FMY 12

940 Words
Kakaahon lang nya mula sa pool ng bahay nila nang nakita nya ang isang lalaki na tila kanina pa nakatingin sa kanya. Mabilis nyang isinuot ang roba. Kinalma nya ang papawala na naman sarili. Hindi sya tumingin sa lalaki. Hindi nya ipinahalata dito na nakita nya ito. Sumipsip sya sa straw ng buko juice na kanina pa nakahanda. Lihim syang napasulyap sa kinatatayuan ng lalaking nakita nya kanina. Nakahinga sya ng maluwag ng hindi na nya ito nakita. “Good morning!” napapitlag sya sa bati na yon. Bahagya tuloy syang napaubo. “Hey—are you ok?” mabilis ang paglapit ni Adrian sa kanya at dinaluhan sya. Hinagod nito ang likod nya. Naramdaman nya ang init ng palad ni Adrian sa kanyang likod na parang tumatagos sa suot nyang roba. Tila na naman parang may mga daga na naghahabulan sa loob ng kanyang dibdib. “I- I’m just fine!” nandito na naman itong kakaibang nerbiyos nya. Agad naman binawi nito ang kamay na ipinagpasalamat nya ng lihim. Bakit mo ba kasi ako ginugulat? Piping tanong ng isip nya. Inilapag nya uli ang juice sa mesa. Lakas loob nyang hinarap si Adrian. Bakit kaya nandito ito sa bahay nila. Hindi na dito nakatira ang kuya Kiefer nya. “H- hindi na dito nakatira si Kuya Kiefer.” Wala sa loob na sabi nya dito. Napatawa ito sa sinabi nya. “Hindi naman si Kiefer ang pinuntahan ko dito, kundi ikaw.” Sandali syang napanganga sa sinabi nito. Lihim nyang kinastigo ang sarili, hindi sya dapat magkaganito. Ipinaalala nya na pinsan nya ang nasa kanyang harapan. Na kahit hindi man nya ito tunay na kadugo, pero isa na sya sa mga membro ng Del Fuengo Clan, at bawal na silang dalawa. Ipinagbabawal na sila ng kanilang angkan. “B-Bakit mo ako pinuntahan dito?” pinilit nyang maging kaswal lang ang boses na sana nagawa nya ng maayos. “Gusto ko kasing umorder ng cake.” Napaupo sya sa steel chair. Kailangan nya maupo dahil parang nanghihina na ang kanyang tuhod at baka mabuwal pa sya. Nakakahina naman kasi sa kanyang tuhod ang mga titig ni Adrian. Parang hinihila nito ang lakas nya at ang gusto lang nya ay ang magpasasa sa mga bisig nito. Gosh! Ano ba itong iniisip nya. Pinagalitan nya ang sarili at ipinaalala na naman nya na pinsan nya ngayon ang kanyang kaharap. Umupo din ito sa isang steel chair na nasa harapan nya. “Do you still remember Yvette, birthday nya kasi bukas.” Nabuhay na naman ang lihim nyang pagseselos ng narinig ang pangalan ng babae. “Ah oo.” Kinaswal nya ang boses. “Anong klasing cake ba ang gusto mo?” Tila nag-isip ito. “Meron ka naman sigurong menu dyan sa mga cake mo.” “Ah. Oo.” Saka sya tumayo. “Hintayin mo na lang ako sa sala.” Aniya at nagpasiuna na sya dito. Sumunod din ito agad sa kanya. “Saan kaba pupunta?” “Magbibihis.” Diretsong sagot nya dito. Kitang- kita naman siguro nito na nakaroba lang sya. “Ah ok.” ani nito. “Gusto mo samahan kita.” Mahinang dagdag nito na sakto lang nyang narinig. Agad syang napalingon dito. “What did you say?” laking mata na tanong nya dito. Tumawa ito. “I’m just kidding!” Agad nya itong tinalikuran. Nag-iinit kasi ang magkabilang pisngi nya. “I think I like this one.” Ani nito. Magkaharap silang naupo nito sa sofa na nasa malaking sala. “Ok. Anong oras mo ba kunin ito bukas?” pinilit nyang maging kaswal dito. “I think 3:00 pm.” Ani nito. “Ok lang naman, diba?” “Ah, oo.” Sandaling namayani ang katahimikan sa kanila. Hindi sya tumingin dito. Nagkukunwari sya na isinusulat ang inorder nito. “How are you, Alexa?” Napaangat sya ng mukha dito sa tanong nito. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng muli silang nagkita. At ngayon palang ang pangatlong beses na nagkita sila. Kaswal ang mukha nya na humarap dito. Mas mabuti na harapin nya ito ng kaswal, after all, pinsan na nya ito. “I’m fine. How about you?” Ngumiti ito pero parang pilit naman. “Mabuti naman kahit papaano.” Matamang syang nakatitig dito pero agad syang nagbawi ng tingin. “W- Wala ka na bang kailangan sa akin. M-May lakad pa kasi ako.” totoong sabi nya dito. Magkikita kasi sila ni Kevin ngayon, naghahanda kasi sila sa engagement party nila. “Saan ba ang punta mo ngayon?” Hindi nya alam kung bakit nagtatanong pa ito. Pero, mas pinili nyang magpakatotoo dito. “Magkikita kami ngayon ni Kevin. Bising- bisi kami para sa engagement party namin.” Sandali itong tumitig sa kanya. Saka ito ngumiti. “Congratulation sa inyong dalawa.” Tila galing lang sa ilong na pagkakasabi nito. “Salamat.” Tanging nasabi nya. Saka sya ngumiti. Sabay silang napatayo nito. “Balikan mo nalang bukas ang inorder mo.” huling sinabi nya dito. Tatalikuran na sana nya ito nang— “Ah Alexa—“ mahinang sambit nito sa pangalan. “Oo.” Napatingin sya dito. Nanlaki ang mga mata nya nang itinaas nito ang isang kamay nito, pahaplos sa pisngi nya. Hindi sya makakilos. Biglang- bigla sya sa ginawa nito. “Sana masaya ka.” Ani nito saka tumigil ito sa ginagawa. At tinalikuran na sya nito. Hindi nya maipaliwanag ang emosyon meron ang mga titig nito sa kanya. At hindi din nya maipaliwanag kung bakit may mumunting mga luha ang lumalabas mula sa kanyang mga mata. Ang ginawa kasi nito kanina ay parang isang pamamaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD