"Are you ready?” nakangiting tanong sa kanya ng daddy Jack nya, bago sila tuluyan lumabas mula sa kotse.
“Of course!” nakangiting sagot nya sa ama.
Nasa parking area na sila ng C & A carshop and showroom. Ito ay pag-aari ng mag-asawang Zalmeda na sina Aldrine at Clouie. Meron 30% na share ang ama nya dito. Bata palang sya, alam nyang dito din sya magtatrabaho balang araw.
Ipakilala sya ngayon ng daddy nya bilang bagong marketing head ng showroom. Sa pagkakaalam nya, ang kasalukuyan nagmanage dito, ay ang isa sa mga anak ng mag-asawang Zalmeda na si Aaron. Napaismid yata sya ng naalala ang binata.
Sya nga pala si Nicolle Aldawin, nag-iisa lang syang anak ng daddy Jack nya at spoil na spoil sya dito. Namatay ang mama nya nung ipinanganak sya. At mula nung, hindi na nag-asawa ang ama nya. Masasabi nyang lumaki sya sa isang may kayang buhay. Ang daddy nya ay isang Civil Engineer.
Nagiging kasintahan noon ng daddy nya si Clouie. Nung naghiwalay ang mga ito ay nanatili naman ang pagkakaibigan ng mga ito. Nagiging malapit ang daddy nya sa napapangasawa ni Clouie na si Aldrine, dahil sa parehong mahilig ang mga ito sa sasakyan. Sa katunayanninong at ninang nya ang mag-asawa.
Isa lamang carshop ang C & A noon. Pero, napagpasyahan ng daddy nya at ng ninong Aldrine nya na pasukin rin ang negosyong car showroom. At may 30% share nga ang daddy nya dito.
Isang buwan palang ang nakakalipas mula ng umuwi sya galing sa New York. At anim na taon syang nananatili doon. Doon sya nag-aral ng kolehiyo. May mag kamag-anak naman sila doon. Ayaw sana nyang pumunta doon, dahil ayaw nyang iwan ang daddy nya.
Pero, kailangan nyang lumayo para kalimutan ang lalaking nanakit sa kanya. Kailangan nyang mag-move on mula sa feelings nya sa isang lalaking gustong- gusto na nya since she is 12. Buti nalang at napagtagumpayan nya ito.
At sino nga ba ang nanakit sa kanya? Si Aaron Zalmeda lang naman. Ang ubod sa hambog, manluluko, walang isang salita at sobrang- sobra sa pagka playboy na binata.
Palibhasa, hindi lang kasi ito biniyayaan ng nakakahumaling na kaguapuhan, galing pa ito sa isang multi- Billionaire na angkan Del Fuengo. Isang Del Fuengo ang ina nito. Isa ito sa mga membro sa tinatawag na 3rd generation Del Fuengo Clan. Kaya ang lakas ng loob nito para paglaruan ang feelings ng mga babae. Akala nito na isa itong panginoon na sinasamba ng mga kababaihan.Kaya kung gaano nya ito kagusto noon, ganun din nya ito ka- hate ngayon.
Hinawakan ng daddy nya ang kanyang kamay habang tinahak nila ang daan papunta sa loob ng showroom. Mula sa labas, kitang- kita nya ang ilang sa mga kotse na nakadisplay. Mukhang mas lumago ang negosyong ito ngayon.
-------
“Natapos mo na ba ang report this month?” tanong nya sa accountant nila na si Tisay. Isa itong bakla.
“Kunti nalang boss!” nakangiti ang bakla.
“That’s good. Ipasa mo mamaya sa aking pag tapos kana.”
“Yes, boss.” Nag-thumbs up pa ito.
Sya na ang kasalukuyan nagmanage ng car showroom nila habang ang daddy naman nya ang nagmanage parin ng carshop.
Friendly ang environment nila. Parang kabarkada lang nya ang mga tauhan nila. Boss ang tawag ng mga ito sa kanya. Sampu lang naman ang tauhan nila. Kaya kilalang- kilala na nila ang bawat isa.
Umalis na sya mula sa cubicle nito. Napagpasyahan nyang lumabas na sa opisinang bahagi ng showroom. Isu-survey nya ang mga bagong display nila na kotse.
“Dad—“ hindi nya napigilan sambit ng nakita ang ama, kasalukuyan nitong kinakausap ang isa sa mga tauhan nila.
Lagi lang itong nasa carshop mula ng tuluyan nitong ipina-manage sa kanya ang showroom. Kung pupunta ito dito, meron lang itong mahalagang sasabihin.
“I came here dahil may mahalaga akong sasabihin sayo.” Ani nito ng nakalapit na sa kanya. “Yong papalit kay Dolce as marketing head, dadating na ngayon.”
