Kasalukuyan tinatahak ni Alexa ang daan patungo sa bahay ng mga Zalmeda. Malapit lang naman ang bahay ng mga Zalmeda sa bahay ng pamilya nya. Paglabas sa malaking gate nila ay nasa hindi din kalayuan ang gate ng bahay ng mga ito.
Kailangan kasi nyang pumunta ngayon doon. Sa susunod na linggo na kasi ang 28th wedding anniversary ng mag-asawang Zalmeda na sina Aldrine at Clouie. Hindi man nya totoong kadugo ang mga ito, pero parang naging bahagi narin sya sa angkan Del Fuengo. Galing sa angkan Del Fuengo si Clouie kaya ang naging anak mga nito ay membro sa tinatawag na 3rd generation Del Fuengo Clan.
Oo nga pala. Sya pala si Alexa Cecilia Jimenez. Bakit nga ba nagiging bahagi sya ng mga Del Fuengo? Legal kasi syang ampon ng mag-asawang Del Fuengo na sina Kyle at Alissa. Anak sya ng pinsan ni Alissa. Kaya lang Jimenez parin ang apelyidong ginamit nya, ito ay dahil sa pangako nya sa ama nya na dadalhin at ipagmamalaki nya ang apelyido nito hanggang sa ikasal sya.
Meron syang isang kapatid—actually hindi naman talaga kapatid nya sa dugo pero magpinsan talaga sila nito. May isa kasing anak na lalaki ang mag-asawa na sina Kyle at Alissa na si Kiefer. Mahal na mahal nya ang kuya nya. At mahal na mahal din sya nito. Wala na sa bahay ng mga magulang nito nakatira ang kuya nya, may asawa na kasi ito. At isang taon na ang nakakalipas mula ng ikinasal ito.
Balik sa kung ano ang gagawin nya sa bahay ng mga Zalmeda. Sya kasi ang napili ng mag-asawa para magbake ng anniversary cake ng mga ito. At magbe-bake sya ngayon sa bahay ng mga ito, para sa cake tasting. Ito kasi ang hiling ng mag-asawang Zalmeda sa kanya.
Nang nakarating na sya sa malaking bahay, agad syang pinagbuksan ng gate ng guard na si Mang Aldo. Nakangiti pa syang bumati dito. Sadyang close na close pa naman sya sa lahat ng nakatira sa bahay ito.
“Magandang araw ate Alexa!” nakangiting bati sa kanya sa pinakabatang anak ng mag-asawang Zalmeda na si Aaliyah. Matanda lang sya dito ng isang taon. Mukhang may lakad ito. Baka pupunta ito sa San Bartolome Parish Church. Madalas kasi itong nandun.
Nagkasalubong sila nito habang papasok sya sa bungad ng malaking bahay.
“Magandang araw Aaliyah! Pupunta kaba sa simbahan ngayon?” tanong nya dito.
“Oo. May feeding program kasing pinaplano ang simbahan.”
Sandali lang sila nagkakwentuhan nito dahil nagmamadali ito. Nasundan nya ito ng tingin.
May kambal na kuya si Aaliyah, sina Aaron at Adrian. Close na close silang dalawa ni Aaron, kabaliktaran sa kung ano ang meron sa kanila ni Adrian. Sa lahat kasi na membro ng mga Del Fuengo, si Adrian ang kailangan nyang iwasan.
Anim na taon na ang nakakalipas mula ng pumunta sa ibang bansa si Adrian. At hindi nya alam kung kailan ang balik nito. Hindi kasi sya nakikibalita tungkol dito.
Ito ay dahil sa isang sekreto nilang dalawa na ang tanging nakakaalam ay ang kuya Kiefer lang nya.
Naging malaking bahagi si Adrian sa nakaraan nya. Sobrang kaligayahan at sakit ang naging dulot ng binata sa buhay nya. At hanggang ngayon, nananatili parin ang sakit na 'yon.
Alam nyang balang araw, babalik din ito sa Pilipinas. Kaya dapat handa sya sa pagbabalik nito. Hindi sya dapat magpakita ng kahinaan at kahit anong emosyon dito. Kaya, isang plano ang ginawa nya. Tinanggap nya nung isang linggo ang alok na kasal ng isang taon na nyang boyfriend na si Kevin. Si Kevin ay isa sa mga kaibigan ni Adrian.
