Halos dalawang buwan na mula ng nakilala nya si Kiefer personally. At sa loob ng dalawang buwan na yon ay ang kadalasan nyang pag-iwas- iwas sa binatang laging nakasunod sa kanya.
Well—aaminin nya, talagang tahasan inaamin nito sa kanya na gustong- gusto sya nito. Sa pagkakaalam nito, nanliligaw ito sa kanya. Pero para sa kanya, mukha naman hindi ito nanliligaw. Hindi kasi ito seryoso, para lang syang ginugulo nito. Inis na inis pa naman sya, kasi, these past days, mukhang kinikilig na sya dito. At hindi ito pwede.
Katatapos lang ng basketball practice nito. Ewan nya kung anong nag-udyot sa kanya para manood ng practice. Kaya ang lapad ng ngiti ng binata habang palapit sa kanya.
Kilig na kilig pa ang dalawang kaibigan nya na kasama nya kanina. Oo. Kanina lang nya kasama. Nang nakita kasi ng mga ito na papalapit si Kiefer. Biglang- bigla nalang naiihi ang mga ito.
“Hi!” masiglang bati nito sa kanya. “Buti naman at pinagbigyan mo ako ngayon.”
Kinalma nya ang papakilig palang na puso dahil sa matamis na ngiti nito. Tinaasan nya ito ng kilay.
“Excuse me Kiefer—hindi ikaw ang ipinunta ko dito. Pinagbibigyan ko lang ang mga kaibigan ko.”
Hindi nya alam kung totoo ang kanyang sinabi. Noon kasi, kahit tutukan pa sya ng baril, walang makakapilit sa kanya na manood ng basketball team practice. Sumasakit kasi ang ulo nya sa hiwayan ng mga nanonood.
Pero ngayon—kahit hindi sya pinilit ng mga kaibigan, talagang sumama sya agad sa mga ito. At sa totoo lang, hindi na sumasakit ang ulo nya sa hiyawan ng mga nanonood. For the whole duration of the game kasi, nasa kay Kiefer ang kanyang pokus. At inis na inis sya sa isipin na yon ang ginagawa nya.
“Really?” may paniniguro pa ang boses nito, sabayan pa ng mapanukso nitong ngiti nito.
Kinalma nya ang papalipad na isip. Paano naman kasi ang cute nito tignan sa reaksyon nito.
Oh no! Hindi ito pwede. Guapo na sya sa paningin ko. Pero bakit naging triple ang kaguapuhan nya ngayon. This can’t be real.
Hindi nya napansin ang wala sa loob na napatitig sya dito. Bagay na huling- huli nito.
“Yvanna—napatulala ka na naman sa kaguapuhan ko.” puna nito sa kanya. May kapilyuhan ang mga tingin na iniukol nito sa kanya.
Saka lang sya nabalik sa realidad. At itinago nya ang hiya habang nagbawi ng paningin mula dito.
“Okay—you’re handsome!” mas pinili nyang sabihin. “—but that’s not the reason kung bakit ako nakatitig sayo. Okay?!”
“Okay. Then what is the reason baby?”
Anyway, nasanay na sya na tinatawag na baby nito, kaya hindi na nya ito pinansin. Bahala ito sa buhay nito.
Kainis, wala syang naisip na isagot sa tanong nito. Kailangan nyang gamitin ng matino ang kinikilig nyang utak.
“Ang pawis ng mukha mo—pwedeng magpunas ka.” Hindi nya alam kung bakit ito ang lumabas sa kanyang labi.
Sa malas, pinag-iisipan pa sya ng masama nito.
“Salamat baby—talagang nag-alala ka sa akin. Don’t worry, I will take care of myself for you.” Kumidhat pa ito sa kanya.
Pinilit nyang mainis sa kidhat nito. Pero mas lalo yatang kinilig ang kanyang sarili.
Ito na yata ang pangalawang beses na nakasakay sya sa kotse ni Kiefer. Hindi na naman kasi sya masundo ng papa nya.
At sa hindi naman masyadong kahabaan ng pagpapakipot nya, ngayon nga, nasa loob na naman sya ng kotse nito. Kaya ang lapad na naman ng ngiti ng kuneho.
“Siguro naman pwede na kita ihatid ngayon sa inyo.” Ani nito. Sandali itong napalingon sa kanya saka ibinalik agad nito ang pokus sa pagmamaneho.
Hindi kasi talaga sya nagpahatid nito nung una—hanggang sa eskina lang sya papunta sa kanila nagpahatid nito.
“Nope.” Tanggi nya. “Diba, sabi ko sayo strict ang parents ko.”
“Paano naman kita liligawan sa harapan nila kung hindi mo ako ipakilala sa kanila bilang guapo mong manliligaw?” mahabang tanong nito sa kanya.
