Mabilis ang mga araw, ngayon ilang buwan nalang at gragradwet narin sya sa senior high, habang nasa 3rd year college na si Kyle. Halos isang taon na ang nakakalipas mula ng umalis si Savanah, nandun na ito sa Germany, para doon mag-aral.
Naalala pa nya noon, habang nagpaalam sa isa’t- isa sina Kyle at Savanah, parehong puno ng luha ang mga mata ng mga ito. Saksi ang mga bituin at ang buwan sa pangako ng mga ito na hindi kakalimutan ang isa’t- isa. At sa mga araw na yon, mas lalo nyang napatanto na kailan man, hindi magiging kanya so Kyle. Pagmamay- ari ng kanyang pinsan ang puso nito. Wala naman din sa plano nya na agawin ito mula sa kanyang pinsan. Isa iyon kahangalan.
Habang tumatagal, mas nagiging close silang dalawa ni Kyle. Ilang beses na sya isinama nito sa mga cooking contest na sinalihan nito. Hindi man lahat ng pagkakataon na nanalo ito, pero masaya parin ito sa naging resulta. At laging sinasabi nito sa kanya na sya ang nagpapalakas loob nito para mas lalo itong magpursige para matupad ang pangarap nito.
---------
“Happy Graduation!” masayang bati ni Kyle sa kanya, katatapos lang ng graduation nya. Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse nito. Talagang umuwi ito para sa graduation nya. Pasalamat sya at pumunta ang mommy at daddy nito sa graduation nya, at least masasabi nyang may pamilya syang kasama. Hindi kasi dumating ang antie Milagros nya. Naintindihan naman nya, bising- bisi kasi ito sa flower shop nito. Pagkatapos ng ceremony, nagpaalam si Kyle sa mga magulang nito na may pupuntahan sila nito.
“Salamat.” Nakangiti nyang sabi dito. “Saan ba tayo pupunta?”
Masaya parin sya kahit kaibigan at taga-suporta lang ang tingin ni Kyle sa kanya. Hindi parin kasi nito nakakalimutan si Savanah. Ang babae nga ang madalas nilang napag- uusapan. Lagi nyang kinukumusta si Savanah sa antie nya, para may maikwento sya kay Kyle. Months later kasi mula ng umalis si Savanah, hindi na ito masyadong nagparamdam kay Kyle, masyado daw itong busy sa pag-aaral nito, kaya minsan sa mga kwento nalang nya umaasa si Kyle.
“Sorprisa ko sayo.” nakangiting sambit nito.
Maya’t- maya lang, huminto sila sa isang restaurant. “Don’t tell me, inihanda mo ako ng isang dinner date.” Hinaluan nya ng biro ang boses. Ayaw nyang ipahalata dito na kinikilig sya.
“You could say that!” nakangiting sabi nito. “But, mas better pa dun.” Saka ito lumabas mula sa kotse nito, saka pinagbuksan sya ng pinto sa kotse nito. Inilahad naman nito ang isang kamay nito, nakangiti naman syang tinanggap iyon.
Saka hawak- kamay silang pumasok sa restaurant. Sobrang saya ang nadarama nya. kahit hindi sya ang mahal nito, masaya sya sa isipin na minsan sa buhay nya, naging special sya nito.
“Anong gagawin natin dito?” may pagtatakang tanong nya dito.
“Ipagluluto kita.” Nakangiting sabi nito , saka isinuot nito ang efron nito.
“Kaninong restaurant ito Kyle?”
“Kakilala ko.” saka nagsimula itong maghiwa ng mga sibuyas. “Lahat ng kakainin nating dalawa ngayon ay ako ang magluluto.”
Hindi napalis ang ngiti nya habang nakatingin dito. Ang sandali oras na kasama nya si Kyle ay ang langit nya. Mula nung una nyang nakita ito, gustong gusto na nya ito. Kaya nga madalas syang pagalitan ng nanay nya noon dahil madalas syang nahuli nito na walang ibang ginagawa kundi nakatitig lang kay Kyle. Anong magagawa nya? Gustong- gusto nyang titigan ang mukha nito?
------
“So, what do you think?” tanong nito sa kanya, matapos nyang tikman ang version nito ng Glass Noodle Stir- Fry.
“This is good, Kyle.” Nakangiting sabi nya dito. Magkaharap sila na naupo nito. Mukhang romantic pa ang setting ng lugar at sila lang dalawa ni Kyle. “Mukhang naperfect mo na ito.” masayang bulalas nya.
“Dahil sayo—kung hindi sa mga advices mo kung paano ko pa ito mas pasasarapin pa, hindi ko sana ito na-perfect .” masayang sambit nito. “How about this one? Try this.” Ito pa ang kusang sumubo sa kanya ng version nito ng Duck with Miso- Almond Butter. Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa nito, pero nakabawi din sya kalaunan. Kaya nakangiting syang ibinuka ang bibig at tinanggap ang isinubo nito.
“This is so delicious.”napa-thumbs- up pa sya. “Mukhang na-perfect mo na rin ito.”
“This is all because of you Alissa—lagi mo kasing pinapalakas ang loob ko. Sana pag itatayo ko na ang restaurant ko balang araw, kasama kita at tayong dalawa ang magkaka-cut ng ribbon nito sa opening nito."
Nginitian nya ito.
Of course, hindi kaya kita iiwan—lagi lang akong nandito hangga’t kailangan mo ako.
May iba pang dalawang putahe ito na pinatikim sa kanya. At ang mga iyon ay puro pasok sa panlasa nya. Bago paman ito nag-aaral para maging chef, napakatalented na nito para mag-isip-isip ng kahit ano’t- ano na pwedeng gawin recipe.
“By the way—may iba pa akong graduation gift sayo.” sambit nito. Tapos na silang kumain.
“H-Ha? Ano naman.” Kaswal nyang tanong dito. Itinago nya ang naramdaman kilig. Sa katagal- tagal na ng panahon na lihim nya itong minahal, alam na alam na nya kung paano itago dito ang nadarama nya.
Tumayo ito at pumunta sa likuran nya. Nanlaki ang mga mata nya ng may isang kwentas ito na isinuot sa leeg nya. Napahawak sya sa chef pendat nito.
“K-Kyle?” hindi nya napigilan isambit.
“This is your price as being my good assistant.” Sabi nito saka ito bumalik sa kinauupuan nito.
Sobrang kasiyahan ang nadarama nya at parang gusto na yata nyang umiyak.
“Thank you Kyle!” sobrang saya na bulalas nya dito.
Nginitian lang sya nito.
Ok lang sa akin na maging taga- suporta mo habang buhay. Maging assistant mo habang buhay. Ang mahalaga kasama kita kahit iba ang gusto mong makasama. Hinding- hindi kita iiwan Kyle. Pangako ko yan sayo.