Nung umalis si Adrian, ibinaling nya kay Kevin ang pagtingin nya hanggang sa napagpasyahan nya na pagbigyan ang pag-ibig nito sa kanya. At isang taon na nga nya itong boyfriend. Pero, hindi din sila madalas magkita nito. Seaman kasi ito, habang sya naman ay madalas na nasa cruise ship, may branch kasi sila na “Deliciously” doon.
Pag-aari ito ng adopted parents nya ang sikat na restaurant na "Deliciously". Family Business nila ito. Isa itong 5 star restaurant, na may apat na branch na. Hindi pa kasali ang branch na nasa cruise ship. Ang “Love cruise” ay pag-aari din ng mga Del Fuengo.
Silang dalawa ng kuya Kiefer nya ang namamahala na sa Deliciously. Ang kuya Kiefer nya ang nasa management area, sya naman sa production. Isa syang chef, at nakapokus sya sa pastry.
Agad syang pumasok sa loob ng malaking bahay ng mga Zalmeda. Nakangiting sumalubong sa kanya si Clouie.
“Alexa!” agad na nakipagbeso- beso sa kanya ang ginang. “Salamat at pinagbigyan mo kami ng tito Aldrine mo.”
“Basta kayo tita.” Ngumiti sya dito.
Inakay sya nito papunta sa loob ng malaking kusina ng bahay. Nakahanda na pala ang mga kakailanganin nya. Ito mismo ang humingi ng pabor sa kanya. Gusto din kasi nitong tumulong sa pagbe- bake ng cake. Mahilig naman ito sa pagluluto.
“Tayo lang muna—wala kasi ngayon ang tito Aldrine mo. May pinuntahan kasi sa car shop nya. Mukhang may bago na naman kotse sa showroom nya. Alam mo naman hands-on parin sya sa busines nya kahit nandun naman si Aaron.” Mahabang paliwanag nito.
“Masipag lang po talaga si tito.”
“You right! Kaya nga proud na proud ako sa kanya."
Marami pa silang napagkwentuhan nito bago nila sinimulan ang ginagawa. Hindi naman nya naramdaman na nakagulo na ito sa kanya. May kunting knowledge pala ito sa pastry.
Nasa kalagitnaan na sila ng ginagawa nang may sinasabi ito na lihim nagpa-isip sa kanya.
“Siguro—'yon kasing taste nalang ng tito Aldrine mo ang gagawin kong proxy.” Ani nito.
Sino kaya ang sinasabi nya na proxy. Nakakahiya naman kung magtanong pa ako. Baka si Aaron, narinig ko kanina na may dumating na kotse. Baka si Aaron ang dumating.
“Hello everybody!” excited na bulalas ng isang lalaki na kilala nya. Kahit hindi nya ito lingunin, kilalang- kilala nya ang preskong boses nito.
“Aaron—“ ani ng tita Clouie nya. “Bakit ikaw ang umuwi? Bakit hindi si daddy mo ang pinauuwi mo?”
Lumapit ito sa kanila. Hindi nya ito pinansin kasi may ikukulit na naman ito sa kanya. Madalas pa naman syang tuksu- tuksuhin nito.
“Mom—ayaw mo na ba akong makita?” may halo pang pagtatampo ang boses nito. “Nandito pala ang bestfriend ko. Nandito kaba para ipag-bake ako ng masarap na cake?”
Nginitian nya ito. Madalas syang tinatawag nito na bestfriend. Dahil kasi ito sa isang babae na bestfriend ang tawag sa kanya noon.
“Nope. At bakit naman ako magpakahirap na magbake para sayo?"
Napatawa ito saka umakbay sa kanya.
“Talaga itong cousin ko—“
“Aaron, tigilan mo nga si Alexa.” Saway ng mommy nito. Saka ito bumaling sa kanya. “Maiwan muna kita sandali ija, may pupuntahan lang ako sandali.” saka bumaling ito sa anak. “Ikaw muna ang bahala kay Alexa, and please wag mo syang guluhin.”
“Ok mom!” ani nito. But she doubt about it! Dahil nababasa na naman nya sa mga mata nito na may ikukulit na naman ito sa kanya.
Makahulugang na tingin ang iniukol nya kay Aaron ng tuluyan ng nakaalis ang mommy nito.
“Alam ko na kung ano ang itatanong mo sa akin? Wala akong bagong balita tungkol sa kanya.” lumanghap muna sya ng hangin. “Bakit kaya hindi ka doon sa daddy magtanong? Diba lagi naman kayong nagkikita.”
Bahagyang lumungkot ang mukha nito. Umakbay na naman ito sa kanya.
"Bestfriend, kahit kalahati ng kayaman ko, ibibigay ko sayo. May maibalita kalang ngayon sa akin.”
Hindi nya alam kung matawa dito.
“Really?” nakatawa sya.
“Oo.”
“Ok. May ipinasasabi nga sya sayo.”
Sumilay ang ngiti sa labi nito.
“Ano naman?” ang lapad ng ngiti nito.
“Hindi ka raw guapo. Kaya ayaw na nya sayo!” biro nya dito.
. Binalikwas nito ang braso na nakaakbay sa kanya.
“Ah—ganun? Lagot ka sa akin.” May pananakot ang boses nito. Saka ito kumuha ng icing at ipinahid nito sa mukha nya.
“Walang hiya ka talaga, Aaron.” Galit- galitan nya dito.
Saka nya din pinunasan ng icing ang mukha nito.
At wala sa loob na nagbabatuhan pa sila nito ng icing. Alam naman nyang hindi magagalit ang mommy nito, nasanay na ito sa laging panggugulo ni Aaron sa kanya.
"Itigil mo na ‘to.” Nakatawang saway nya dito.
“Titigil ako pag sasabihin mong retreat.” Ang lakas din ng tawa nito.
“Ayaw ko nga—hindi naman ako ang pagagalitan ng mommy mo. Ikaw naman!”
At patuloy talaga sila sa pagbabatuhan ng icing.
Pailag- ilag pa sya. Maya’t- maya lang nahuli na sya nito. Para na itong nakayakap sa kanya dahil talagang hinarangan sya nito. Plano kasi nito punuin ng icing ang mukha nya.
Nasa ganun sila na posisyon ng biglang may tumikhim. Napatigil sila bigla nito at napaghiwalay sa isa’t- isa, saka sila sabay na napatingin kung saan nanggaling ang tikhim na 'yon.
At namutla yata sya sa nakita. Isang lalaki na guapong- guapo na sa paningin nya noon, na nagiging mas guapo na ngayon. Ang tangkad na nito at ubod na ng macho.
Kinalma- kalma nya ang sarili.
Bakit ba napasurvey sya ng walang oras sa lalaking ito?
Well, sino naman ang hindi mapasurvey dito ngayon kung nakasuot lang ito ng trunks habang ikinawit sa balikat nito ang isang tuwalya.
Putlang- putla na yata sya ng napatitig ito sa kanya. Nagkatama pa ang mga paningin nila. Mas lalo yata syang namutla ng may kakaibang titig na pinakawalan ito sa kanya.
Umuwi na pala ito. Bakit hindi nya alam? Oo nga pala. Hindi pala sya nakikibalita tungkol dito.
Pansin na pansin nya ang paghagod ng tingin nito sa kanya. Sunod- sunod ang paglunok nya. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo nya ng nakatingin dito.
“May icing party pala dito!” pagak na sabi nito.
“Bro, naglalaro kami ni Alexa. Gusto mong sumali?” nakatawa pa ang kunehong si Aaron. Hindi siguro nahalata nito ang kaba nya.
“Sure! Gustong- gusto ko talagang sumali.” Mas lalo syang kinakabahan ng humakbang ito palapit sa kanila ni Aaron, habang sa kanya ito nakatingin.
“How are you Alexa? Long time, no see!” tanong agad nito sa kanya ng tuluyan itong nakalapit.
“H-Ha?” she can’t find her words.
Napapitlag sya bigla nang pinunasan gamit ang isang daliri nito ang icing sa mukha nya.
“Bro, hindi mo dapat dinungisan ang mukha ni Alexa. Nadudungisan tuloy ang napakaganda nyang mukha.” anito na mas lalong nagpakaba sa kanya.