LMB 11

723 Words
Madaling sumapit ang mga araw, mula nang na-realize nya na may kakaiba na syang nadarama para sa matalik na kaibigan, pinilit parin nyang maging normal ang lahat, pero aaminin nya, bahagya nyang idinistansya ang kanyang sarili dito. Hanggang sa grumadwet na ito at nakapasa sa board exam, sa loob pa ng ilang mga araw na magkasama sila ng mga panahon na iyon, ay ang todo pagtatago nya sa katotohanan, na na- inlove na sya sa kanyang bestfriend. Isang katotohanan na nahihirapan syang tanggapin. ------- Ngayon gabi na ‘to ay ang huling gabi ni Zac, bago ito aalis patungong state para mag-aral muli doon at mahigit sa apat na taon na wala ito sa Pilipinas. Bukas ay aalis na ito. Malungkot sya dahil matagal pa bago nya makita muli ang matalik na kaibigan pero lihim din syang nasiyahan dahil may chance na sya para maka- move on mula dito. Hindi nya ito dapat mahalin dahil alam nyang hindi nito matugunan iyon at baka matulad lang ang kanyang kapalaran sa mahal nyang ina. Kasalukuyan silang nasa tree house ni Zac, it’s already 8:00 pm, pinuntahan sya nito sa bahay nila, saka niyaya sya nito na pumunta dito. Hindi na sya nagreklamo at mas pinili na pagbigyan nalang ito. Tutal, aalis na ito bukas at saka, gusto din nya itong makasama kahit sa huling pagkakataon. Hindi nya alam na medyo maglalasing pala ito, nagpasama lang pala ito sa kanya. Halos dalawang bote na ng alak ang naubos nito. “Zac—may problema kaba?” hindi nya mapigilan itanong dito. Magkatabi silang naupo sa papang. Napalingon ito sa kanya, may kalungkutan talagang nakasungaw sa mga mata nito. “Cindy and I are breaking up.” Ani nito. Si Cindy ang recent girlfriend nito. Kaya pala ito malungkot dahil nagbreak na pala ito at ang on and off girlfriend nito. Lagi naman syang saksi noon sa paghihiwalay nito at sa mga girlfriend nito, pero bakit parang ngayon, nasaktan na yata sya sa isipin na kaya ito malungkot dahil sa paghihiwalay nito at ng girlfriend nito. Yong panibagong sakit na nadarama. “Kaya kaba naglalasing ngayon, dahil naghiwalay kayo ni Cindy?” kinaswal nya ang tanong. “Hindi. May mamimiss kasi ako ng sobra.” Matipid na sagot nito saka binawi ang paningin sa kanya. At nakatingin lang ito sa kawalan. “Sino?” hindi nya mapigilan magtanong dito. Mukhang napakahalaga naman para dito ang tinutukoy nitong mamimiss nito. Yong babaeng pinangakuan mong pakasalan balang araw?” Napatingin muli ito sa kanya. “Oo.” Nasaktan sya sa narinig, hindi naman sya ganito dati. Binawi na naman nito ang paningin mula sa kanya. Mukhang mahal na mahal nga nito ang babaeng tinutukoy nito. Tumahimik na sya at tumahimik narin ito. Maya’t- maya lang, nagsalita muli ito. “Pero mukhang may gusto ng iba ang babaeng pinangakuan ko na pakasalan—pero balang araw, tuturuan ko din syang mahalin ako.” buo ang boses nito. Gusto na yata nyang maiyak, wala na talaga syang pag-asa dito. “By the way---“ nilingon sya muli nito, nagkatama tuloy ang mga paningin nila dahil nakatitig kasi sya dito, sya ang bumawi sa paningin mula dito. “Hihintayin kita doon—2 years from now, sundan mo ako doon. Yong plano natin dalawa, tutuparin natin yon.” “Oo.” Wala sa loob na sagot nya. Kahit ang totoo, nagdadalawang isip na sya kung susundan pa ito doon. Iyon ay depende kung naka- move on na sya sa feelings nya dito. “At saka- lagi tayong magtatawagan, magvivideo call at magtsa-chat.” Napatingin sya uli dito at nagkatama muli ang paningin nila. “We’re still living on the same sky Loraine, lagi parin akong nandito para sayo. Yong mga pangarap natin sabay natin tutuparin. Remember you are my Architect and I am your Civil Engineer.” Nakakaiyak naman. Bakit ba kasi umibig sya dito? Napaka- komplikado na tuloy ng buhay nya. All of the nights you came to me When some silly girl had set you free You wondered how you’d make it through I wondered what was wrong with you ‘cause how could you give your love to someone else And share your dreams with me Sometimes the very thing you’re looking for Is the one thing you can’t see - - ...feel lang kumanta ng author..Thanks for reading.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD