Magkatabi silang naupo ni Zac sa sofa na nasa apartment na tinutuluyan nila. Kasalukuyan silang nanonood ng documentative movie. Ito talaga ang mga movie na gustong- gusto ni Zac, yon maraming nakakainis na hindi nya maintindhian na mga salita at nakakaantok na movie. Pero ito, sadyang enjoy na enjoy sa panonood.
Mabilis ang pagtakbo ng panahon at ngayon nasa 2nd year college na sya. Sa Mapua University sya nag- aaral dahil ayaw nyang magtampo sa kanya si Zac. Lagi talaga syang sumusunod dito. Mula pa nung bata sya, ay sinusunod na nya lagi si Zac.
“Zac!” sambit nya sa pangalan nito.
“Don’t distorb me—busy ako sa panonood.”
Pero, hindi sya nagpasaway dito.
“Zac, malapit na ang debut ko.” malambing na sabi nya dito.
“And so?” sa pinanood parin ang pokus nito.
“Alam mo ba na binigyan ni Brat ng magandang kwentas si Elisse nung debut nya.” isinandal pa nya ang ulo sa balikat nito. “Ikaw, ano ang ibibigay mo sa akin sa debut ko.”
“Sakit sa ulo.” Tila nagbibiro na sabi nito pero seryoso naman ang mukha.
“Zac naman, eh!”
“Diba, maganda naman lagi ang gift sayo ng secret admirer mo—at lagi karin pinadalhan ng bulaklak bawat birthday mo.” Ang tinutukoy nito na secret admirer nya na laging nagpapadala sa kanya ng regalo at bulaklak tuwing birthday nya, mula nung 10 years old sya.
“Iba parin yon galing sayo.” talagang nilambingan nya ang boses. “May naisip ka na ba?"
“Pag-iisipan ko muna.” Maikling sabi nito na talagang nasa pinanood ang pokus.
“Zac---“
“Ano na naman?”
“Sabi ni Miriam—hindi ka raw nagrereply sa mga text nya. “ si Miriam na tinutukoy nya ay ang kaklasi nyang iniriritiro nya kay Zac. Maganda ito, matalino at mabait.
“Pwede ba wag mo na akong iritiro sa mga kakilala mo. Talagang mula pa noon kung kani- kanino mo lang ako ipinamimigay."
“Kasi, hinahanapan kita ng mabuting babae.” Totoong sabi nya dito.
Napatingin ito sa kanya, nakasandal parin ang ulo nya sa balikat nito. Nagkatama ang mga paningin nila pero sandali lang, dahil inaangat din muli nito ang mukha.
“Sabi ko naman sayo na may babae na akong pinangakuan na pakasalan balang araw.”
Totoo ito, mula pa noon lagi nang sinasabi nito sa kanya na may babae na itong pinangakuan pakasalan balang araw pero, hindi naman nya kilala ang babae.
“Paano naman kasi, hindi mo ipinakilala sa akin ang babaeng tinutukoy mo.” may halong tampo ang boses nya.
“Makilala mo rin sya balang araw.”matipid na sagot nito, saka mas itinuon muli ang pokus sa pinanood.
Baka ang babaeng tinutukoy nito ay ang babaeng mahal nito, kaya hindi ito seryoso sa pakikipag-relasyon. Buti pa ito, may mahal na. Sya kaya, kailan kaya sya magkaroon ng lovelife?
Dahil sa inaantok sya sa pinanood nila na movie kaya hindi nya napigilan ang sarili na hindi makatulog sa balikat ni Zac. Tutal, alam naman nyang kakargahin sya nito para ipasok sa loob ng kanyang kwarto, kasi ito naman ang laging ginagawa nito ‘pag makatulog sya.
-------
Kasalukuyan silang kumakain ng breakfast ni Zac, pareho na silang ready para pumunta sa school. Si Zac, ang laging nagluluto ng agahan nila kasi hindi talaga sya maaga kung magising. Napatitig sya kay Zac, may gusto syang sabihin dito na hindi nya alam kung paano simulan.
“May gusto kabang sabihin sa akin?” kunot- noo na tanong nito. Napansin kasi nito ang pagtitig nya dito.
Lumanghap muna sya ng maraming hangin bago sabihin kay Zac ang gusto nyang sabihin.
“Zac—alam mo ba napaginipan ko kagabi na ----“ nakita nya na tumunga ito ng tubig, na nakatitig sa kanya. “—hinalikan mo raw ako.” napaubo ito sa kanyang sinabi.
“Ano?” halos yata mabingi sya sa lakas ng boses nito. Sumama bigla ang hilatsa ng mukha nito. Talagang kahit sa panaginip, ayaw nito na halikan sya.
“Sabi ko, hinahalikan mo ako sa panaginip ko.”
“At bakit naman kita hahalikan?”
“Kaya nga panaginip---- ang sagwa talaga ng panaginip ko. Buti nalang panaginip lang ang lahat.” totoong sabi nya dito. Talagang naman kahit napaka-kissable pa ng lips nito ay hindi nya pinangarap na mahalikan nito. Pero, may isang beses na hindi sinasadyang naglapat ang mga labi nila. Pero hindi naman halik yon.
Hindi na ito nagkumento sa kanyang sinabi. Sa pagkain na ito nakapokus. Tahimik na ito. Hindi siguro nagustuhan nito ang sinabi nya na hinalikan sya nito sa kanyang panaginip.