MBCG 7

1307 Words
Days and months passed. Ngayon malapit na naman magtatapos ang pasukan. Halos isang buwan nalang ang hihintayin at bakasyon na naman. Hindi naman sya niligawan ni Clyde pero sobrang close na sila nito. Ang problema lang, hanggang palipad- hangin lang ito sa kanya. Tinutukso nga sya lagi ni Alissa na baka pinakikilig lang sya ni Clyde, pero hindi naman pala sya liligawan. Tinatawanan lang nya nito. Tulad din nila kay Clyde, magkaibigan parin hanggang ngayon sina Suzette at Aldrine. Hindi parin kasi sinasagot ni Suzette ang panliligaw ni Aldrine sa kanya. “Dad, payagan mo na ako.” pamimilit ni Clouie sa ama. May outing kasi ang EIS campus ministry nila. At hindi sya pinapayagan ng ama nya para sumama. Mula kasi nung muntikan na syang madisgrasya, sobrang higpit na nito sa kanya. “Hindi kita pwedeng payagan na mag-isa ka lang.” ani na naman nito. Hindi kasi nya makakasama si Aldrine sa araw na 'yon, kasi may pupuntahan ito sa Manila. “Dad naman—“ may halong pagmamakdol ang boses nya. “Please my princess—wag mo na akong pilitin. Intindihin mo naman ako. Ok lang sana kung kasama mo si Aldrine.” Mahabang paliwanag nito. Lumo nalang syang napatingin sa ama. Naintindihan naman nya ito. Kaya lang, kailangan nya talagang pumunta sa outing, baka liligawan na sya ni Clyde sa araw na 'yan. Inaasahan pa naman nito na pupunta sya. **** **** “Kumapit kang mabuti.” Nakangiting sabi sa kanya ni Aldrine. Sa bandang huli, pinapayagan din sya ng kanyang ama na pumunta sa outing. Masasamahan kasi sya ni Aldrine. Ipinagpaliban muna nito ang pagpunta sa Manila, para masamahan sya nito. Kaya ngayon, sobrang saya ang nadarama nya. Napagpasyahan nila pareho na hindi ang kotse ang gagamitin ngayon, kundi ang motorcycle nito ang sinakyan nila. Hindi ito ang unang beses na nakaangkas sya kay Aldrine sa motorcycle nito. Maraming beses na kasi silang nag-joyride nito. “Oo naman.” Saka nya iniyakap ang braso sa baywang nito. Saka nito pinaandar ang motorcycle nito. Nung una syang niyaya ni Aldrine na sumakay sa motorcycle nito, medyo takot na takot pa sya nung. Kahit pa sabihin na mahilig ang daddy nya sa motorcycle at ang kakambal nya. Hindi pa kasi nya nasubukan na sumakay nito, kasi natatakot sya na baka mahulog sya. Pero ngayon, sanay na sanay na sya at enjoy na enjoy na sya dito. **** **** Napahagod sya ng tingin kay Aldrine nang lumabas ito mula sa banyo ng beach na venue ng outing nila. Hindi man ito naka swimming trunks, pero wala itong suot na pang-itaas. Alam naman nyang macho ito. Hindi lang sya makapaniwala ng napatunayan iyon. Ngayon lang nya kasi ito nakita na nakahubad. Isa naman hindi revealing na one piece swimsuit ang suot nya. “Ok lang ba ang porma ko.” maya’t- maya tanong nito sa kanya. Napaangat sya bigla ng mukha dito. “Oo naman. Ang macho mo nga!” “Really?” “Oo. Sigurado ako na sasagutin kana ni Suzette ngayon. Kasi hindi nya kayang e-resist ang kakisigan mo.” nakangiti nyang sabi nito. “Talaga bang macho ako?” he teased. “Wag mo nga akong tuksu- tuksuhin.” Nakatawang sabi nya dito. Bahagya syang lumapit dito, saka hinagod uli ito ng tingin. Ngunit napalitan ng lungkot ang mga mata nya ng nakita nya ang piklat sa ibabang baywang nito. Kahit maliit lang 'yon pero mahahalata parin iyong, lalo na sa malapitan. “Ito ang pinakapaborito kong bahagi ng katawan ko.” nakangiting sabi ni Aldrine, saka itinuro ang piklat nito. Siguro, napansin nito ang kalungkutan sa mga mata nya. “Kasi, dahil dito naging kaibigan kita”. Ngumiti ito. Saka na sila pumanhik pabalik sa mga kasama nila. Ang lapad ng ngiti nya nang pasalubong sa kanila si Clyde pero napalis din iyon nang nilampasan lang sya nito na para bang hindi sya nakikita. Kunot- noo sya nasundan ng tingin si Clyde na palapit sa mga nag- iihaw nila na mga kasama. "C'mon, busy lang si Clyde kaya hindi ka lang napansin." si Aldrine. Hinawakan nito ang kamay nya at hinila sya nito palapit sa cottage nila. Nagpatianod nalang sya dito. Kanina pa nya napapansin na tila iniiwasan sya ni Clyde. Lalapitan lang sya nito kung may kailangan lang itong importante. Naninibago sya dito, kasi wala naman silang away nito. Nung huli pa nga nilang pag-uusap, sinabi pa nito sa kanya na inaasahan sya nito ngayon sa outing nila. Kaya nga sya nagpumilit na sumama. Umaasa kasi sya na liligawan sya nito ngayon. Pero ang lamig ng pakikitungo nito sa kanya. “Sa tingin mo—bakit kaya hindi ako masyadong pinapansin ngayon ni Suzette?” hindi din napigilan ni Aldrine na itanong sa kanya ito. Tulad kasi sa kanya, malamig din ang pakikitungo ni Suzette dito. Kaya madalas sila ang magkasama nito. Hindi kasi nila nakasama si Alissa sa outing. Nakahiga ito sa buhanginan, habang sya ay nag- eenjoy na takpan ng buhangin ang ilang bahagi ng katawan nito. “I don’t know.” Tuluyan na nyang nailibing sa buhangin ang paa nito. “Hindi nga din ako masyadong pinapansin ni Clyde.” May pagtataka din sya. “Baka narealize nila na masyado tayong hot para sa kanila.” Sinabayan pa nito ng mahinang pagtawa ang sinabi. Mabiro naman ito paminsan- minsan. At magaling itong magpatawa kahit wala sa hitsura. Mahina syang napatawa sa sinabi nito. Kahit pa medyo nakaramdam sya ng sakit sa kalamigan ni Clyde sa kanya. Tumahimik sya. Nakaramdam kasi sya ng lungkot. At napansin nito agad iyon. “Hey--- gusto mong alamin natin.” Ani sa kanya mamaya ni Aldrine. “Paano natin gagawin 'yon?” nahihiya kasi syang magtanong kay Clyde. "Ako ang bahala Just follow my lead." “Kailan natin sisimulan ang plano natin?” sinimulan na nyang takpan ng mga buhangin ang machong katawan nito. “Mamaya—pagbalik nila.” nagbo-boating kasi ang iba nilang kasamahan, at sumama sina Clyde at Suzette sa mga ito. Nagpaiwan sila ni Aldrine, kasi napapansin naman nya na mukhang ayaw ni Clyde na kasama sya. “Sa tingin mo—may gusto kaya sa akin si Clyde?” hindi nya napigilan itanong dito. Tumitig ito sa kanya. “Sino naman ang hindi magkakagusto sa isang babaeng kasing ganda at kasing bait mo Clouie?” Mula sa paglalagay ng mga buhangin sa katawan nito, nabaling ang paningin nya dito. Mukha kasing seryoso ito, pero napaismid sya bigla, kasi nakangisi pa naman ito. “Walang hiya! Akala ko seryoso ka sa sinasabi mo.” tampo- tampuhan na sabi nya dito. “Seryoso nga ako.” pamimilit pa nito. “Totoo naman napakaga-------“ “Aldrine!-----“ saway nya dito. “Maniwala ka kas------" “Aldrine naman!----“ “Bakit?” kunot- noo na tanong nito. “Bakit ka umupo bigla--- malapit ko ng matapos ang paglalagay ko ng buhangin sa katawan mo.” mahabang paliwanag nya dito. Nakasimangot sya. “Plano mo ba akong ilibing sa mga buhangin?” nakatawang tanong nito. Hindi naman sya galit dito. Sanay na ito na tinatarayan nya ito paminsan- minsan. “Kung hindi ka hihiga uli, baka tuluyan na kitang ilibing.” Taas kilay na sabi nya dito. “Ok—ok.” At nagsimula na naman sya na ilibing sa buhangin ang katawan nito. “Ano ba talagang meron sa katawan ko at gusto mo itong ilibing sa buhangin?” nakatawang tanong nito. “Wag ka ng magulo.” Saway nya dito. Tumahimik na ito. Napatingin sya sa mukha nito. Nakapikit ito. Mukha itong matutulog. Lihim syang napangiti. Antukin talaga ito. Malaya tuloy nyang napagmasdan ang guapong pagmumukha nito.Medyo nagsimula nang nagtubuan ang mga balbas nito. Siguro, pipilitin na naman nya ito para ahitin ang mga iyon. Napangiti sya uli. Saka nya tinabunan uli ng mga buhangin ang katawan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD