seryoso natin ngayon, ah!" "Oo. Pasensya kana." "Okay lang, pero kung kailangan mo talaga ng kaibigan, nandito lang ako, kung ayaw mo naman sa akin, marami ka naman ibang kaibigan." pabirong sambit nito. Matipid syang napatawa. Medyo gumaan na din ang kanyang pakiramdam. Honestly, she didn't thought that she'll going to enjoy Jack's company, lalo pa't okupado ni Kyle ang kanyang isip sa mga nagdaan oras. But talagang nakakatuwa lang si Jack na kausap, they talked random things at lahat ng mga sinasabi nito ay may sense. Maliban kay Kyle, si Jack lang ang tanging lalaki na hinayaan nyang mapalapit sa kanya, but it doesn't mean that their going to be romantically involved with each other. It's too early to think something like that. Hindi din nya alam kung ano ang motibo nito sa pakikipaglapit nito sa kanya. Kakapalan naman ng mukha pag sasabihin nyang niligawan sya nito. Sa tingin nya, friendly lang talaga ito. Pagkatapos nilang kumain ng lunch ni Jack, namasyal pa silang dalawa at nanood ng sine sa tanging nag- iisang malaking mall dito sa San Bartolome, na pag- aari din naman ng mga Del Fuengo. "Thank you. Nag- enjoy ako." nakangiti nyang sabi, bago sya tuluyang lumabas mula sa kotse ni Jack. "Ako din naman, sa uulitin." Ngiti lang ang kanyang isinagot sa sinabi nito, saka sya maingat na lumabas mula sa kotse ng lalaki. Medyo ginabi narin sya ng uwi. Hindi nya talaga namalayan ang oras, at nag- enjoy lang sya sa company ni Jack. "May bisita ka." Ani sa kanya ng kanyang antie Milagros pagpasok palang nya sa bahay nito. "Sino po ant----" Hindi na nya naituloy ang iba nyang sasabihin nang nakita nya ang sinasabing bisita ng kanyang antie Milagros. Magkaharap na silang nakaupo ngayon ni Kyle. Ang Antie naman nya ay pumanhik na sa second floor nitong shop na bahay narin. "Ang tagal naman yatang natapos ng date nyo ng lalaking yon." sambit ni Kyle, na tila pang- uyam sa kanyang pandinig. Napalanghap sya ng hangin para kalmahin ang kanyang sarili. "Ano bang ipinunta mo dito, Kyle?"agad nyang tanong, sa saktong tono lang. "Nakita ko kayo ng lalaki na yon sa restaurant kanina. At alam mo bang selos na selos ako? Plano ko nga kayong sugurin pero pinigilan ko ang aking sarili, dahil ayaw kong lumabas na wala akong modo. Ngayon naman, malalaman ko na mahigit sa kalahating araw kayong magkasama. Alam mo bang napakasakit Alissa? Kakambal ng sakit na aking nadarama ngayon, ay nainsulto din ako, kasi ilang beses kitang niyaya na mamasyal, pero lagi kang busy. Busy ka pagdating sa akin, pero sa iba ay hindi." tila panunumbat na sambit nito, ramdam nya ang sakit sa bawat katagan na binigkas nito. Napakalma na naman sya sa kanyang sarili. "Ano ba talaga ang nais mong sabihin, Kyle? Pwede deretsuhin mo na ako." "Ang gusto kong sabihin, Alissa, ay bakit napakatigas ng puso mo pagdating sa akin? Sa iba, parang ikaw pa din naman ang dating Alissa na naunawain, pero sa akin, nagbago kana." Mabanaag ang matinding pagdaramdam sa tinig nito. Yon poot at pagdaramdam na kinikimkim ng kanyang puso ay pinakawalan ng mga salita nito. "Matigas ang puso ko, Kyle? Bakit? Ano ba ang tingin mo sa puso mo? Malambot na parang gapas. Diba, sa ating dalawa, ang puso mo naman ang unang nagmatigas. Ikaw lang naman ang nag- isip na nagbago na ako, Kyle. Hindi mo lang siguro matanggap na hindi na katulad noon ang samahan nating dalawa. At saka, totoo naman talagang busy ako, nagkataon lang na wala akong masyadong ginagawa ngayon at nung niyaya ako ni Jack, pumayag ako dahil gusto ko lang malibang. Sa totoo lang, ewan ko kung bakit ipinaliwanag ko pa ito sayo. Siguro, gusto lang ipaliwanag sayo na wala sa intensyon ko na paselusin ka." mahaba nyang sambit. Pinilit nyang wag tuluyan maiyak. Masakit ang isipin na hindi na sila katulad sa dati ni Kyle. Lumapit ito sa kanya, at paswat itong naupo sa kanyang harapan, hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Alissa, I'm sorry but please, maniwala ka naman na mahal kita. Bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan sayo na mahal kita. Mahal na mahal kita Alissa." Binawi nya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito. Naramdaman nya ang agad na pamamasa ng kanyang mga mata. Pinahid nya ito, bago pa tuluyan malaglag ang mga ito. "Kahit ilang beses mo man sabihin na mahal ko ano, Kyle. Hindi parin mababago ang katotohanan na pinagtaksilan mo ako. Pinagkaisahan nyo ako ng pamilya mo. Pinapatawad ko ang mga magulang mo dahil baka may dahilan sila kaya naging peke ang kasal nating dalawa. Pero,ang hindi ko matatanggap, ay ang katotohanan na nagtaksil ka sa akin. Napakasakit sa akin ang isipin na habang inakala ko na asawa kita, may ibang labi kang hinahalikan. At baka hindi lang paghahalikan ang ginawa ninyong dalawa, baka higit pa doon." pag- uyam syang ngumiti. Tumayo sya at tinalikuran nya ito. "Umalis kana Kyle, pagod ako ngayon at gusto ko nang magpahinga." Hindi sya nakatingin dito pero naramdaman nya na tumayo din ito. "If you just gave me time to explain, Alissa, things will be different now. Masaya na sana tayo ngayon. Pero sarado ang puso't isip mo sa mga paliwanag ko. Umalis ka nang hindi mo man lang kami binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag. Mahal ka ng magulang ko. Sa tingin mo ba talaga kaya ka nilang saktan?" Napaharap sya dito. "Sa totoo lang, hindi ko lubos maisip na kaya nila akong saktan, Kyle. Kaya napakasakit para sa akin ang natuklasan na peneke nila ang kasal nating dalawa." hindi na no ya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. "Kasalanan ko ba, kung ayaw kong marinig ang mga paliwanag nyo. Kahit ano pang rason nyo, hindi na kayang ibalik ang mga nawala sa akin. Hindi na kayang gamutin ang sugat na nilikha ninyo sa aking puso. Don't try to sugarcoat the pain that I've felt inside, dahil kailan man, hindi nyo na magamot ito." pinahid nya ang kanyang luha gamit ang kanyang palad. "Bakit ba nangyari ito sa ating dalawa, Alissa? We were so happy together back then." tila naghihinagpis nitong sambit. "Dahil siguro, hindi tayo ang para sa isa't- isa, Kyle. Wag na natin subukan, mag move on na tayo pareho. Balang araw, makakahanap ka rin ng babaeng para sayo, at hindi ako yon. Hindi na tayo magiging masayang dalawa, Kyle. Hindi ako ang magpapasaya sayo. Manatili nalang tayong magkaibigan, pakiusap. Umalis kana." Wala na itong nagawa kundi bagsak balikat na umalis. Tulong luha nya itong nasundan ng tingin. "Sorry Kyle, alam ko naman na mahal mo ako at napatawad na naman din kita. Pero hindi na tayo pwede. Hindi ako ang babaeng magpapasaya sayo. Hindi ka sasaya sa piling ko dahil mananatiling may kulang sa pagsasama nating dalawa, at ayaw ko nang sumugal pa." Ano nga ba ang rason kung bakit nagmatigas sya kay Kyle, kahit pa mahal nila ang isa't- isa? Iyon ay sa katotohanan, hindi na kompleto ang kanyang pagkakabae. 60% nalang ang chance na mabigyan nya ito ng anak. At ayaw nyang umasa sa 60% na yon. Noon paman, pangarap na ni Kyle ang maraming anak, ang isang malaking pamilya at hindi nya maibigay iyon. Hindi sila para sa isa't- isa ni Kyle. Ang tadhana na mismo ang nagdesisyon. - - - hello guys, hindi pa magaling ang mga anak ko, nakapag- update lang naman ako dahil natapos ko rin, sa pagsingit- singit ko pag may oras. I try my best to update again, but I can't promise. Salamat sa pag- intindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD