"Maam, hinihintay po kayo ni Sir Aaron sa baba!” ani ni Mikmik sa kanya ng napagbuksan nya ito ng pinto.
“Sabihin mo sa kanya na wala ako dito. Na umalis ako kanina.” Buo na pagkakasabi nya.
“Pero nandito kayo.” Reklamo nito na ikinainis nya.
“Wag kang magreklamo, just tell him na wala ako dito.”
“Ok.”
Saka nya isinara ang pinto ng kwarto nya.
Ilang araw na nyang lihim na iniiwasan ang binata.
These past days kasi, unti- unti pa naman nyang narealize na mahal parin nya ito. Hindi pala ito tuluyang nawala sa puso nya. Kaya bago pa sya mas lalo malulong sa pag-ibig nya dito, kailangan na nyang umiwas dito. Ayaw na nyang muling maranasan ang sakit na dulot sa buong pagkatao nya dahil sa pagmamahal nya sa binata.
Hindi naman sya mahal nito. Wala naman itong sinasabi sa kanya. Pagsasawaan lang sya nito tulad ng ginawa nito sa ibang babae na dumaan sa buhay nito.
Kaya, habang maaga pa, ayaw na nyang lubusan na magpakatanga.
--------
“Sabi ho ni Maam Nicolle, na sabihin ko raw sayo na wala sya dito sa bahay. May pinuntahan daw sya.” ani ni Mikmik sa kanya.
Hindi nya alam kung matawa sa sinabi nito. Pero, nakatuon ang sarili nya sa pakikitungo sa kanya ng dalaga sa mga lumilipas na araw. Para bang iniiwasan sya nito.
Sobrang saya pa naman nila pareho sa Hidden Pearl Resort. Ipinasyal pa nya ito sa Pearl Island. Pareho pa silang nag-enjoy sa pakikipaglaro sa anak na babae ng pinsan nyang si Gavin sa asawa nito na si Gabrielle.
Pero, pagbalik nila sa trabaho. Bigla nalang lumamig ang pakikitungo nito sa kanya.
Ano kayang problema nito sa kanya?
Kaya isa lang ang naisip nya. Kailangan na nyang gawin ang huling alas nya para mapilitan ito na makipag-usap sa kanya. Kailangang na kailangan talaga nya itong makausap.
-------
Gumaan ang pakiramdam ni Nicolle nang umalis din agad si Aaron. Dahil nababagot na sya sa loob ng kwarto nya, kaya napagpasyahan nyang bumaba muna sa sala nila.
Kababa lang nya sa sala nila nang gumanda yata ang pakiramdam nya dahil sa isang tinig na narinig nya. Ang ganda talaga ng boses nito habang kumakanta.
Bahagya syang napalabas ng bahay. Si Aaron pala ang kumakanta. May dala itong microphone at may live band pang dala.
At ang kinanta pa naman nito ay love song na hindi nya alam ang pamagat.
Nag-umpukan narin ang tatlo nilang katulong at nakatingin dito.
“This next song is heartly dedicated to you, sweetheart.”
Kinidhatan pa sya ni Aaron, hindi sya magpapadala sa magandang boses nito.
“Oh my God! Kakanta na naman si Sir Aaron.”ani ni Mikmik. “Hindi paba sya nagsasawa na ipagmalaki ang nakakahiya nyang boses."
Inis syang napatingin sa katulong. Maganda kaya naman ang boses ni Aaron. Hindi pa nga lang siguro nadiskubre ang klasi ng boses nito.
Tumikhim muna ito bago kumanta.
Imagine that your heart would beat for me
You know that I’m waiting patiently
‘till you’re by my side
Everyday and every night
Baby you’re the one I need, can’t you see?
You know my heart is beating just for you
Baby I don’t seem to find the clue
To be by your side
Everyday and every night
But I feel my heart is aching without you
Maybe I’ll be the one
If you want me here to stay
Maybe I’ll be the one
To guide you all the way
No, I’m never gonna hurt you
You’re always on my mind
And I’ll be the one until the end of time
Sure, there is a way for you and me
Together and forever it will be
I’ll be by your side
Everyday and every night
But I’ll feel my heart is aching without you
Nakangiti pa ang binata pagkatapos nitong kumanta. Pero, hindi sya magpapadala sa nakakakilig na ginagawa nito sa kanya ngayon.
Bago pa nya tuluyan tinalikuran ang binata. Hindi nakatakas sa paningin nya ang tila hindi maipinta na mukha ng mga katulong nya.
Todo simangot kasi ang mga ito, habang nakikinig sa kumakanta na si Aaron.