Oo nga pala. Nasabi pala nya dito na sasagutin nya ang isang lalaki kung liligawan sya nito sa harapan ng kanyang parents.
Napatawa sya sa sinabi nito. Kunot- noo itong napalingon sa kanya sandali.
“Pinagtatawanan mo lang yata ako. Seryoso nga ako sa panliligaw ko sayo.”
Napatingin sya dito. Seryoso ba ito? Mukhang hindi naman seryoso ang mukha nito. Nakangisi kasi ito. Sinong matinong babae ang maniniwala dito? Lalo na sya, napakatino kaya nya.
“Yan ba ang hitsura mo pag seryoso ka?” hindi nya napigilan itanong.
Nasa pagmamaneho na ang pokus nito. Pero, sandali na naman itong napatingin sa kanya.
“Oo. Ano bang hitsura sa seryoso?”
“Yon malayo sa hitsura mo.” diretsong sabi nya dito.
Ito na naman ang napatawa sa kanyang sinabi . Ang sarap pa naman pakinggan ng tawa nito.
Inihinto nito ang sasakyan, dahil bahagyang nagkaroon ng traffic.
“Seriously, bakit ba ayaw mong ligawan kita? I mean—tumanggap ng mga manliligaw?” napatanong ito.
Sinabi nga pala nya dito ang mga ito.
“Dahil ayaw kong masaktan.” Diretsong sagot nya. Totoo naman ito. Karamihan kasi sa mga kamag-anak nya, ay pag-ibig ang dahilan kaya kinitil ng mga ito ang buhay ng mga ito. At isa na nga dito ang mama nya. Bata palang sya, ipinangako na nya sa sarili na hinding- hindi sya iibig.
“Baby—it’s part of life. Hindi mo malalaman kung ano ang totoong kasiyahan kung hindi ka masasaktan. At kung magmamahal ang isang tao, natural lang dun ang masaktan. Magkakambal kaya ang saya at sakit.” Mahabang sabi nito.
Tama naman ito sa mga sinasabi nito. Pero, ayaw parin nyang magkaroon ng isang malalim na kaugnayan sa kahit na sinong lalaki, lalong- lalo na sa Kiefer Del Fuengo na ‘to.
Later…
“Anong ginagawa mo?” kunot- noo na tanong nito.
Kinuha nya kasi ang cellphone nya mula sa bag nya. Saka nya rin inihanda ang headseat nya. Naiinis kasi sya, madalas kasi ang traffic. Kahit nasa probinsya sila. Pero, basta ganito na rush hour, hindi talaga maiiwasan ang traffic.
“Makikinig ng music.” diretsong sabi nya. “Music makes me relax.”
Totoo naman ito. At kailangan pa naman nyang mag-relax. Hindi dahil sa traffic kundi dahil sa mga palipad hangin ni Kiefer.
“Don’t bother using your cellphone—makikinig nalang tayo ng music dito sa kotse ko.” ani nito. Saka ini-on nito ang stereo ng kotse nito. May isinalang itong isang USB. “Mahilig din ako sa music. Sa totoo lang, mahilig nga akong kumanta.” May pagmamayabang na naman ang boses nito. “Pero pag kumanta ako, mas mabuting magpokus ka nalang sa kaguapuhan ko kaysa boses ko.” nakatawang dagdag nito.
Lihim naman syang napangiti. Humble naman ito paminsan-minsan. At pumailalim nga ang isang musika na gusto pa naman nya. At nanlaki ang mga mata nya ng sumabay nga ito.
Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sayo
Paano mo maramdaman ang t***k ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika’y masasaktan
Pangako ko ang puso mo’y hindi pakakawalan
Napanganga yata sya. Madalas pa ang pilyong- pilyo pagsulyap nito sa kanya habang kumakanta. Nagmamaneho kasi ito.
Paano mo maiintindihan na ako’y nananabik
O kelan ko kaya madarama ang tamis ng iyong halik
Kung lagi mong inaatrasan ang sugod ng nagmamahal
Sana nama’y pagbigyan mo hiling ng puso ko
Subukan mong magmahal o giliw ko
Kakaibang ligaya ang matatamo
Ang magmahal ng iba’y di ko gagawin
Pagkat ikaw lang tanging sasambahin
Wag ka ng mangangamba
Pag-ibig koy ikaw wala ng iba
Tama nga ito sa sinabi nito. Kung kakanta ito, mas mabuti pang magpokus sa mukha nito kaysa boses nito. Kung gaano kasi ito kaguapo, kabaliktaran naman ang boses nito. At ang nakakainis, talagang sa mukha sya nito nakapokus. Kasi, mas gumugwapo ito tignan sa papilyo- pilyong ngiti nito.