Lumuwag ang pakiramdam nya sa narinig. Bigla kasing nag-resign si Dolce, kaya sya ang kasalukuyan gumagawa sa trabaho ng marketing head at isang linggo na nya itong ginagawa.
“Mabuti naman.” May naisip sya bigla. “Sana naman magaling nyang sa trabaho dad. Alam mo naman hindi ako agad- agad tumatanggap ng empleyado.”
“Of course. Galing sya sa New York.” Nakangiting tugon ng daddy nya. “Tapos din sya ng master nya doon. At saka, she has the right of this company.”
Napakunot- noo sya sa sinabi nito.
“Sino ba ang tinutukoy mo, dad?” may excitement ang boses nya. Sana tama ang hinala nya.
“I’m talking about Nicolle. Jack’s daughter. Remember her?”
“Of course. How can I forget Nicolle?” makahulugang sabi nya, pero hindi na ito napansin ng daddy nya. May nakaagaw na kasi ng pansin nito.
“And there they are!” nakangiting bulalas ng ama nya. Nakatingin ito sa may pintuan ng showroom.
Napalingon din sya doon, at agad napako ang paningin nya sa isang napakagandang dalaga na kasama ng tito Jack nya. At kahit pa sa paglipas ng maraming taon, kilalang- kilala nya parin ang napakagandang pagmumukha nito.
She grown to be a fine very beautiful woman, hindi na ito ang dating neneng na laging nakasunod sa kanya. Nagkatama ang mga paningin nila nito. At napanganga yata sya, hindi na kasi sya nginitian nito, bagkus inirapan pa sya.
----------
Kainis, bakit naging triple yata ang kaguapuhan ng Aaron na yon. Pero, hambog parin. Akala nya ay madadala parin ako ng pangiti- ngiti nya. Wala na syang epekto sa akin.
Ngitngit ng isip nya. Hindi kasi mawala sa isip nya ang pagkikita nila kanina uli ni Aaron. Napakahambog pa kasi ng binata at feeling close parin sa kanya. Madalas pa itong nakangiti sa kanya na parang nag-aakit ang natural na mapang-akit na mga mata. Buti nalang, hindi na sya naaakit dito.
Kasalukuyan syang nasa loob ng opisina nya. Katatapos lang syang ipinakilala ng daddy nya sa mga empleyado. Nag-uusap muna ang daddy nya at ninong nya sandali. Kaya mas pinili nyang pumasok sa magiging opisina nya.
Inaayos nya ang mga gamit nya sa opisina.
“How are you sweetheart?” napapitlag sya ng narinig ang nakakainis na boses. Hinaluan pa ng endearment nito sa kanya.
Inis syang lumingon dito.
“Don’t call me sweetheart.” pagalit na sambit nya. Tawagin na syang bitter pero hanggang ngayon, talagang masama parin ang loob nya dito.
Nakangiti lang ang impakto na nasa harapan nya.
“Why? I used to call you that before. Remember?” pangiting- ngiti nitong sabi na hindi pinansin ang kanyang galit.
“Really? Sorry, but I can’t remember.” Sarkastik na pagkakasabi nya.
Bahagyang lumambot ang ekspresyong ng mukha nito.
“Guess, you still mad at me.” Ipinanguso pa nito ang bibig.
Mas lalo syang nainis. Ang cute kasi nito tignan sa ginawa nito.
“Don’t worry, now that you’re here. We can start all over again.”
Tinaasan nya ito ng kilay. Ano bang kailangan nito sa kanya?
Humakbang ito palapit sa kanya. Itinaas nito ang kamay nito pahaplos sa pisngi nya sabay sabing—
“Handa na akong tuparin ang pangako ko sayo noon. Pwede mo na akong maging boyfriend ngayon.”
Ngumiti sya ng napakatamis- tamis dito. Lumapad din ang ngiti nito sa kanya.
Saka pabiglang sumimangot ang mukha nya at tinampal nya ang kamay nito na nakahaplos sa pisngi nya.
“No. Thanks.” Buo ang boses. “Ayaw ko na sayo.”
Binalikwas naman nito ang kamay nito. Sandali itong nabigla sa ginawa nya.
“I’m a man of one word. Ok. Mula ngayon, boyfriend mo nalang ako.” ngumisi ito.
Ngumisi din sya. Ang lakas talaga ng self- confident nito. Saka pabigla nya itong itinulak. Nasapo yata ito ng bahagya sa mesa nya.
“Sweetheart, aray naman!” pagrereklamo nito.
“Buti nga sayo!” inis na pagkakasabi nya dito. Hindi sya naguilty sa ginawa nya dito. “Tigilan mo ako! Baka mapatay pa kita kung hindi mo ako titigilan.”
Saka padabog nya itong tinalikuran.